You are on page 1of 15

Mga Epekto ng extracurricular activities sa mga estudyante ng

University of Nueva Caceres

Isang gawaing kailangan sa Filipino 2


University of Nueva Caceres TP 2015-2016
Ikalawang semestre

Ni:
John Emil A. Zulueta
Noel Buenavente

Mananaliksik

Pasasalamat

Taos puso naming pinapasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal


dahil sa suporta at kontribusyon upang mabuo at mapagtagumpayan
ang pamanahong papel na ito:

Gng. Marivic S. Lopez, Maraming salamat po sa paggabay at pag


unawa sa amin upang matapos po namin ng maayos ang pamanahong
papel na ito.
Mga Respondente, hindi man naming mabanggit ang pangalan ng bawat
isa sa inyo, sana ay malaman ninyong lubos ang aming pasasalamat
sa buong loob ninyong paglahok sa aming surbey. Kung hindi dahil
sa inyong di matatawarang kooperasyon at kontribusyon, hindi
magiging maliwanag ang pagbigay impormasyong nakasaad dito at
mawawalan ng saysay ang pag-aaral na ito.
Sa aming mga kaklase at kaibigan, lubos ang aming pasasalamat sa
walang sawang pag suporta sa amin sa lahat ng bagay at mga tulong
na kayo lang ang nakapagbibigay.
Sa aming mga magulang, Maraming salamat po sa suportang
pinansyal, sa buong pagsuporta at pagtiwala sa aming kakayahan
upang matapos namin ang pamanahong papel na ito at sa pag unawa
sa mga araw na wala kami sa inyong mga piling.

Sa aming mga Inspirasyon, Lubos namin kayong pinasasalamatan sa


pagiging Inspirasyon at motibasyon upang pag igihan pa namin ang
aming mga ginagawa at sa walang sawang pagmamahal na binibigay
ninyo sa amin. At higit sa lahat, sa

Poong Maykapal, Maraming salamat po sa lahat, Sa pagbibigay ninyo


sa amin ng pasensya at disiplina upang matapos ang pamanahong
papel na ito. Salamat din po sa pagbibigay ninyo ng lakas at
determinasyon upang magawa ang dapat naming gawin sa kabila ng
mga pagsubok na dumating. Higit sa lahat, salamat po dahil hindi
ninyo kami pinababayaan.

Muli, Maraming Salamat sa inyong lahat.

P.S
EZ

NB
ii

TALAAN NG NILALAMAN:

Pamagating pahina

Pasasalamat

ii

Talaan ng nilalaman

iii

Talaan ng talahanayan at graf

iv

KABANATA

I. Ang suliranin at kaligiran nito

Panimula

Layunin ng pag aaral

Kahalagahan ng pag aaral

Saklaw at limitasyon

Depinisyon ng mga terminolohiya

II Mga kaugnay ng pag aaral at literature

iii

III. Disenyo ng pananaliksik

Disenyo ng pananaliksik

Mga respondents

Instrumento ng pananaliksik

Tritment ng mga datos

IV. Presentasyon at intepretasyon ng mga datos

V. Lagom, konklusyon at rekomendasyon

Lagom

Konklusyon

Rekomendasyon

Mga Panghuling pahina

Listahanan ng sanggunian

Apendiks

iv

Talaan ng talahanayan at graf:

Kabanata 1
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula
Ang pag-aaral ang susi sa tagumpay ng buhay.
-Solomon Ortiz
Ang paaralan ay may layuning mapataas ang karunungang ng bawat
Indibidwal. Ito ang nagsisilbing daan upang mapaunlad ang ating
ekonomiya at nagsisilbing pangalawang tahanan. Mahalaga ang
edukasyon sapagkat ito ay nagbubunga ng magandang kinabukasan
upang mapaunlad ang sari-sariling buhay. Sa paaralan, hindi
lamang ang kaisipan ang nahuhubog kundi maging ang katauhan, pag
uugali at kakayahan ng isang tao. Dahil hindi lamang mga aral na
patungkol sa kinuhang kurso ang kanilang natututunan kundi sa iba
pang mga larangan. May mga organisasyon ding maaari nilang
salihan depende sa kanilang hilig at ito ang tinatawag na extracurricular activities. Ito ang dahilan kung bakit hindi lamang
intelektwal ang nakukuha ng mga mag aaral sa paaralan kung hindi
pati na rin sa kanilang mga talent, kakayahan at abilidad. Ang
extra-curricular activities ay mga gawaing pang-edukasyong hindi
bumabagsak sa loob ng saklaw ng mga regular na kurikulum. Ito ay
iba pang mga gawain ng mga mag-aaral sa labas ng regular na araw
sa paaralan. Inilalaan dito ang sakripisyo sa oras at pagod na
hindi saklaw sa pag aaral ng mag aaral.Sa kadahilanang ito,
maaaring magkaroon ng ibat ibang epekto ang ekstra kurikular sa
akademikong pag-aaral ng mga estudyante.

Sa University of Nueva Caceres ay mayroon ding mga organisasyong


pang-extra-curricular. Tulad ng UNC (USG) University Student
Government, organisasyong namumuno sa kolehiyo. CYA na patungkol
sa Katolisismo, Varsities na patungkol sa mga larong
pampalakasan, PICE, Pi Theta, at PSME na kinabibilanagan ng mga
estudyanteng kumukuha ng kursong engineering at mga organisasyong
may kinalaman sa pag awit tulad ng Theaters Guild.

Mga Layunin
Nilalayon ng pag aaral na ito na mapaliwanag at mailahad ang
kung ano talaga ang extracurricular activities at kung ano ang
mabuti at hindi mabuting epekto ng pagsali sa mga organisasyong
ito.
Nilalayon ding masagot ang mga sumusunod na tanong:
A. Ano ang epekto ng extra-curricular activities sa mag-aaral ng
University of Nueva Caceres.
B. Ano ang dahilan ng pagsali ng mga estudyante sa mga extracurricular activities.
C. Ano ang posibleng solusyon upang hindi bumaba ang mga marka ng
mga estudyante sa akademiko.

Kahalagahan ng pag aaral


Ang mga mananaliksik ay makakatulong sa mga sumusunod:
Sa mga Guro:Isa itong hakbang upang malaman nila ang magiging
pokus nila sa pag-organisa samga aktibidades ng paaralan at ang
maaaring pagbabago na kanilang gagawin upangmapataas aing grado
ng mga mag-aaral
Sa mga Mag-aaral:Matutukoy nila kung may makabuluhang epekto sa
pagsali sa mga extra-curricular activities sa kanilang akademik
na pag-aaral. Kanila ding malalaman ang mga nararapat pagtuunan
at bigyang atensyon upang hindi mapabayaan ang buhay akademiko.
Sa mga Magulang:Makatutulong ito sa pag-gabay sa kanilang mga
anak upang higit na maging inspiradosa kanilang mga ginagawa at
magkaroon ng mas magandang performans at hindi mapabayaanang pagaaral ng kanilang mga anak.
Para sa UNC Faculty: Magbubukas sa isip ng mga namumuno
sa paaralan kung anong gawain ang dapat pagbigyan ng tuon at
suporta upang sa mas ika-uunlad ng mga mag-aaral. Makapagbigay
ng payo upang magabayan ang mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon:
Saklaw lamang ng pag aaral na ito ang mga epekto sa pagsali sa
mga extracurricular activities ng mga estudyante,
posibleng maging solusyon at kaisipang pwedeng mapulot ng mga
estudyante bago sumali sa mga organisasyon ito.
Hindi na dito saklaw kung ano ang pipiliin nilang mga
extracurricular activities na kanilang sinalihan at sasalihan,
Hindi na rin dito kabilang ang iba pang mga aspeto bukod sa pag
aaral na maaaring naaapektuhan dahil sa kanilang pagsali sa mga
Gawain tulad ng relasyon sa amilya, kaibigan, pananampalataya, at
iba pa na hindi na tinalakay sa pag aaral na ito.
Kaming mga mananaliksik ay namili lamang ng dalawamputlima (25)
estudyante sa UNC (University of Nueva Caceres) upang magsagawa
ng isang survey. Nakapaloob lamang sa pag-aaral na ito ang
pahayag ng mga mag-aaral ukol sa epekto ng extra-curricular
activities. Isinagawa ang survey na ito sa ika-29 ng Pebrero,
Lunes hanggang unang linggo ng Marso taong 2016.
Depinisyon ng mga terminolohiya
Pinahahalagahan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na mga
salik upang mas maliwanagan ang bumabasa sa pag aaral.
Extra-curricular activities
mga aktibidad na nasa labas ng kurikulum ng isangunibersidad,
kolehiyo o paaralan
Organisasyon
-Isang grupo na may iisang hilig o interes
UNC
-University of Nueva Caceres
CYA
-Christian Youth Association
USG
-University Student Government

Kabanata II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at literature
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pahayag na nakalap ng mga
mananaliksik kaugnay ng ginagawang pag aaral. Nakapaloob dito ang ilang
pahayag na nagpapatunay ng magandang ibinubunga at hindi sa isang
indibidwal sa pagsali sa mga extracurricular activities. Dagdag pa dito,
ang mga mananaliksik ay naghanap din ng ilang imporrmasyon tungkol sa
paano naapektuhan ng extracurricular activities ang mga araling pang
akademiko.
Napatunayan ng ilang pag-aaral tulad ng Organization for Economic
Co-operation and Development (OECD) at ng National Research
Council (U.S.) na ang paglahok sa extra-curricular activities,
pampalakasan at klab ay isang paraan upang maramdaman ng magaaral na siya ay kabilang sa paaralan. Napatunayan din ng isang
pang pag-aaral sa Amerika namalaki ang tiyansa ng mga mag-aaral
na kabilang dito ang makakuha ng mas mataas na marka kaysa sa mga
mag-aaral na nakapokus lamang sa araling pang akademiko.
Ayon kay Rombokas (1999) Ito ang paghubog sa katauhan ng isang
tao na isa sa benepisyo ng pagsali sa mga extracurricular na
Gawain. May magandang epekto sa akademik ng mag aaral dahil
nagagamit niya ang disiplina at katangian sa kanyang buhay. Ang
mga Gawain katulad ng musika at teatro ay isa lang sa mga Gawain
kung saan nagagamit ng mag aaral ang disiplina ng kanyang sarili
at sa kanyang buhay bilang estudyante.
Ayon sa pag-aaral ni Erin Massoni, may- akda ng The Positive
Effects of ExtraCurricular Activities of Students ang isa sa mga
dahilan sa pagsali ng mga mag-aaral sa extra-curricular
activities ay upang mas tumaas ang kanilang self-steem
na makatutulong sa pagkakaroon nila ng mas mataas na grado sa
pagsusulit.
Ayon kay Steven Dowshen, MD sa kanyang sinulat na artikulo sa
Kidshealth.org,ang pagsali sa mga organisasyon ay hindi lamang
tungkol sa palakasan nakalakip din dito ang hilig at interes ng
mga mag-aaral. Sa ganitong paraan mas nahahasa ng mga mag-aaral
ang kanilang talento gaya ng pagkanta, pagsayaw pati na rin sa
usaping pampalakasan. May mga organisasyon ding naitatag upang
mapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin at opinyon sa
isang partikular na paksa sa pagsulat sa pahayagan ng paaralan.
Ayon sa Ontario Public School Boards Association, ang
extracurricular activities ay maaaring mapagyaman ang
pagpapahalaga sa buhay at interes ng isang indibidwal at maihanda
ang mga ito sa buhay na higit pa sa akademikong tagumpay.
Ayon kay Laura Wood, isang manunulat sa eHow Moms, ang paglalaan
ng mga batang kanilang sobrang oras sa extra-curricular

activities ay nagdudulot ng kakaonting panahon sa pag-aaral.


Maaari itong maapektuhan ang grado ng isang magaaral dahil sa
kakulangan sa oras pang akademiko.
Ayon sa isang artikulo ni Chris Anigwe sa Positives of Extra
Curricular Activities,disiplina, pagiging responsible at
kakayahang mabalanse ang oras ay isang mahalagang kasangkapan ng
bawat indibidwal na dapat ugaliin hindi lamang sa trabaho kundi
sa pang araw-araw na pamumuhay. At ito ang nakukuha ng isang magaaral na kabilang sa extra-curricular activities.
Batay sa impormasyon at pahayag na nakalap ng mga mananaliksik
nabigyang linaw nito ang mga maaaring maging epekto ng extracurricular activities sa mga mag-aaral.
Dagdag pa rito, ang mga nailathala ay nagbigay ng mas malalim na
pakahulugan at interpretasyon ukol sa nasabing pag-aaral.
Maaaring sagabal ang extra-curricular activities sa mga
estudyante sapagkat maaaring mas mapagtuunan nila ito ng pansin
kaysa sa kanilang pag-aaral at magkaroon ng hindi magandang
epekto dahilan ng pagbaba ng kanilang marka.Ang bawat
estudyanteng makikilahok sa anumang organisasyon ay nararapat
lamang na mabigyan ng impormasyon ukol sa kanyang sinalihan upang
matukoy ang maaaring maging kahinatnan nito.Ang mga nabanggit na
dahilan ang nag-udyok sa mga mananaliksik upang alamin ang mga
dahilan ng pagkawala ng konsentrasyon sa pag-aaral ng mga
estudyante sa UNC.

Kabanata III
Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan na nauukol sa
extracurricular activities. Ito ay upang magamit sa surbey at gawing
basehan ng mga mananaliksik na kailangan gawin at mas pag tuonan ng
pansin upang malaman ang epekto ng pagsali sa mga extracurricular
activities sa pag aaral ng isang estudyante.
Ang Pamamaraan at mga Teknik na Ginamit
Ang istilo ng pananaliksik na ginamit ay ang Deskriptib dahil ito
ay naglalarawan ng epekto at posibleng solusyon sa problema sa
extra-curricular activities.
Respondents

Ang mga mananaliksik ay pumili lamang ng dalawamput lima (25) na


mga kolehiyong estudyante sa UNC na kasali sa mga extracurricular na Gawain sa kanilang organisasyong sinalihan.
Instrumento ng Pananaliksik
A.Talatanungan
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na ukol sa extracurricular activities. Ginawa ito upang malaman kung ano ang
nasasaloob ng dalawamputlima (25) estudyante sa pagsali sa
organisasyon sa paaralan. Ginawa ang talatanungan na ito sa loob
ng isang lingo.
B.Pakikipanayam
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan para sa
estudyante ng UNC. Mga pili lamang ang maseserbeyan ukol sa
extra-curricular activities. Ito ay upang malaman din kung ito ay
nakakabuti o nakakasama sa pagaaral ng isang estudyante.
C.Pagsusuri sa mga Dokumento
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet. Upang mapadali at
makatulong sa ginagawang pananaliksik. Ito ay lubos na nakatulong
sapagkat mas napadali ang mga Gawain na patungkol sa extracurricular activities.

Tritment ng mga datos

Ang pamanahong papel ay hindi lamang isang paraan upang makakuha ng


mataas na grado sa asignaturang Filipino. Ito ay isang panimulang pagaaral na maaaring makatulong sa ating lipunan, partikular sa mga
estudyante, at upang mapalawak ang kaalaman ukol sa mga bagay na may
kaugnayan sa pinag-aaralan. Ang mga katanungang isinagawa ay
pinaghandaan ng maayos upang mas epektibong makuha ang impormasyong
kailangan. Kaunti lamang ang mga respondenteng kabilang sa pag-aaral na
ito sa kabila ng paggamit nito sa parehong pamamaraan ng pakikipanayam
at pagsasarbey. Ito ay upang mas mabigyang pansin ang mga mahahalagang
detalye ng mga impormasyong ibinahagi na nagmula sa bawat indibidwal.
Sa pamanahong papel na ito ay ang paglahad ng mga epekto ng pagsali sa
mga extracurricular activities ng mga mag aaral ng UNC. Ito Inaasahang
nakuha ng mga mananaliksik ang wastong pagsuri at pag analisa ng mga
nalikom na datos mula sa mga sagot ng mga respondente sa surbey.
Linikom ng mga mananaliksik ang lahat na mga datos na galling sa mga
respondent at pagkatapos ay ginawaan ng isang graf ang bawat katanungan
upang maipakita ang bahagdan ng nakuhang mga datos. Pagkatapos ay
iniugnay ng mga mananaliksik ang mga nakuhang impormasyon sa kaugnay na
pag aaral at literature na makikita sa kabanata 2 upang mapagtibay ang
mga nakuhang datos.

Kabanata 4
Presentasyon at intepretasyon ng mga datos

Matapos ang masusing pangangalap ng mga datos ng mga


mananaliksik, sa tulong ng mga respondente sa sarbey na
isinagawa, narito ang mga datos na napag-alaman gamit ang graf.
Ito ang nagbigay impormasyon ukol sa epekto ng extracurricular
activities sa pag aaral ng mga estudyante ng UNC at layuning
sinagot at natugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang epekto epekto ng extracurricular activities sa pag


aaral ng mga estudyante ng UNC?

2. Ano ang dahilan ng pagsali ng mga estudyante sa mga extracurricular activities.


3. Ano ang posibleng solusyon upang hindi bumaba ang mga marka ng
mga estudyante sa akademiko.
Talahanayan blg. 1

Kabanata 5
Lagom, konklusyon at rekomendasyon
Lagom
Ang pamanahong papel na ito ay ginawa upang ipakita ang mga
posibleng epekto ng pagsali sa ibat ibang extracurricular
activities sa pag aaral ng mga estudyante, mga dahilan ng pagsali
at ang maaaring maging solusyon upang hindi maapektuhan ang pag
aaral ng estudyante. Base sa disenyong deskriptiv at pag aanalisa
ng pananaliksik na ito, Nagsagawa ng sarbey ang mga mananaliksik
bilang bahagi ng pangangalap ng mga datos. Dalawamputlima (25)
ang respondente na nagsagawa ng nasabing sarbey.

https://www.scribd.com/doc/239756668/Final-Thesis-Extracurricular#download

http://www.dailymail.co.uk/news/article-1370429/Study-findsextracurricular-activities-lead-exam-stress.html

http://education.stateuniversity.com/pages/1855/CollegeExtracurricular-Activities.html

http://business360.fortefoundation.org/1799/4-ways-to-balanceacademics-and-extracurricular-activities-2

http://documents.tips/documents/halimbawa-ng-pamanahong-papel-safilipino-epekto-ng-ekstra-kurikular-na-gawain.html

You might also like