You are on page 1of 7

Talambuhay ni Andres Bonifacio

Si Andrs Bonifacio Nobyembre 30, 1863 - Mayo (10, 1897) ay siyang namuno sa
rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na
lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang
magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay nagsimulang
mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmea sa Meisic sa Binondo, Maynila
subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral,
may angkin siyang talino at marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na
rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at
pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales
agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose
Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan
lalo na kung ito ay tungkol sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng inangbayan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik laban sa malupit na mananakop na
Kastila. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan
upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang
maging wasto at panatag sa kanyang adhikaing kalayaan ng bayan. Noong 1892,
matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang
Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon

ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay


sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata
(bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang manggagawa sa pagtatag ng Katipunan
sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria
(ngayon ay Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon"
sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may
iisang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma
ay maging matagumpay.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang
Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang
Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang
Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y
Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga
Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga sedula.
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan
ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo
sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo
ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).
Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga may kayang tao sa hilagang-kanlurang
bahagi ng Kabite at kanilang mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres Bonifacio
sapagkat ito ay isang laki sa hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay
pinamumunuan ng isang mahirap na kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila ang
kakayahan nito. Nang sinubukan ng mga kasapi ng lupon ng mga Magdalo na
usisain ang kakayahan ni Andrs Bonifacio na gawin ang tungkulin ng isang
Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa kanila ay gawain lamang ng isang abogado,
nainsulto si Bonifacio. Idineklara ng Supremo, bilang pangulo ng Katipunan, na
walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga
Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil ng mga
Magdalo. Habang hindi pa naka-aalis ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni
Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa
isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio
kasama ang kanyang kapatid na lalaking si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng
Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon,
hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.

Talambuhay ni Emilio Jacinto

Si Emilio Jacinto ay isang rebolusyonaryong Pilipino noong panahon ng Himagsikan


(1896) na naging isa sa mga magagaling na lider ng Katipunan. Ang kanyang
katalinuhan ay napakinabangan noong panahon ng rebolusyon. Siya ang
tinaguriang "Utak ng Katipunan". Siya ang nagsulat ng Kartilya ng Katipunan at nagedit ng Kalayaan--ang dyaryo na ginamit ng Katipunan sa pagpapamahagi ng
impormasyon.
Siya ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang kanyang mga
magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Solong itinaguyod ng ina ni Emilio
bilang isang kumadrona ang buhay nila mula nang mamatay ang kanyang ama.
Dahil sa kahirapan, si Emilio ay tumira sa kanyang tiyuhin. Si Emilio ay nag-aral sa
Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo
Tomas subalit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1896.
Sa edad na 19, siya ay naging isa sa mga pinuno ng Katipunan at naging tagapayo,
kalihim at piskal ni Andres Bonifacio. Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni
Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Emilio
Aguinaldo. Sa isang sagupaan sa Majayjay, Laguna, si Jacinto ay lubhang nasugatan

at binawian ng buhay sa sakit na malaria noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na


23.

Talambuhay ni Melchora Aquino

Si Melchora Aquino (kapanganakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o


Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung
pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang
maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa
Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong
sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.
Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak.
Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang
bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling
nagpakasal.
Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa
pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres
Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat

ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan


nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda,
pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa paguusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay
kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.
Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga
katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa
Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano.
Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang
dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919.
Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan
ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Lungsod ng Quezon)

Talambuhay ni Gregoria de Jesus

Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak sa Kalookan noong ika-9 ng Mayo, taong 1875.


Siya ay anak ng ulirang mag-asawang sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez.
Siya ay kabiyak ng dibdib ng supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Siya ay
kilala sa bansag na "Ina ng Katipunan" at "Ina ng Himagsikan".
Si Gregoria de Jesus na karaniwang tinatawag ng mga manghihimagsik na "Inang
Oriang" ay nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa Katipunan. Siya ang taga-ingat
ng mga mahahalagang kasulatan dito. Pinamahalaan ni Oriang ang pagpapakain at
pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na minalas na masugatan. Nang

minsang may nagtraydor sa Katipunan ay itinuro siya na siyang naghahawak ng


mahahalagang kasulatan ng Katipunan, subalit ang mga ito ay madali niyang
naitago sa malayong lugar.
Nang madakip si Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio, ay hindi
na ito hiniwalayan ni Inang Oriang. Nang patayin sina Bonifacio ay hindi ito
ipinaalam sa kanya. At nang malaman niya ito ay hinanap niya ang bangkay ng
kanyang asawa ngunit ito'y hindi niya rin nakita. Napangasawa niya si Ginoong Julio
Nakpil at sila ay nagkaroon ng limang na anak.Nagkaroon siya ng isang anak kay
Andres Bonifacio ngunit ito ay namatay nang sanggol pa lamang.
Si Gregoria de Jesus ay namatay noong Marso 15, 1943 sa Maynila sa gitna ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Talambuhay ni Emilio Aguinaldo

Si Emilio Aguinaldo y Famy ay isang Pilipinong heneral, pulitiko, at lider ng


rebolusyon laban sa Espanya at Estados Unidos. Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo,
Cavite noong Marso 22, 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y
Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang
Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata,
nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral
ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880.
Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran,
ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kanyang
nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay

naging cabeza de barangay sa Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite


el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa ang Maura
Law na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na
gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang
pinakaunang taga-Cavite del Viejo na tinawag na capitan municipal.
Si Emilio Aguinaldo y Famy) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng
kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899Abril 1,
1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan
niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi
ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng
Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas
ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng
Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga
hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang
pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga
Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon.
Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow
tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo
siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga
huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.
Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas

You might also like