You are on page 1of 66

National Capital Region (NCR)

Heograpiya ng NCR
Matatagpuan sa 1440' H 1213 S, ang Kalakhang Maynila ay nasa
isang isthmus na naghahanggan sa Lawa ng Laguna sa timog silangan at sa Look ng
Maynila sa kanluran. Ang pook metropolitan ay nasa malawak na kapatagan.
Naghahanggan ang sakop nito sa Bulacan sa hilaga, sa lalawigan ng Rizal sa silangan,
sa Laguna sa timog at sa Kabite sa timog kanluran. Hinahati ng Ilog Pasig ang
Kalakhang Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan kinahahanggan nito sa
kanluran at silangan.
Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit
pinakamatao at pinakamakapal ang populasyon nito. 636 kilometrong parisukat ang
lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan,
at Laguna at Cavite sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ng Kalakhang Maynila
ang Look ng Maynila at sa timog-silangan naman ang Laguna de Bay. Dumadaloy sa
gitna ng Kalakhang Maynila ang Ilog Pasig na siyang nagdudugtong sa Laguna de
Bay sa Look ng Maynila.
Hindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mga lalawigan, nahahati ang Metro
Manila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay sa heograpiya nito na
ang Ilog Pasig ang reperensiya. Nabuo ang mga distritong ito noong 1976 ngunit
walang lokal na pamahalaan o may kinatawan sa kongreso, salungat sa mga lalawigan.
Ginagamit ang mga distritong ito para sa layuning piskal at estadistikal.
Nahahati ang mga lungsod at munisipyo sa Kalakhang Maynila sa apat na
distrito, ang mga ito ang sumusunod:
Unang Distrito (Lungsod Maynila)

Lungsod ng Maynila

Ikalawang Distrito (Hilaga-silangang Kalakhang Maynila)

Lungsod ng Mandaluyong

Lungsod ng Marikina

Lungsod ng Pasig

Lungsod ng Quezon

Lungsod ng San Juan

Ikatlong Distrito (Hilaga-kanlurang Kalakhang Maynila)

Lungsod ng Caloocan

Lungsod ng Malabon

Lungsod ng Navotas

Lungsod ng Valenzuela

Ikaapat na Distrito (Katimugang Kalakahang Maynila)

Lungsod ng Las Pias

Lungsod ng Makati

Lungsod ng Muntinlupa

Lungsod ng Paraaque

Lungsod ng Pasay

Pateros

Lungsod ng Taguig

Topograpiya ng NCR
Magaganda at Makasaysayang Pook

POOK

IMPORMASYON
Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay
ang opisyal na repositoryong itinatag
noong 1901
bilang museong pangkasaysayang natural
at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ang
gusali ay matatagpuan sa tabi
ng Liwasang Rizal malapit
sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang
gusali ng isang arkitektong Amerikanong
si Daniel Burnham noong 1918. Sa
ngayon, ang gusaling iyon na dati ring
nagbahay sa Kongreso ng Pilipinas ay ang
kinalalagyan ng mga dibisyon ng mga
sining, mga likas na agham, at iba pang
mga dibisyon. Kabilang sa mga pag-aaring

PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS

yaman nito ang bantog na Spoliarium ng


makabayang si Juan Luna.
Ang karatig na gusali sa Agrifina Circle
ng Liwasang Rizal na dating gusali para sa
Kagawaran ng Pananalapi ay siya
ngayong nagbabahay sa Dibisyon
ng Antropolohiya at Arkeolohiya na
kinikilala bilang Museo ng Lahing
Pilipino (Museum of the Filipino People).

Ang Intramuros (Latin: "nagsasanggalang


na pader" o "sa loob ng pader") ay ang

pinakamatandang distrito at sentro ng


kasaysayan sa lungsod ng Maynila, ang
kabisera ng Pilipinas. Tinatawag ding
"napapaderang lungsod", ito ang orihinal
na lungsod ng Maynila at luklukan ng
pamahalaan noong ang Pilipinas ay
nasasakop pa ng Kastila. Ang tawag sa
mga distrito sa labas ng pader
ay extramuros, na nangangahulugang "sa
labas ng pader".[2][3]
INTRAMUROS

Sinimulan ng pamahalaang kolonyal ng


Kastila ang pagtatayo ng pader
pangdepensa noong huling mga bahagi ng
ika-16 siglo upang protektahan ang
lungsod mula sa mga mananakop sa
ibayo. Ang 0.67 km2 na nakapader na
lungsod ay orihinal na matatagpuan sa
baybayin ng Look ng Maynila, timog ng
pasukan ng Ilog Pasig. Ang Fort
Santiago ang nakatalagang tagabantay ng
lungsod, kung saan ang kuta nito ay
matatagpuan sa bunganga nig ilog.
Dahil sa reklamasyon ng lupa na ginawa
noong unang mga bahagi ng ika-20 siglo
naatras ang mga pader at kuta nito mula
sa baybayin.
Lubusang nawasak ang Intramuros dahil
sa pagbobomba sa labanan upang
mabawi ang lungsod mula sa puwersang
Hapon noong Ikalawang Digmaang

Pandaigdig. Sinimulan ang pagtatayong


muli ng mga pader noong 1951 kung
kailan idineklara ang Intramuros bilang
Pambansang Makasaysayang Bantayog,
kung saan isinasagawa pa rin ito
hanggang sa kasalukuyan ng
Administrasyong Intramuros (Intramuros
Administration, IA).

Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay


nasa puso ng Lungsod ng
Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag
naBagumbayan (mula sa "bagong
bayan") noong kapanahunan ng
kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at
tinawag naLuneta pagdaka. Sa pook na
ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre
30, 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang
dahilan ng kaniyang pagiging bayani
ng Himagsikang Pilipino, bagkus,
ipinangalan sa kanya ang liwasan para
ikarangal ang kanyang pagkabayani.
Pinalitan ng opisyal na pangalang
Liwasang Rizal ang parke bilang parangal
Liwasang Rizal

kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen


o Kilometro Sero patungo sa lahat ng
ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang
monumento ni Rizal. Matatagpuan ito
sa Intramuros at ang bahaging katimugan
naman ay nasa Ermita.

.
Ang P1.2 bilyong Manila Ocean Park na
makikita sa Manila Bay, malapit sa Quirino
Grandstand sa Rizal Park (kilala bilang
Luneta).
Ang Manila Ocean Park ay may sukat na
8,000 square meters na mas malaki
kumpara sa Sentosa Ocenaruim sa
Singapore na may sukat lamang na 6,000
square meters. Higit na malaki rin umano
ang ocenarium ng Manila Ocean Park
MANILA OCEAN PARK

kaysa sa ocenaruim sa Hong Kong Ocean


Park.
Tinatayang mahigit na 20,000 marine
inhabitants o 300 species ang makikita sa
ocenaruim ng Manila Ocean Park. Hinati
ang oceanaruim sa anim na bahagi na
tinawag na Agos, Bahura, Buhay na
Karagatan, Pating, Ang Kailaliman, at Laot.
Ang pangunahing atraksyon sa parke ay
ang 25-metrong haba ng transparent
tunnel kung saan makikita ang mga
nilalang ng dagat. Ang karanasan ay tila
paglalakbay sa ilalim ng dagat pero hindi
na kailangan pang mabasa.

Ang Katedral-Basilika ng

Maynila (opisyal na
pangalan: Metropolitnong Katedral ng
MaynilBaslika ng Kalins-linisang
Paglilih; o Katedral ng Maynila), ay ang
tanyg na Simbahang Katolika na
matatagpuan sa Maynila, Pilipinas, bilang
pagpaparangal sa Pinagpalang Birhen
Maria bilang Kalinis-linisang Paglilihi, ang
punong pintakas ng Republika ng
Pilipinas.
Itinatag noong 1578, sa kautusan ni
Papa Gregorio VIII, na matatagpuan sa
KATEDRAL NG MAYNILA

Kalye Andrs Soriano, Jr. (dating Kalye


Aduana), Intramuros, Maynila.[1]
Ang Katedral ay mismong parehong
naghatid bilang Punong Basilika ng
Pilipinas at ang pinakamataas na luklukan
ng arsobispo sa bansa. Ang Katedral ay
ilang beses na napinsala at nawasak dahil
ang orihinal na katedral ay itinayo sa 1581.
Ang ikawalo at kasalukuyang
pagkakatawang-tao ng katedral ay
nakumpleto noong 1958

Ang Baywalk ay tabing-dagat na pasyalan


kung saan matutunghayan ng mga tao ang
Manila Bay sa tabi ng Roxas Boulevard .
Ang Baywalk ay 2 kilometro lang ang layo
mula sa Embahada ng Estados Unidos at

sa Cultural Center of the Philippines


(CCP).
Ang Baywalk ay isa sa mga popular na
pasyalan dahil makikita mo mula rito ang
magandang paglubog ng araw.

BAYWALK MANILA

Ang Museong Pambata ay itinatag sa


Ermita, Manila. Ang Museo Pambata ay
may walong kuwarto tema kung saan ang
mga bata, mga pamilya at mga grupo ng
paaralan ay maaaring galugarin ang mga
bago at kapana-panabik na pag-aaral

tungkol sa mayamang kultura ng ating


bansa. Naipapakita rin dito ang
kahalagahan ng pag-aalaga sa
kapaligiran. Pagtuklas sa agaham at iba
pa.
Sa pamamagitan ng Museong Pambata
natututo ang mga bata nang hindi nila
namamalayan dahil sa mga nakakatuwang
nakikita nila sa loob nito.
MUSEONG PAMBATA

Ang Basilika Menor ng Itim na


Nazareno, na kilala rin bilang Parokya ni
San Juan Bautista at impormal na kilala
bilang Simbahan ng Quiapo ay isang
kilalang Simbahang Katoliko Romano
Ritong Latin na Basilika na matatagpuan
sa Distrito ng Quiapo, Maynila, Pilipinas.
Ang simbahang ito ay kinikilala dahil dito
nakalagak ang imahen ng Itim na
Nazareno, isang maitim na imahen ng
Panginoong Jesukristo kung saan
SIMBAHAN NG QUIAPO

maraming mga namamanata ay natupad


sa mapaghimalang kapangyarihan. Ang
parokyang ito ay kinabibilangan ng
Arkidiyosesis ng Maynila at ito'y
kasalukuyang pinamamahalaan, ang
Rektor at Kura Paroko na si Reb. Msgr.
Jose Clemente Ignacio, P.C

Ang Palasyo ng
Malakanyang (Ingles: Malacaang
Palace) ay opisyal na tirahan
ng pangulo ng Pilipinas. Nagmula ang
pangalan mula sa pananalitang May lakan
diyan dahil dating nakatira dito ang isang
mayamang Kastilang negosyante bago pa
ito naging tirahan ng punong tagaganap ng
bansa. Matatagpuan sa hilagang pampang
ng Ilog Pasig sa Maynila. Tumutukoy sa
opisyal na tirahan ng pangulo ang Palasyo
ng Malakanyang samantalang tumutukoy
ang Malakanyang sa tanggapan ng
pangulo at pang-araw-araw na pagtutukoy
PALASYO NG MALAKANYANG

ng medya. Ipinapakita ito sa verso (likod)


na bahagi ngpisong salapi.
Itinayo ang orihinal na gusali noong 1750
ni Don Luis Rocha bilang bahay
pahingahan sa tabi ng Ilog Pasig. Binili ito
ng estado noong 1825 bilang tirahan ng
Gobernador Heneral ng Espanya tuwing
tag-init. Matapos wasakin ng lindol ang
Palacio del Governador sa loob ng
Intramuros noong Hunyo 3, 1863, ginawa
itong opisyal na tirahan ng Gobernador
Heneral. Matapos masakop ng Estados
Unidos ang Pilipinas noong 1898, ginawa
itong tirahan ng mga Gobernador ng
Amerika, simula kay Heneral Wesley

Merritt.
Kinalaunan, noong nagsarili ang Pilipinas,
naging tirahan ito at tanggapan ng
Pangulo ng Pilipinas. Marami ding mga
pagbabago na ginawa sa lupain ng
Malakanyang simula ng 1750, kabilang na
ang mga pagpapalawak sa loteng ito at sa
pagpapagiba at pagpapatayo ng iba pang
mga gusali. Sa mga Pangulo ng Ikalimang
Republika, tanging si Gloria MacapagalArroyo lamang ang tumira sa pangunahing
Palasyo, habang ang iba ay piniling tumira
sa kalapit na mga gusali na bahagi ng
kompleks ng Malakanyang.
Ang Pambansang Aklatan ng
Pilipinas o Aklatang Pambansa ng
Pilipinas (Ingles: National Library of the
Philippines, dinadaglat bilang NLP) ay ang
opisyal napambansang
aklatan ng Pilipinas. Ang aklatan ay
nasa Ermita sa isang bahagi ng Liwasang
Rizal na nakaharap sa Abenida T.M.
Kalaw, na katabi ng ilang mga gusaling
PAMBANSANG AKLATAN NG
PILIPINAS

may kahalagang kultural tulad


ng Pambansang Sinupan ng Pilipinas at
ng Pambansang Suriang
Pangkasaysayan. Tulad ng mga katabi
nito, ang Pambansang Aklatan ay nasa
ilalim ng Pambansang Komisyon para sa
Kultura at Sining (NCCA).

Kilala ang aklatan bilang tirahan ng mga


orihinal na kopya ng mga gawaing
nagbigay-katuturan kay Jos Rizal:
ang Noli Me Tangere, El
Filibusterismo at Huling Paalam (Mi ltimo
adis).

Ang Manila Hotel ay isang 570-silid, at


makasaysayang five-star hotel sa
may Look ng Maynila sa Maynila, Pilipinas.
[1]

Ang hotel ay ang pinakamatandang

prestihiyosong hotel sa Pilipinas na itinayo


noong 1909 upang matapatan angPalasyo
ng Malacaang, ang opisyal na
tirahan ng Pangulo ng Pilipinas. Binuksan
ito noong Hulyo 4, 1912, kasabay sa
MANILA HOTEL

paggunita ng Kalayaan ng Estados


Unidos.
Itinayo ang 35,000 m na complex ng hotel
sa nireklamang lupa sa may hilagangkanlurang dulo ng Liwasang Rizal sa
kahabaan ng Bonifacio Drive. Ang
penthouse nito ay nagsilbing tirahan
ni Heneral Douglas MacArthur noong
kaniyang panunungkulan bilang
Tagapayong Militar ng pamahalaang
Komonwelt mula 1935 hanggang 1941.
Sa hotel nakabase ang ilang tanggapan ng
dayuhang kumpanyang pambalitaan,
kasama rito ang The New York Times.

[2]

Ilang tanyag sa kasaysayan at kilalang

personalidad ang nanuluyan dito kasama


ang mga awtor na sinaErnest
Hemingway and James A. Michener; aktor
na si Douglas Fairbanks, Jr. at John
Wayne; publisher na si Henry Luce; mangaawit na sina Sammy Davis, Jr., Michael
Jackson at The Beatles; Pangulo ng
Estados Unidos na si John F.
Kennedy, Punong Ministrong si Sir
Anthony Eden, at iba pang mga lider ng
daigdig.
Itinayo ang tore ng hotel noong 1977, at
nilampasan ang Philippine Plaza Hotel
(ngayo'y Sofitel Philippine Plaza)
saLungsod Pasay.

Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas


(CCP) (Ingles: Cultural Center of the
Philippines) ay isang pangunahing
institusyon para sa sining at kultura
ng Pilipinas. Ito ay naglalangkap ng mga
pinakamataas na pamantayan ng
SENTRONG PANGKULTURA NG
PILIPINAS

kahusayan at may mga paglilingkod na


tumutugon sa mga Pilipino at sa daigdig.
[1]
Ang mga pinakamahusay na artista mula
sa mga iba't ibang panig ng bansa at ng
daigdig ay binibigyan ng karangalan
habang nagtatanghal sa mga tanghalan at

galerya ng CCP, kung saan nabibighani


ang mga Pilipino sa katagalan ng panahon
mula itinatag ito. Matatagpuan ito sa
lungsod ng Maynila[2][3][4] at ayon naman
sa ibang mga websayt, ito ay nasa
lungsod ng Pasay.

Ang Plaza Rajah Sulayman, na kilala rin


bilang Liwasang Raha Sulayman, ay
isang plasa sa Malate, Maynila.
Hinahangganan ito ng Bulebar Roxas sa
gawing silangan, Kalye San Andres sa
hilaga, at Kalye Remedios sa timog. Ang
plasa ay ang pinakasentro ng Malate dahil
ito ay nasa harapan ng Simbahan ng
Malate, ang pangunahing simbahan ng
distrito. Noong panahon ng pagsakop ng
mga Espanyol, ang plasa ay isang
PLAZA RAJAH SULAYMAN

simpleng bakanteng lupain na


matatagpuan sa gitnang bahagi mula sa
baybayin ng Look ng Maynila at ng
Simbahan ng Malate, kung saan ang dulo
nito ay isang dalampasigan na nagsilbing
sikat na paliguan sa panahong iyon.
Subalit sa pagsapit ng panahong
Amerikano, ang plasa ay hinati mula
dalampasigan dahil sa reklamasyon ng
lupang ginawa para sa konstruksiyon ng
Bulebar Roxas. Dahil sa pagsasaayos nito

noong 2002, ang Plaza Rajah Sulayman


ay tinaguriang makabagong sentro ng
panggabing buhay (nightlife) sa Malate, na
kadalasang inuugnay lamang sa Rotonda
ng Remedios sa bandang loob ng distrito,
at bilang lover's lane rin ng Maynila. Kilala
rin ang plasa bilang isa sa mga
pinakamagandang lugar para mapanood
ang paglubog ng araw sa Look ng Maynila.
Quezon Memorial Circle (QMC) o
Circle. Isa itong landmark ng lungsod
kung saan ang matayog na dambanang
Quezon ay matatanaw. Malapit lang ito sa
City Hall at isang tawid lang ng lansangan
ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife
Center.
Tuwing mapapasyal ako dito ay di ko
maiwasang ihalintulad ito sa Luneta o
Rizal Park. Gaya ng Luneta kung saan
naroon ang labi ni Rizal, dito sa QMC
nakalibing si dating Pangulong Quezon. Ito
QUEZON MEMORIAL CIRCLE

ang Quezon Memorial Shrine. Ang ilalim


ng dambana ay ginawa ng museo kung
saan makikita ang mga larawan ng
pamilyang Quezon. Narito rin ang ilang
bagay na naiwan nya.

Binubuo ng mahigit sa 500 na gawangkamay gamit ang papel ng batikang


artistang Pilipino at fashion designer na si
Patis Tesoro. Ang Doll Museum ang
tumayo bilang pinakamahalagang aspeto
ng pagbabago ng Marikina.
Ang mga manika ay naka-display sa 48 na
estante. Dito rin binibigay tuo ang walang
kapantay na tradisyon at kabaitan ng mga
Marikenyo. Mula sa mga family reunions at
mga buglaang sama-samang pagsasalosalo sa mga kapit-bahayan hanggang sa
mga pinakamahahalagang pagdiriwang,
DOLL MUSEUM SA MARIKINA CITY

lahat ito'y ginaya at pinakita sa mga


dayorama.
Bawat eksena ay nagpapakita ng mga
katangian ng mga Marikenyo na natatangi
sila sa iba: masigasig na pagtratrabaho,
pagigigng disiplinado, pagiging matatag sa
mga pagsubok at puno nf pag-asa.
Ang pagbisita sa Doll Museum ay di
lamang pang-isahang besena pagkakita sa

mga yun, hindi ito pansamantalang


katuwaan sa mga manika, ang
kahalagahan nito ay ang karanasang
talaga namang masarap alalahanin.

Mga Ipinagmamalaking Produkto ng NCR


MARIKINA
Sapatos
Ang Marikina City ang gumagawa ng
magaganda, dekalidad, matibay at
higit sa lahat ay world-class na mga
sapatos kaya ito ay binabalik-balikan
ng mga kalapit na lugar. Noong 1978
hanggang 1982, ang mga sapatos na
gawa sa Marikina ay humataw ang
bentahan sa Fifth Ave., New York City dahil dito nakilala ang Marikina hindi
lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Humigit kumulang 139
paggawaan na ng mga sapatos ang naipatayo noong 1935. Noong 1983, ang
Marikina ang nagpoprodyus ng pitumpot pitong porsyento ng mga sapatos sa
buong Pilipinas. Marami kang mapagpipilian kung sa palengke ka ng Marikina sa
De la Paz ka bibili.

Bag
Isa din sa ipinagmamalaki ng Marikina
ay ang kanilang mga matitibay ng bags.
Mayroon silang bag na para sa

pampasok sa eskwela, pampasok sa opisina at ang iba naman ay bags gamit sa


pamamalengke dahil ipinagbawal na ang paggamit ng plastic sa lugar. Mabibili mo
din ito sa loob ng palengke.

Wallet

Hindi rin mawawala ang kanilang wallet o


pitaka. Mayroon silang gawa sa katad na may
iba't-ibang disenyo, mayroon din namang
recycled at gawa sa mga beads. Marami nito sa
loob ng Palengke ng Marikina.

NAVOTAS Fishing Capital ng Pilipinas


Karaniwang trabaho na ng mga nakapalibot sa bahagi ng Look Maynilang
nalilinang ng mga taga-Navotas ay ang pangingisda o kahit anong hanapbuhay
na may kinalaman sa pangangalap ng mga yamang dagat. Dahil sa yamang
hatid ng mga bahagi ng katubigang nakapalibot sa Navotas, marami ang
natulungang umunlad ang katayuan sa buhay; kung hindi man ay natustusan
ang mga pangunahing pangangailangan. Hindi nga kataka-takang ang Navotas
ang tinaguriang Fishing Capital ng Pilipinas.

BAGOONG

ALAMANG

DRIED
FISH

MALABON
Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo
ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila,
tinatayang 353, 337 ang populasyon nito noong 2010. Ito ay maituturing na isang
pamayanan at industriyal na lungsod at isa ito sa may pinakamakapal na
populasyon sa Kamaynilaan. Mayroon itong kabuuang lawak na 19.76 kilometro
kwadrado.
Bahagi ang lungsod ng isang sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na tinaguriang
CAMANAVA. Binubuo ang CAMANAVA ng Lungsod ng CAloocan,
MAlabon, NAvotas, at Lungsod ng VAlenzuela. Napapaligiran ang Malabon ng
Caloocan sa timog at silangan, Navotas sa kanluran, at Valenzuela sa hilaga.
Nasa hilagang-kanluran naman ng hangganan nito ang Obando, isang bayan ng
lalawigan ng Bulacan.

PANSIT
MALABON

CAMACHILLE

SAPIN-SAPIN

BIBINGKA

PUTO
BUMBONG

PUTO SULOT

CALOOCAN CITY
Noong panahon ng pananakop ng Kastila, isa lamang maliit na baryo ang
Kalookan na tinawag na Arohamah o Libis Espina. Karamihan sa mga
naninirahan dito ay pawang mga mangingisda, ang iba naman ay nagtatanim.
Nagsimula ang pangalang Kalookan sa Tagalog na salitang look dahil sa
malapit ito sa Look ng Maynila. Noong 1802, dumami ang mga naninirahan dito
at naging isang bayan noong 1815 kung kailan lumawak din ang nasasakupang
teritoryo.
Matapos ang ilang taon, naging mabili ang mga produktong nagmumula sa
Kalookan para sa mga mangangalakal na taga-Maynila at Acapulco. Noong
Pebrero 23, 1892, binuksan ang tren na bumibiyahe mula Maynila hanggang
Mabalacat, Pampanga at Dagupan na nagbukas ng maramipang oportunidad
para sa mga mamamayan ng Kalookan.

Noong 1961, sa pamamagitan ng isang plebesito, ginawang lungsod ang


munisipyo ng Kalookan.

MOTOTCYCLE
SPARE PARTS

MGA BAKAL

TAGUIG
Ang Taguig ay isang lungsod na sakop ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Dating komunidad ng palaisdaan sa pampang ng Laguna de Bay ngunit ngayon,
isa na itong mahalagang pamahayan (residential) at industriyal na arabal
ng Maynila. Lalong umunlad ang lungsod pagkatapos ng konstruksiyon ng
lansangang C-5 at pagkuha ng Bonifacio Global City.
Matatagpuan ang Taguig sa kanlurang pampang ng Laguna de Bay at
pinapaligiran ng Muntinlupa sa timog,Paraaque sa timog-kanluran, Pasay sa
kanluran, at sa hilaga naman ang Makati, Pateros at Pasig.

MGA GAMIT NA GAWA MULA


SA PINATUYONG TANGKAY
NG WATERLILIES

Ang Kabuhayan ng mga taga- NCR


Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pangedukasyon ng Pilipinas. Karaniwang kabuhayan sa lungsod ay ang
pagnenegosyo, maliit man o malaki na nagbubunga rin ng marami pang trabaho.
Ang pagtatarabaho sa mga pabrika at iba pang gawaan ng mga produkto ay
laganap din sa Kamaynilaan. Ang pagiging empleyado ng opisina, bangko,
ahensyang pampamahalaan, ospital, at iba pang institusyon ang trabaho ng
nakararami. Halimbawa nito ay ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay
ang Lungsod ng Makati na mayroong libo-libong empleyado at sariling
negosyo.Mapapansing ang ikinabubuhay ng nakararami sa NCR ay tungkol sa
industriya, komersyalismo, mga ahensya at institusyong pampubliko at
pampribado. Mayroon din namang maliit na porsyento ng agrikultura bilang
pinagkukuhanan ng ikinabubuhay ng mga tagalungsod.
Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo
2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa
loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga
pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at
pang-4 sa Timog-Silangang Asya.

Ang Pamumuhay ng mga taga- NCR


Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12
kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong
mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975,
katumbas ng 13% populasyon ng bansa.
Higit na urbanisado ang pamumuhay sa Kamaynilaan dahil ito ang sentro ng
bansa at pangunahing nakadarama ng anumang pagbabago sa lipunan. Mas
maunlad nang kaunti ang pamumuhay dito dahil sa napalilibutan ito ng ibatibang negosyo at institusyong pangkalinangan. Hindi rin maikakaila na marami
sa mga tagalungsod ay naghihikahos pa rin sa buhay dahil sa kawalan ng

oportunidad at korapsyon. Mayroong nabubuhay sa katamtamang antas na


maituturing na sapat lang ang ikinabubuhay sa pangangailangan. Mayroon ding
mayayaman na siyang nagpapagalaw sa lipunan at may kapangyarihan na
kumokontrol sa kabuhayan ng mga tao. Marami pa ring pagkakatulad at
pagkakaiba ang pamumuhay sa lungsod kaysa sa probinsya tulad ng mas
magarbo at magastos na pamumuhay, mas liberal na pag-iisip at pagkilos,
nakahihigit sa serbisyo ng gobyerno at ilang pribadong sektor, at sa mga gawain
sa bawat araw.

Kasaysayan ng NCR
Batay sa Kasaysayan ng Maynila noong ika-13 siglo, ang sinaunang lungsod ng
Maynila ay binubuo ng mga tindahan at opisinang tagatanggap sa may tabi ng
baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang
opisyal na pangalan na ibinigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong o
Selurung na ginamit din sa isang rehiyon sa pulo ng Luzon at iminumungkahing
ito ang kabisera ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalang ibinigay ng
mga pangkat etnikong mga Tagalog. Ang Maynila ay unang nakilala bilang
Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang
mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look at ginagamit upang makagawa ng
sabong siyang ginagamit sa pakikipagkalakalan. Ang lungsod ay may humigit
kumulang 100 parkeng nakakalat sa buong lungsod.
Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong
opisyal na pamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo, mula 1565
hanggang 1898. Noong inukopa ng Britanya ang Pilipinas, ang lungsod ay
pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon mula 1762 hanggang 1764 na
naging bahagi sa pitong taong digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng
Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na
kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at Real Audiencia.
Pampanga naman ang ginawang kuta ng mga armadong rebelde na kalaban ng
mga Briton.

Ang

Maynila ay nakilala
noong nagkaroon ng
kalakalang MaynilaAcapulco na tumagal

ng

tatlong siglo at
naghatid ng mga
kagamitan mula sa
Mehiko tungo sa

Timog-Silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa


mga Espanyol at pinamahalaan ang buong archipelago hanggang 1946. Noong
ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod.
Pumangalawa ito sa pinakawasak na lungsod noong ikalawang digmaang
pandaidig, ang Warsaw, Poland. ANg rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap
na entidad na may kasarinlan noong 1975.
Ang NCR ay kilala rin sa tawag na Metropolitan Maynila. Matatagpuan ito sa
pagitan ng Manila Bay sa Kanluran at Laguna Bay at Sierra Madre sa Silangan.
Ito ay may kabuuang sukat na 619.5 km2. Matatagpuan sa baybaying dagat ang
Maynila, Pasay, Paranaque, Malabon, Las Pinas, Valenzuela, at Navotas. Sa
mataas na lugar naman ang Caloocan, Quezon, Mandaluyong, Makati,
Muntinlupa, at San Juan.

Ang Kultura ng NCR


Mga Pagdiriwang sa NCR
Pista ng Itim na Nazareno (Quiapo, Lungsod ng Maynila)

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na


Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng
Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng
Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao,
may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang
paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.
Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing
ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron. Itinuturing ito
bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.
Ang debosyon sa Nuestro Padre Jess Nazareno ay nakahatak ng milyunmilyong mga deboto kung saan nagmula ang katanyagan sa timog at hilagang
bahagi ng Luzon at unti-unting lumaganap sa buong bansa.
Ang katangi-tanging debosyon na ito ng mga Filipino sa Itim na Nazareno ay
nakapagbigay ng karagdagang papuri mula sa dalawang papa: sina Innocent X
noong 1960, sa pagkakatatag ng Cofradia de Jess Nazareno at Pius VII noong
19th century, sa pamamagitan ng pagbibigay ng indulhensya sa mga nagdadasal
sa imahe ng Itim na Nazareno.
Sa kasalukuyan, ang debosyon sa Itim na Nazareno ay patuloy na nagbibigay ng
sigla at kapayapaan sa mga deboto sa kabila ng mga sakit, galos, sugat at kung
minsan ay kamatayan na nagaganap tuwing prusisyon, at tila 'di inaalintana ng
mga deboto.

Mahigit 200 taon nang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Poong


Nazareno at ang estatwa nito ay inilalagay sa isang karwahe tuwing Enero, gamit
ang makapal na lubid at ipinaparada sa mga kalye ng Quiapo ng mga debotong
lalaki na nakasuot ng kulay maroon. Ang mga Katoliko na nagmula sa buong kaMaynilaan ay sama-samang dumadayo sa Quiapo upang makakuha ng
pagkakataong mahawakan ang imahe o di kaya ay magkamit ng isang milagro.
Naghahagis din sila ng tuwalya sa mga lalaking nakabantay sa estatwa ang
hinihiling na ipunas ang kanilang tuwalya sa estatwa sa pag-asang madala nila
ang milagro sa kanilang pag-uwi.
Lakbayaw Festival (Tundo, Maynila)

Ang Lakbayaw Festival ay ang pista sa Tundo, Maynila bilang pagdiriwang sa


kapistahan ng kanilang patrong Santo Nio. Ginaganap ito tuwing ikatlong linggo
Enero kung saan nagkakaroon ng pagsayaw sa lansangan at prusisyon sa ilog.
Nagkakaroon ng sayawan ng mga tribu o grupo na nilalahukan ng mga
organisasyon, paaralan, komunidad at mga Ati-atihan tuwing ginaganap ang
Lakbayaw Festival. Isinasayaw din ng mga deboto ang kani-kanilang mga
imahen ng Sto. Nio sa paradang iniikot sa kahabaan ng Juan Luna
hanggang Pritil pabalik ng simbahan kung saan magpapakitang gilas ang mga
kalahok. Nagmula ang imahen ng Santo Nio sa Acapulco, Mexico sa
kasagsagan ng Kalakalang Galyon noong ikalabing anum na siglo. Regalo ang
imahen sa Pilipinas ng mayamang negosyanteng Kastila noong panahong iyon
at napagdesisyunan ng Arsopbispo ng Maynila na ilagak ang naturang imahen
sa Tundo.

Karamihan ng mga deboto ng Tundo noon ay mga mangingisda. Isinasagawa


ang prusisyon sa tubig bilang pag-alala sa mga mangingisda ng Tundo noon
pang ikalabing anim na siglo. Noong 1972, ninakaw ang imahen ng Santo Nio
at nagkaroon ng malawakang pagbaha sa Kamaynilaan hanggang matagpuan
ito matapos ang ilang araw, kasabay din ng pagtigil ng pag-ulan.

Caracol Festival (Lungsod ng Makati)

Ang CaracolFe

stival ay

isa sa mga pinakamakulay na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang


ng Lungsod Makati tuwing ikatlong linggo ng Enero ng taon. Ang pagdiriwang ay
isang bersyon ng pagdiriwang ng Mardi Gras. Ang salitang Caracol ay nagmula
sa salitang Kastila na nangangahulugang kuhol. Ipinapakita rito ang simbolismo
ng kuhol bilang proteksyon sa kalupitan ng buhay. Dito nakuha ang ideya ng
pagdiriwang. Ipinagdiriwang ang Caracol Festival bilang pagsang-ayon ng mga
lokal na mamamayan ng lungsod na ingatan at protektahan ang kalikasan. Hindi
katulad ng ibang pagdiriwang sa Pilipinas, ang Caracol Festival ay kamakailan
lamang pormal na ilunsad. Nagsimula ito bilang programa ng Kagawaran ng
Turismo sa ilalim na tinatawag na Fiesta Islands Program noong 1989 hanggang
sa ideklara ito ng pamahalaang lungsod ng Makati bilang opisyal na pagdiriwang

ng lungsod. Ilan sa mga highlight ng pagdiriwang ay ang iba't-ibang street


dancing na may makukulay na 'costume na sinasalihan ng mga estudyante ng
pampublikong paaralan ng Makati. Ang karaniwang tema ng mga presentasyon,
magmula sa mga kasuotan at mga materyales na ginagamit, ay ang pagprotekta
at pangangalaga sa kalikasan. Iba't-ibang makukulay na kasuotan ang tampok
sa pagdiriwang na nagpapakita ng elemento ng kapaligiran gaya ng bulaklak,
bunga, mga puno, at mga hayop.

Pangisdaan Festival (Navotas)

Ang Pangisdaan Festival ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod


Navotas bilang paggunita sa pagkakatatag ng lungsod. Ginaganap ito tuwing
ikalabing anim ng Enero. Maraming isinasagawa sa isang linggong pagdiriwang
ng Pangisdaan Festival upang palaganapin ang kultura at tradisyon ng Navotas
bilang

kapital

ng

pangingisda

sa Kalakhang

Maynila.

May motorcade at

masayang pagbibisikleta, mala-mardi gras na parada, karera ng mga bangka at


turneo sa pangingisda, paligsahan sa pagtugtog ng tambol at lira, at paligsahan
sa pagsayaw sa lansangan.
Binibigyan din ng parangal ang mga sampung pinakamalaking nagbabayad ng
buwis at nagtatayo rin ng mga tiangge kung saan mabibili ang mga produkto ng

mga residente mula sa labing apat na parangay para sa pagpapaunlad ng


Navotas Centennial Park ng lungsod.
Balut sa Puti Festival (Pateros)

Ang Balut

sa

Puti

Festival ay ang

pista

sa Pateros bila

ng

pagdiriwang sa

pagkilala

sa naturang bayan bilang pangunahing pagawaan ng Balut. Ginaganap ito


tuwing huling araw ng Enero.
Tuwing ikatatlumpu't isa ng Enero, idinaraos ang taunang Balut sa Puti Festival
sa bayan ng Pateros. Isa sa mga pinakahihintay dito ang paligsahan sa pagluto
ng iba't ibang putahe gamit ang balut. Nagkakaroon din ng street party na may
bandang tumutugtog habang nag-iinuman, kasabay ng pagkain ng balut bilang
pulutan.
Sambalilo Festival (Lungsod ng Paraaque)

Ang Sambalilo Festival ay isa mga pinakaaabangan sa Araw ng Palanyag o


pagdiriwang ng pagkakatatag ng Lungsod ng Paraaque. Ipinakikita rito ang
makukulay at iba't ibang hugis ng sambalilo o sumbrero. Idinaraos ang isang
engrandeng parada mula sa Kabihasnan patungo sa Casino Filipino. Nakasuot
ng makukulay na damit at sumbrero ang mga kasali habang nagsasayaw sa
indayog ng tambol. Iniimbitahan ang iba't ibang munisipyo at lungsod
sa Kalakhang Maynila upang makilahok sa parada.
Nagkakaroon din ng paligsahan sa pagsayaw gamit ang mga sambalilo.
Ipinakikita rito ang makukulay at naggagandahang mga sumbrero. Kasunod at
bago nito, isinasagawa ang iba't iba pang programa ng pagdiriwang ng
pagkakatatag ng lungsod.
Lavandero Festival (Lungsod ng Mandaluyong)

Ang Lavandero Festival ay isang bahagi ng pagdiriwang ng pagkakatatag


ng Lungsod Mandaluyong na nagtatampok sa matandang tradisyon ng paglalaba
sa noo'y malinis at malinaw pang tubig ng Ilog Pasig. Idinaraos sa Lavandero
Festival ang mga pagsayaw sa kalye bilang pagpupugay sa mabubuting
labandero at labandera ng lungsod. Isinasagawa ang mga aktibidad at
palatuntunan sa baybayin ng makasaysayan at maalamat na Ilog Pasig.
Pamaypay ng Caloocan Festival (Lungsod ng Caloocan)

Ang Pamaypay Festival ay isa mga pinakaaabangan sa pagdiriwang ng


pagkakatatag ng Lungsod Kalookan. Ipinakikita rito ang paggamit ng pamaypay
bilang tradisyunal na kagamitan para pawiin ang init. Nagkakaroon ng paligsahan
sa pagsayaw na gamit ang pamaypay sa pagdiriwang na ito. Ipinakikita rito ang
iba't ibang klase ng pamaypay na may iba't ibang hugis at kulay na siyang
sumisimbulo sa makulay na kasaysayan at mayamang tradisyon ng mga tagaKalookan sa paggamit ng pamaypay sa iba't ibang paraan.
Sapatos Festival (Lungsod ng Marikina)

Ang isa sa ipinagmamalaki at popular na pagdiriwang na sumasalamin sa


kahusayan sa paggawa ng sariling atin ay ang selebrasyon ng pag-aangat sa
kalidad at ganda ng mga sapatos sa Marikina. Naging matagumpay ang Sapatos
Festival simula nang una itong ipinagdiwang noong 2002 sa ilalim nang mahusay
na pamamalakad ni Mayor Ma. Lourdes Fernando. Ang pista, na unang

ipinagdiwang noong Oktubre 15 hanggang Nobyembre 30, 2002, ay naglalayong


ibunsod ang mahigit isang daang taon nang industriya ng paggawa ng sapatos.
Sa loob ng isang buwang selebrasyon, ipapakita ang historikal, kultural at
ekonomikal na pag-unlad ng industriya ng sapatos sa mga nakalipas na taon.
Isa itong selebrasyon ng husay at sining ng mga sapatero ng Marikina.
Binibigyang halaga at pagpupugay ng kapistahan ang kanilang pagod at
pagsusumikap upang patuloy na buhayin ang malikhaing paggawa ng matitibay
at de kalidad na sapatos.
Makukulay na mga sapin sa paa sa iba't ibang anyo, hugis at laki ang makikita
kapag ipinarada na ang kanilang mga produkto sa siyudad. Ilang patimpalak,
konsiyerto at mga pagtatanghal ang ginaganap sa lumulutang na entablado sa
ilog at sa Roman Garden sa Marikina River Park. Layunin ng mga programang
ito na ipagmalaki ang mga gawang sapatos ng lungsod.
Mga Paniniwalat Tradisyon sa NCR
1.

Paniniwala at pagdaraos ng pyesta ng mga santo at santa

Ang bawat lungsod ay may sari-sariling santo o santa na ipinagmamalaki at


ipinagdiriwang ng piyesta. Ipinagdiriwang ang kapistahan nito taon-taon bilang
pasasalamat sa biyayang binigay nito at bilang paghingi pa ng mga biyaya rito. Ang
pagdiriwang ng buong lungsod ay magarbo, makulay, masaya at maingay. Ang
paniniwala sa mga santo o santa ay isang pamamaraan ng mga Katoliko upang mas
mapalapit pa sa Diyos. May mga kapistahan ng mga santo at santa na kilalang
ginagawa sa Maynila at mayroon din itong mga kapistahan na ipinagdirirwang din sa iba
pang lugar. Ilan sa mga kilalang kapistahan sa Kamaynilaan ay ang mga sumusunod:

Pista ng itim na Nazareno (Ika siyam ng Enero)

Pista ni San Juan Bautista ( isang araw sa huling linggo ng Hunyo)

Pista ni Sto. Nino ( Enero)

2.

Tradisyon tuwing Mahal na Araw

Isa itong global na pagdiriwang ng mga Kristiyano bilang pag-alala sa mga paghihirap ni
Kristo upang iligtas ang mga tao sa kasalanan. Ang bawat Pilipino ay may kanyakanyang paraan ng paggunita ng Semana Santa, at sa Kamaynilaan mababakas ang
ibat-ibang pamamaraan ng mga Kristiyano sa pag-alala sa hirap ni Kristo para sa
sanlibutan. Ito ay ilan sa mga tradisunal nang gawain ng mga taga-NCR tuwing
Semana Santa:

Visita Iglesia

Paglalagay ng palaspas sa pinto o bintana

Pagsisimba at pakikinig sa Siete Palabras

Senakulo

Hindi pagkain ng karne

Prusisyon

Pagdarasal sa Station of the Cross

Pagbasa ng pasyon (makaluma at makabagong pamamaraan)

3.

Tradisyunal na pagpapakilala at pamamasyal sa mga makasaysyang lugar

Makikita sa Maynila at sa Kalakhang Maynila ang mga lugar na naging bahagi na ng


ating kasaysayan at nag-ambag ng malaki sa ating buhay. Sa paglipas ng panahon,
ang mga makasaysayang lugar na ito ay kabilang na sa mga ipinagmamalaking lugar
sa bansa. Mapa-lokal o internasyunal na bumisita sa Maynila ay hindi uuwi hanggat
hindi napasyalan ang mga makasaysayang lugar sa Kamaynilaan. Isang paniniwala na
paggalang sa kasaysayan ng lugar at paggalang mismo sa tao ang pagbisita sa mga
lugar na makasaysayan. Sa mga lugar ding ito kalimitang ginaganap ang mga
mahahalagang pangyayari sa bansa. Ilan sa mga kilala at dinarayong makasaysayang
lugar sa Kamaynilaan na patuloy na nagiging bahagi ng kasaysayan ay ang mga
sumusunod:

Rizal park

Fort Santiago

People Power Monument

4.

Paniniwala sa Mataas na Kalidad ng Edukasyon sa Maynila

Maraming taga-lungsod at tagaprobinsya ang naniniwala na ang pag-aaral sa mga


malalaking unibersidad sa Kalakhang Maynila ang susi sa pagkakamit ng kalidad at
advance na karunungan at ang daan sa madaling paghahanap ng trabaho. Ilan sa mga
prominenteng kolehiyo at unibersidad sa Kamaynilaan na hinahangad ng marami ay
ang mga sumusunod:

UP

UST

ADMU

DLSU

5.

Ang Kalakhang Maynila ang pinapangarap tirhan ng marami

Maraming tao ang pinapangarap at gustong tumira sa Kamaynilaan dahil ito ang sentro
ng kaunlaran, narito ang pinakamagagaling na ospital, unibersidad, simbahan,
kalakalan, negosyo, at ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan. Halos lahat ng
pangangailangan ng tao ay nasa Kamaynilaan kaya pinaniniwalaan nilang maaaring
guminhawa ang buhay nila kapag sa Kamaynilaan sila nanirahan.
6.

Pag-alala sa mga namayapa

Tradisyon nang maituturing ang pagdalaw sa puntod ng mga kamag-anak na namatay


na at pag-aalay sa puntod nito ng dasal, kandila at bulaklak. Naniniwala tayo sa mga
tradisyong ito dahil umano sa pamamagitan nito maihahatid natin sa yumao ang
pagmamahal at pag-aalala natin sa kanila.
7.

Paniniwala sa Hula

Madalas paniwalaan ng mga nasa Kalakhang Maynila ang mga hula sa pamamagitan
ng pagpapatingin sa palad at pagpili sa card na binabasa umano at ini-interpreta ng
mga manghuhula, mga sanay bumasa ng kapalaran. Kahit na taliwas sa Simbahang
Katoliko, ay marami pa rin ang gumagawa at tumatangkilik sa pagpapahula. Minsan ay
sa hula natin ibinabatay ang ating ikikilos, iaasal, at upang paghandaan ang mga
mangyayari sa hinaharap.
8.

Tradisyon na pagiging magiliw at maasikaso sa bisita

Kilalang-kilala sa taglay na kagiliwan sa pagtanggap ng bisita ang mga Pilipino. Bilang


ang Kamaynilaan ang sentro ng buong bansa at dito madalas unang tumigil ang mga
turistang iba-iba ang nasyonalidad at maging ang mga Pilipinong turista sa Kalakhang
Maynila, ay ipinararamdam sa kanila ang mainit na pagsalubong at ang magarbong
paghahanda sa kanilang pagdating, pati ang taglay na kagiliwan at pag-uugali ng mga
taga Maynila ay kasamang ipinangsasalubong sa mga bisita sa Kamaynilaan.
Ginagawa ang lahat ng maganda at kapuri-puri para sa mga bisita upang maramdaman
nila sa tanggap sila rito. Minsan, kahit naghihirap ay gagawin pa ring magarbo ang
pagsalubong sa mga bisita nila.
9.

Simoy pasko sa daan

Isang tradisyon nang maituturing ang paghahanda ng bawat lungsod sa papalapit ng


Kapaskuhan. Hindi lang ang bawat bahay ang naglalagay ng palamuti pampasko, kundi
pati sa daan, parke, at mga malalaking gusali na nagliliwanag tuwing gabi dahil sa mga
masasayang pailaw at palamuti sa paligid. Sa mga lumipas na panahon, iba-iba nang
paraan o gimik sa pagsasaayos ng mga palamuti pampasko. Sa dami ng
establisyimento sa Maynila, hindi maikakaila na malapit na ang pasko dahil sa mga
palamuti sa bawat sulok na kanilang puntahan.
10.

Tradisyon tuwing Noche Buena

Hindi kumpleto ang pasko kung hindi magsasalo-salo ang pamilya sa pagdiriwang ng
kapanganakan ni Hesus. Ginagawa itong masaya, kumpleto at magarbo pero hindi pa

rin nakalilimot na magdasal at magpasalamat. Ilan sa mga tradisyon nang gawin tuwing
Noche Buena ay ang mga sumusunod:

Pagsasalo-salo sa masarap at magarbong mga handa

Sabay-sabay na kakain at magdarasal

Pagbubukas ng mga regalo

11.

Mga Paniniwala sa Pagdiriwang ng Bagong Taon

Hindi man sa Pilipinas tunay na nagsimula ang ilang mga tradisyon ngayon dito, ay
naging bahagi na ito nang matagal na paniniwala natin sa bagong taon. Ang bawat
gawain ay may hatid daw na swerte kaya naman patuloy na ginagawa ito. Ilan sa mga
pinaniniwalaan na maghahatid umano ng swerte sa buong taon ay ang mga
sumusunod:

Paghahanda ng 12 bilog,matatamis at magkakaibang klase ng prutas

Pagkain ng kakanin o anumang malagkit na pagkain

Paghahanda ng isda at karne at pag-iwas sa manok

Pagkain ng spaghetti at pansit, at iba-iba pang luto sa pasta.

Pagsusuot ng may polkadots na nakalarawan

Pagtalon at pagpapatunog ng pera

Pag-iinuman, pagpapaputok, pagpapaiaw at pag-iingay

12.

Tradisyon tuwing Media Noche

Ang masaya at kumpletong pagsasalo-salo ng pamilya sa Media Noche ay isang


paniniwala na sa buong taon ay magiging ganoon din sila. Ang mga tradisyunal at mga
pagkaing naghahatid ng swerte ang pinagsasaluhan nila habang maingay sa labas
dahil sa mga pagpapa ilaw at pagpaputok.Gusto nang nakararami na maging magarbo
at masagana ang unang araw ng taon at magtuloy-tuloy ito sa buong taon.

13.

Paniniwala sa New Years Resolution

Tradisyon nang gumawa ng New Years Resolution tuwing bagong taon upang mas
paunlarin pa ang sarili. Isinasagawa ito upang ipaalala ang mga dapat gawin at ang
dapat matamo sa buong taon. Nakalagay dito ang mga dapat nang iwasan at mga
dapat pang pagsusumikap na gawin upang maging matagumpay sa buhay. Minsan
napaninindigan ito pero mdalas nababali ang mga inilagay dito.
Mga Pamahiin sa NCR
Sa Kusina:
Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.
Bawal kumanta sa hapagkainan simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon ito ay simbolo ng
kamalasan.
Sa Kasal:
Bawal isukat ang damit pangkasal maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal maaaring mamatay
ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan upang hindi siya
maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal simbolo ito ng kaswertehan.
Kapag may sumakabilang-buhay
Bawal matulog sa tabi ng kabaong maaaring hindi mo mapipigilan ang
paggalaw ng ulo mo.
Bawal kumuha ng kahit na anong gamit maging ng pagkain sa burol.
Kapag nanggaling sa isang burol, marapat na magpagpag muna upang hindi
sumama o sundan ng kaluluwa ng namayapa.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
upang hindi sila guluhin ng namayapa.

Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa upang hindi na siya


masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong upang hindi siya mahirapan sa pagakyat sa langit.
Iba pang pamahiin:
Bawal maggupit ng kuko sa gabi upang hindi malasin .
Friday the 13th mag-ingat sa araw na ito sapagkat may maaaring mangyari
sa iyong masama.
Paggising ng alas tres ng madaling araw maaaring may dumalaw sa inyo.
Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo maaari siyang mamatay (pwede
itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)

Mga Nanaluktok na Manunulat sa NCR


1. Genoveva Edroza Matute
Si Genoveva Edroza-Matute o Aling Bebang ay isang magiting na kuwentista sa
wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Isinilang
siya noong 13 Enero 1915. Iginagalang siyang guro sa elementarya,
sekondarya at hanggang sa kolehiyo. Nagretiro siya bilang Dekana sa
Philippine Normal College (na kilala ngayon bilang Philippine Normal
University). Marami na siyang parangal na inani at ilan dito ang Gantimpalang
Palanca at Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining
(Panitikan) noong Pebrero, 1992.
Ilan sa kanyang mga akda tulad ng Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng
Isang

Bata, Parusa, Maganda

itinatampok

sa

mga

Ang

textbook

Ninang
at

iba

Ko at Pagbabalik ang
pang

publikasyon.Si

laging
Aling

Bebang ay maybahay ng manunulat na si Epifanio Matute. Pumanaw si Aling


Bebang noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.
2. Jun Cruz Reyes

Si Pedro Cruz Reyes Jr. o mas kilala bilang Amang Jun Cruz Reyes ay isa sa
mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo ng ating
panahon. Mula 1993 hanggang 2004, kung kailan siya ay Assistant Professor sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, nakapaglabas
siya ng maraming libro, kabilang ang Etsa-Puwera na nagkamit ng unang
gantimpala sa National Centennial Literary Contest noong 1998 at National Book
Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Isa rin siyang magaling na guro
na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Professor ng
College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa
Polytechnic University of the Philippines, at ng isang Writing Grant mula sa UP
Office of the Chancellor at Office of the Vice President for Academic Affairs
noong 2003. Si Reyes ay kinikilala rin sa marami pang unibersidad tulad ng
Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Sto. Tomas,
na kadalasang nag-iimbita sa kanya bilang isang panelist, judge o tagapagsalita
sa mga palihan at patimpalak. Abala rin siya sa pagiging judge sa mga
pambansang patimpalak gaya ng Palanca Awards at NCCA Writers Prize.
Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng Manunulat sa
Pilipinas noong 2002. Sa taong iyon din siya hinirang bilang Most Outstanding
Alumni for Literature and the Arts ng Hagonoy Institute noong Diamond
Anniversary nito. Patuloy na isinusulong ni Reyes ang kamalayan para sa
kanyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng workshop sa
pagsusulat, journalism, pelikulang dokumentaryo, pagpipinta at iba pa, sa
kanyang bahay sa Bulacan. Editor-in-Chief din siya ng Dyaryo Hagonoy,
kasalakuyan niyang tinatapos ang pag-akda sa Hagonoy, Paghilom sa
Kasaysayan . Muling nilathala ng UP Press ang kanyang Utos ng Hari noong
2002. Ang pinakabago niyang aklat ay ang Armando na inilabas ngayong taon.
Patuloy siyang nagtuturo ng pagsusulat sa UP. Pinamumunuan din niya ang
Creative Writing Center ng PUP.
3. Deogracias Rosario

Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre


17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya.
Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.
Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga
Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog.
Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko,
siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang
pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik
sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang
Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang
pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50
Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista.

4. Eugene Y. Evasco
Si Eugene Evasco ay Assistant Professor ng Malikhaing Pagsulat at Panitikang
Pambata sa College of Arts and Letters, U.P. Diliman. Kabilang sa mga aklat
pambata niya ang Mariang Sinukuan: Ang Diwatang Tagapag-ingat ng Bundok
Arayat, Ang Bisita ni Haya, Bilog ang Buwan sa Tanghali, Baha!, HIlong Talilong,
Apat na Mata, May Leon sa Aking Dibdib, Si Isem sa Bayang Bawal Tumawa,
Anina ng mga Alon, Misteryo! at Federico. May-akda rin siya ng mga textbook
para sa high school at kolehiyo, kabilang na ang Sining ng Tula at Maikling
Kuwentong Pambata (co-author). Nalathala sa Singapore ang aklat niyang Si
Isem sa Bayang Bawal Tumawa at naisalin sa mga wikang English, Bahasa,
Tamil, at Mandarin. Nagwagi na siya ng walong Palanca Awards para sa tula,
kuwentong pambata, at sanaysay. Naging Makata ng Taon noong 2000, PBBYSalanga Prize Winner noong 1997, at NCCA Writer's Prize Awardee para sa
sanaysay noong 2003. Ang kaniyang nobelang Anina ng mga Alon ay
pinarangalan ng Gawad Chancelor para sa Akdang Pampanitikan, Pilar Perez

Medallion for Young Adult Literature, at ng National Book Award (Young Adult
Literature) ng Manila Critics' Circle. Nalathala naman sa Diliman Review,
Humanities Diliman, Banwa, at Philippine Humanities Review ang mga sanaysay
at pananaliksik niya ukol sa panitikang pambata at panitikang-bayan ng Pilipinas.
Itinanghal siyang National Fellow for Childrens Fiction ng LIKHAAN: UP Institute
of Creative Writing noong 2005. Punong-patnugot siya ng Lagda, ang refereed
journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Kasalukuyan
niyang tinatapos ang programang Ph.D para sa malikhaing pagsulat sa
Unibersidad ng Pilipinas at inihahanda ang kaniyang koleksiyon ng mga
kritisismo sa panitikang pambata.

5. Jose Corazon de Jesus


Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre
22, 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng
kalusugan

ng

pamahalaang Amerikano

sa

Pilipinas,

at

Susana

Cruz

ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya


ang Cecilio ng Corazon (puso sa Espaol) dahil iyon daw ang tumutugma sa
kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nagaral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang
una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa
nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang
Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado
dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang
Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa
pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum,
pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at
pinalaganap

niya

ang

mithiin

ng

kasarinlan

ng

Pilipinas

isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.

na

noo'y

May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat
din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito
niyang pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng
mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong
Kusa, Paruparong

Alitaptap, Amado

Viterbi, Elyas, Anastacio

Salagubang at Tubig Lily'

6. Jose F. Lacaba
Si Jose Flores Lacaba, o mas kilala bilang Pete Lacaba, ay isang premyadong
manunulat na Pilipino. Siya rin ang kasalukuyang punong patnugot ng YES!
Magazine ng Summit Media.
Sa pamamagitan ng isang scholarship, nakapag-aral siya sa Ateneo de Manila,
ngunit napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. Dahil dito ay
nagsimula siyang magsulat para saPhilippine Free Press.
Kasama ang kapatid na si Emman, tumuligsa sila sa diktaduryang Marcos sa
pamamagitan ng kanilang mga naisulat. Isa dito ay ang tulang Prometheus
Unbound, na nilimbag ng magasin na Focus, at ang koleksyong Mga Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran na nailimbag noong 1979. Nakilala din siya sa
kanyang mga ulat tungkol sa First Quarter Storm, na kinolekta sa librong Days
of Disquiet, Nights of Rage. Dahil dito ay dinakip siya at ikinulong nang
dalawang taon.
Sumabak din siya sa pagsusulat ng mga iskrip para sa pelikula. Kasama si Ricky
Lee, isinulat nila ang iskrip sa pelikulang Jaguar noong 1979; kasama sa
kanyang ibang natatanging akda ay ang Sister Stella L kasama si Mike de
Leon noong 1984, Bayan Ko: Kapit sa Patalim noong 1984 din, Orapronobis
noong 1989 at Rizal sa Dapitan noong 1997.
7. Rio Alma

Rio Alma ang sagisag panulat ni Virgilio S. Almario, na ngayon ay nasa Orden
ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Si Rio Alma ang sumulat ng
mahigit sampung aklat ng tula na humahalukay at sumasalamin sa Filipinas, at
maituturing na pangunahing panlaban ng Filipinas sa Premyo Nobel. Ang
naturang sagisag panulat ay hindi ginagamit ni Almario sa kaniyang ibang akda,
gaya ng sanaysay, kritika, kuwento, at salin.
Ang "Rio Alma" ay hindi pinagtambal na "Rio Locsin" at "Alma Moreno," gaya ng
akala ng marami; bagkus pinagbaligtad na mga titik lamang ng "Almario." Sa
Espanyol, nangangahulugan yaon ng "kaluluwa ng ilog." Pinangatawanan ni Rio
Alma ang gayong pahiwatig, at ngayon ay nakalikha na siya ng karagatan ng
talinghagang dapat abangan ng buong daigdig.
8. Bienvenido Lumbera
Si Bienvenido Lumbera ay isang makata, tagapuna, dramatista,
at iskolar ng Pilipinas na may maraming napanalunan.
Siya ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad
Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing
Komunikasyon. Nanalo siya ng maraming gawad pampanitikan, kabilang ang
mga Pambansang Gawad sa Aklat mula sa Pambansang Pundasyon sa Aklat, at
ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan.

Mga Akdang Pampanitikan ng NCR


TULA
Ayon kay Alfred Austin:
Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang
pananalita, ito ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkupan ng
kariktan sa pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama,
dinaramdam, iniisip, o ginagawa ng tao.

Mga Halimbawa ng Tula sa NCR

MANGGAGAWA
ni Jose Corazon de Jesus
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral,
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo kaya ngayo'y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamay mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang kurus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan.
Bawat patak ng pawis mo'y yumayari ka ng dangal
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka ng buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
- mula sa aklat na Jose Corazon de Jesus: Mga Piling Tula, p.98
TAGUBILIN AT HABILIN
Ni Jose F. Lacaba
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!

Iyan ang una't huli kong


Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.
Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.
Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.
Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.

Ingat lang.
Huwag kang aawit ng My Way sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.
Higit sa lahat, inuulit ko:
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una't huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.
Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinasabi ng awitin:

Gising at magbangon sa pagkagupiling,


Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Ang sabi ng iba: Ang matapang ay walang-takot lumaban.
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una't huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

ANG PANDAY
Ni Amado V. Hernandez
Kaputol na bakal na galing sa
bundok.
sa dila ng apoy kanyang
pinalambot;
sa isang pandaya'y matyagang
pinukpok
at pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang ano-ano'y naging kagamitan,


araro na pala ang bakal na
iyan;
Ang mga bukiri'y payapang
binungkal,
nang magtaniman na'y masayang
tinamnan.
Nguni't isang araw'y nagkaroon ng
gulo
at ang boong bayan ay bulkang
sumubo,
tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo
pagka't may laban nang
nag-aalimpuyo!
Ang lumang araro'y pinagbagang muli
atsaka pinanday nang
nagdudumali,
naging tabak namang tila humihingi,
ng paghihiganti ng lahing
sinawi!
Kaputol na bakal na kislap ma'y
wala,
ang kahalagahan ay di
matingkala,

ginawang araro: pangbuhay ng madla


ginawang sandata: pananggol
ng bansa!
Pagmasdan ang panday, nasa isang
tabi,
bakal na hindi man
makapagmalaki;
subali't sa kanyang kamay na marumi
ay naryan ang buhay at
pagsasarili!
Sanaysay
Halimbawa ng mga Sanaysay sa NCR ay ang mga sumusunod:
Ningning at Liwanag
Ni: Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata,
upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay madaya.
Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng
masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng
kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang
nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng

kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang


isang pusong sukaban.
Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at
isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng
kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at
kapagaLang tunay.
Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at
pagtakwiL sa Liwanag.
Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay
sa hinagpis at daLita.
Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng
kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga
hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon,
at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng kapangyarihang ito.
Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay
sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning.
Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang
maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang
mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa
man ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran.
Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag
mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang

kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na


napatatanaw sa paningin.
MapaLad ang araw ng Liwanag!
Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at
Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

Ang Pagpunta sa Quiapo (Trip to Quiapo)


Ricky Lee
Ang librong Trip to Quiapo ay tungkol sa tatlong manunulat na gustong pumunta sa
Quiapo. Ang unang manunulat, pinag-aralan niya ang daan na ginamit ng mga naunang
manunulat at ito ang ginamit niyang daan para makarating ng Quiapo. Subalit ang
ikalawang manunulat, may pagkakalog ata. ay umikot muna sa mga ilog at sa bundok
at gubat, nakipagtsismisan pa sa kalye at iniwasan ang kombensyonal na daan.
Pinagtawanan natin siya sa pagkat natatawa tayo sa mga nalilihis. Hanggang sa
makarating siya ng Quiapo. Mas mahusay ang ikalawang manunulat kaysa sa naunang
manunulat dahil nakadiskubre siya ng bagong daan papuntang Quiapo. Hindi
magtatagal marami pang susunod sa kanya. Papatag ang landas na ginawa niya at
magiging kasimbilis na rin ng naunang daan. Ang ikatlong manunulat naman gaya rin
ng ikalawang manunulat, hindi rin sumunod sa daan ng ikalawang, may pagkakalog at
baliw pa ata. Umikot-ikot din siya sa mga bundok, ilog, palengke at simbahan. Nawala
pa sa daan at muntik maholdap. Pinagtawanan din natin siya at diniscourage.
Hanggang sa makarating siya sa isang lugar. Hindi ito ang Quiapo kanina. Pero
mapapaniwala niya tayo na ito at Quiapo rin. Sa tatlo siya ang pinakamahusay na
manunulat. Dahil may magic sa ginawa niya. Dahil ang mundo ng literatura, sining at
pelikula, pati na ang buhay natin, ay nagiging napakayaman at makahulugan.
Ipinapakita sa librong ito kung paano ang isang experience ay mas matimbang parin
kesa sa pagaralan ang mga nagawa na ng iba. Dahil sa paggawa ng isang maghusay

na script ikaw mismo ang maghahanap ng sarili mong Quiapo para magkaroon ng
bagong daan para sa mga susunod na manunulat. Ang konsepto ng pagpunta ng
Quiapo ay isang paraan para ipakita na tayo bilang isang manunulat ay kailangan
humanap ng ating sariling daan para makagawa ng isang matagumpay na script.
Madali pagaralan ang daan ng iba ngunit kung ito lagi ang ating susundan parang wala
tayong pinagkaiba sa naunang manunulat, nawawala ang originality ng script. Sa
mundo ng sining walang iisang tama sa pagsusulat. Walang iisang standard kung ano
ba ang magandang pelikula. Ang lahat ay nagbabago sa bawat kultura at sa pagdaan
ng panahon. Nagawa na nila ang lahat sa pagsusulat kaya dapat kaw rin humanap ng
bagong daan sa pagsusulat. Kaw dapat ang humanap ng sarili mong Quiapo hindi ung
mga nauna na sayo. Madami ang Quiapo hindi iisa lamang, sa paghahanap mo ng
Quiapo madami kang makikilala, mararanasan at malalaman. Sa mga experience na ito
makakagawa ka ng panibagong daan sa pagsusulat.
May maliit na tao sa atin. Tumingin ka sa labas makikita mo ay punongkahoy. Tumingin
ka uli ang makikita mo ay mga bunga, mga sanga at mga dahon. Tuminging ka uli, ang
makikita mo, maski wala sila doon, ay mga batang nakalambitin sa swing. O kaya
matandang nagbabasa ng libro. O aswang na nakasilip, o tikbalang. Tumingin ka uli.
Natutunaw ang punongkahoy. O kaya ay naging silya, o mesa, o lumilipad, o baka
naman wala pang punongkahoy doon.
Trabaho ng manunulat ang makakita at ipakita sa iba ang nakikita niya. Napakaliit ng
mundo natin dahil sa mga pwersang napakalibot satin na mas malakas at mapwersa. At
wala tayong magagawa kasi sila ang nasusunod. Dahil dito lumiliit ang mundo natin,
kahit makalabas man tayo at makakita ng mga bagay bagay sa palibot maliit paring ang
nakikita natin. Dahil ang tunay nating nakikita ay base lamang sa nakikita ng maliit na
tao sa loob natin. Kaya minsan nasasabi natin hindi pa tayong handa dahil kulang pa
ang karanasan natin. Hindi pa natin nalilibot ang mundo o di kaya naexperience ang
mga bagay bagay na kailangan natin maexperience. Pero sa loob natin madaming
estorya na gustong lumabas. Pero dahil nangunguna ang takot sa loob natin di pa nga
tayo nakakapagsulat ay di na natutuloy dahil lagi natin sinasabi na di pa ako handa.
Dapat palakihin natin ang maliit na tao sa loob natin. Dapat unti unti natin tanggalin ang
mga blinders na nakatakip sa nga mata natin. Gamitin natin ang ating imahinasyon sa

pagsulat, di dapat maging stereotype para di magiging one sided ang storya na
sinusulat. Sa pagsulat dapat napakalibot ang storya sa mga characters hindi lamang sa
bida. Ang mga napag-aaralan natin sa libro ay hanggan utak lamang ngunit
pagnaranasan natin na ay pumapasok na sa ating puso at mananatili na ito habang
buhay. Wag takot ang maghari sa loob mo, maging open ka at unti unti mong namnamin
ang buhay. Natural lang ang mabigo at madapa, pero dapat marunong kang tumayong
muli pagnangyari yon. Sa patuloy mong pagharap sa buhay ay marami kang
matutunan, ang maliit na tao sa loob mo ay marami ring matututunan. Ang mga bagay
na naexperience mo ay magiging gamay mo para makagawa ng isang matagumpay na
script. Dapat di ka matakot mabigo, dahil sa mga ganitong karanasan ka makakahugot
ng lakas at impormasyon na kailangan mo para maging makatotohanan ang sinulat mo.
Sa pagsusulat, imahinasyon ang pangunahing kasangkapan. Ayon nga kay Vladimir
Nabokov. Literature was not born the day when a boy crying wolf, wolf came running
out of the Neanderthal valley with a big gray wolf at his heels. Literature was born on
the day when a boy came crying wolf, wolf and there was no wolf behind him. Dito
pumapasok ang konsepto ng meron at wala. Napaka-boring naman ng isang pelikula na
ibinigay na sayo lahat. Nagiging passive ang dating mo pagganito, sa dami ng mga
elemento sa pelikula hindi na nahahasa ang imahinasyon mo lagi ka na lang tanggap
ng tanggap hanggang sa namalayan mo hindi na ikaw ang gumawa ng pelikula kundi
ang mga elementong tinatanggap mo. Ang imahinasyon ang nagbibigay ng saya ang
panibagong buhay sa mga pelikula. Dahil sa imahinasyon nagkakaroon ng bagong
daan at pananaw ang tao. Sa pagsusulat ng isang script ang manunulat ay dapat
tumutok, kailangan tumingin siya nang tumingin para makakuha ng materyal. At sa
patuloy mong pagtingin nakakakuha ka ng mga impormasyon at pangyayarin sa palibot
mo. Hanggan sa puntong mawawala na ng katawan mo ang nagiging isa ka na sa
sinusulat mo. May koneksyon ka na sa sinusulat mo at maglalakbay ang iyong
imahinasyon hanggang sa makagawa ka na ng isang magandang script. Di mo man
lang namalayan na natapos na pala ito.
Dula
Halimbawa ng Dula sa NCR ay ang:

Masot Karit
(Sipi sa Isang Makabagong Dupluhan)

Panginoon:

Paglilitis!

Bayan:

Paglilitis!

Panginoon:

Handan a ba kayo?

Bayan:

Handa na po Kami!

Panginoon:

Atin ngayong sisimulan


Ang Palarong makabayan
Kaya mga kababayan
Manood na at pakinggan

(Mananalangin)
Panginoon:

Araw itong kasinggan


Ng iba pang nagpipista
Kaya ating iselebra
Manggagawat magsasaka
Heto nap o ang dalawa:
Masot karit walang iba
Silang aking pampagana
Araw-araw sa umaga

(Itutunuro ni Panginoon ang mga alituntunin)

(Mag-aakusa ang Panginoon)


Panginoon: Ako ay may ibong maya
Ginintuan kanyang hawla
Ngunit ngayon, wala siya
At di ko na nakikita
Karit:

Hindi po ako pumapatay!

Panginoon:

At sino ang pumatay?

Karit:

Ang puong halaman,

Panginoon:

Hindi pumapatay ang punong halaman.


Ang magsasaka raw anf siyang pumatay.

.
Karit:

Putok na ito mahal na Panginoon.


Ako may pautang kahit kakaunti
Na kung tutuusin ay tatlong salapi
Lahat ng piseta, kung gat maaari
Atin bawasan at itira ang sukli
At sa sukling ito, panginoon naming,
Fuera los nueve mangyaring tuusin
At sa matira poyy ating pagdusahin
Pagkat sa ibon mo ang siyang may kimkim

Panginoon: Numero!

Karir:

Si Maso po!

Panginoon:

Kung gayoy lumapit, belyakong marilag


At tanggapin yaring palmotaryong hawak
Belyakang may salay tapatan mo agad
Ng wastong parusang sala ay dapat!

(Susunod s autos g Panginoon at susunsuin si Maso)


(Sasanahan ni Karit si Maso sa harap ni Panginoon)
Karit:

Naririto nap o sa mahal mong harap

Ang abang lingcod matupad sa atas


Ang palmotorya poy mangyaring igawad
At nanf=g parusay aking ipatupad!
(Titingnan sa ata ni Maso si Karit at saka magbibigay ng babala)
Maso

Mahal na binata, ay magdahan-dahan


Ikaw ng paghipo sa kanan mong kamay
Dulo ng daliri, kapag hinawakas
Buti pa;y kitilin ang sariling buhay!
Bago mo lapatan ng parusa
Ang kasalanan koy sabihin muna
Kay Poncio Pilatoy huwag kang pumara
Humatol kay Kristo gayong walang sala!

(Magsasalubog ang mga diwa at damdamin nina Karit at Maso. Dahil sa kug saan-saan
dako napupunta ang usapat usapin, maliligaw si Panginoon subalit hahayaan ang
dalawa sapagkat kuhang-kuha nila ang simpatiya ng Bayan.
Karit:

Sa kanayunan dapat mag-ugat ang himagsikan

Maso:

Sa kalungsuran kailangan itayo ang rebelasyon.

Karit:

Kaming magsasaka sa pagpupunla sanay.

Maso:

Kaming manggagawa sa pagbuo ng marunong.

.
Karit:

Linang sa Pulalang Hukbo at Base nagsilang.

Maso:

Bagay lang iyan kung malalayo ang ating nayon.

Karit:

Subalit mabundok ang Luzon, Visayas, at Mindanao

Maso:

Pero naroroon sa punong-lugsod ang aksiyon.

Karit:

Ang sa siyudad, nabuhay, sa burges ang pamumuhay.

Maso:

Mas malaki ang pagkakataon sa mga eleksiyon.

Karit:

Tanging punot dulo ng pagbabago ang digmaan.

Maso:

Alyansa lamang ang tugin sa ating mga tanong.

(Mahahalatang pumuputok na ang butse nina Kari at Maso kaya makikialam si


Panginoon.)
Panginoon:

Diwata ay maghintay
May gulo sa Kaluwalhatian!

(At dali-daling papasukin sa entablado ang isang sorpresang panauhin na walang


kamuwang-muwang sa nagaganap sa paligid-si Duplero. Tutula siya sa Bayaning
Magiliw)
Bait ko sa sarili ang nagsabi: Lahat ay patas sa pag-ibig Kaya binibigyan kita ng
aginaldo ng pagdadalawang isip. Puntod mo ay agad kong tinungo upang biyakin ang
iyong puso.
At tiyakin ang iyong pagsuyo kung tumupad sa pangako.
.
Tuwing hinahara ng pambansang awit, ako ay nagigising
Nagiging immortal ang damdamin at diwang inalay mo sa akin
Huling paalam mo ay unang kumusta sa paglaya ng bandila
Wagayway ng anak kong ang pagkabansa ay mula sa iyong tula.
(Aawitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas)

Maikling Kwento
Layunin
Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang
tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."Tinawag rin itong DAGLI noong
panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo
noon ding panahong iyon. Si Deogracias Rosario ang kanilang inspirasyon sa
pagsulat ng maiikling kwento noong panahon na iyon.

Kayarian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang
maikling kuwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o
ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang
kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Mga Elemento

Panimula. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin

kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.


Saglit na Kasiglahan. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga

tauhang masasangkot sa suliranin.


Suliranin. Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian. May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao

laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.


Kasukdulan. Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o

kasawian ng kanyang ipinaglalaban.


Kakalasan. Tulay sa wakas.
Wakas. Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
Tagpuan. Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o

mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa. Sinasabi ring siyang pinaka-kaluluwa ng maikling

kuwento.
Kaisipan. Mensaheng nais ipabatid ng kuwento.
Banghay. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

Mga Uri
May sampung uri ng maikling kuwento:
Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian
ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa kanila ng isang mambabasa.

Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga


pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga
tao sa nasabing pook.
Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindaksindak.
Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik
at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin
ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng
maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan
ng kaisipan.
Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kuwento.
Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kuwento ng
katatawanan.
Sa kuwento ng pagibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.
Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento.
Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa
isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang

maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga


sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan,
obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang
katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng
panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman
ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Halimbawa ng mga Maikling Kwento sa NCR


1. Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes
BUOD:
Ang kwento ay nakasentro sa mag-aaral na si Jojo na
itinuturing ng mga guro bilang isang pasaway na mag-aaral na
madalas ay hindi sumasang-ayon sa kanyang mga guro na siya
namang dahilan upang pag-initan siya ng mga ito lalung lalo na ni
Mrs. Moral Character na kanya ring adiviser.
Patungkol din ang kwentong ito sa mga guro na hindi
bukas ang mga isipan sa mga ideya ng kanilang mga mag-aaral
na sumasalungat sa kanilang pinaniniwalaan dahil para sa kanila,
anumang bagay na manggagaling o ano man ang sasabihin nila,
BUOD:
ito ay laging tama.
Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng
tuwing nakakakita
ng mga batang nag
2. tagapagsalaysay
Bangkang Papel sa
ni Genoveva
Edroza siya
Matute
papalutang ng bangkang papel. Isang batang lalake ang
nagising sa malakas na dagundong at nakasisilaw na liwanag
subalit napagtanto niyang walang pumapatak sa kanilang
bubungan. Hinanap niya ang kanyang ama sa kanyang ina ngunit
pinatulog lamang siya nito sapagkat magpapalutang pa siya ng
bangkang papel bukas.
Subalit hindi niya napalutang ang mga bangkang papel dahil
paggising niya kinabukasan ay nakita niya ang kanyang inang
nakalugmok sa sahig habang hinahaplos-haplos ang buhok ng
kanyang kapatid na si Miling. Napakaraming tao sa paligid at
wala ni isa man sa kanila ang nagpaliwanag sa kanya sa
nangyayari..

Ayon sa malakas na tinig, pinalilikas na ang mga residente sa


ligtas na pook kasama si Kapitan Isidro. Napag-alaman ng
batang lalake na ang kanyang ama ay kasama sa labinlimang
patay sa sagupaan ng mga kawal at taong- bayan. Tinanong
niya ang kanyang ina kung bakit pinatay ng mga sundalo ang
kanyang ama ngunit hindi rin alam ng kanyang ina ang sagot
sa kanyang tanong dahil sa parehas nilang hinahanap ang
kasagutan.
3. Ang mga Bisita ni Haya ni Eugene Y. Evasco
BUOD:
Maraming kung anu-anong nais bumisita kay Haya. Pumapadyak at
kumakaluskos sa labas ng kanyang silid, kumakamot sa kanyang
pinto. Ngunit ayaw ni Haya pansinin o papasukin ang mga ito.
Huwag mang-istorbo! ang sigaw niya sa kanyang mga bisita.
Ngunit isang gabi, dinalaw si Haya ni Baitpandi, ang diwata ng
manlilikha. Sa gabay ng diwata, matutuklasan ni Haya ang tunay ng
ganda ng kanyang mga bisita, at ang halaga ng kanyang abilidad
bilang manlilikha.

Mga Sanggunian:

Lilia Quindoza-Santiago,et al.(2007).Mga Panitikan ng Pilipinas.Kinuha mula sa


C&E publishing, Incorporated
______________(n.d.).National Capital Region.Kinuha mula sa
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalakhang_Maynila noong Nobyembre 28, 2015
______________(1-23-08).Trip to Quiapo.Kinuha mula sa
https://ipgalarosa.wordpress.com/2008/01/23/book-review-and-summary-trip-to-quiapoby-ricky-lee noong Nobyembre 27, 2015
______________(n.d).Ningning at liwanag. Kinuha mula sa
https://www.facebook.com/notes/hermz-gacho/ang-ningning-at-ang-liwanag-isinulat-nidimas-ilaw-emilio-jacinto/519865828029024 noong Nobyembre27,2015
_____________(n.d).Maynila. Kinuha mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Maynila
noong Disyembre 1, 2015
______________(n.d).Mga Pasyalan sa Maynila. Kinuha mula sa
https://foursquare.com/user/12217023/list/mga-pasyalan-sa-maynila noong Disyembre
1,2015
_____________(n.d.).Manila Ocean park.Kinuha mula sa
http://www.gmanetwork.com/news/story/83135/news/manila-ocean-park-bagongpasyalan-sa-maynila noong Disyembre 1,2015

Inihanda nina:
Santos, Karen B.
Solomon, Jaymee
Suerte, Kimberly
III-4 BSE Filipino

You might also like