You are on page 1of 32

KARUNunGANG

BAYAN
SALAWIKAIN,
SAWIKAIN, BUGTONG,
PALAISIPAN, BULONG,
KASABIHAN,
KAWIKAAN

A.KARUNUNGANG BAYAN (FOLK


SPEECH)
1. Salawikain Isang patalinghagang
pahayag na ginagamit ng mga matatanda
noong unang panahon upang mangaral at
akayin ang mga kabataan sa mabuting
asal.
Kinasasalaminan ng mentalidad ng
sambayanan na tinatawag na kasabihan.
Padre Gregorio Martin at Mariano Cuadrado
- unang nagtipon ng mga salawikaing
Tagalog.

Damiana Eugenio- gumawa ng masusing pagaaral tungkol sa mga salawikain ng Pilipinas.


Pangkat ng Salawikain:
1.Nagpapahayag ng panlahat na paningin sa
buhay at sa batas ng buhay.
2.Nagpapahayag ng mabuting asal.
3.Nagpapahayag ng pagpapahalaga ng mga
tao.
4.Nagpapahayag ng panlahat na katotohanan
sa buhay at kalikasan ng tao.
5.Nakapagpapatawa

1.
2.
3.
4.

Maikling pangungusap
Payak
Karaniwang mga pananalita
Kinasasalaminan ng mga puna sa
buhay
5. May tugma ang karamihan
6. Pag-uulit ng mga salita

Tulak ng bibigAng maniwala sa sabi-sabi


Kabig ng dibdib.
Walang bait sa sarili.
Walang masamang kanya
May tainga ang lupa
Walang mabuti sa iba. May pakpak ang balita.
Aanhin pa ang damo
Anak na di paluhain
Kung patay na ang kabayo. Ina ang patatangisin.
Kapag may isinuksok
Ang taong walang kibo
May madudukot
Nasa loob ang kulo.

2. Sawikain Ito ay mga patalinghagang


pananalita. Ito ay isang paraan ng
pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng
tao.Nakalilibang bukod sa nakadaragdag
ng kaalaman.
Halimbawa:
Hulog ng langit biyaya o suwerte
Maluwang ang turnilyo luko-luko
Maitim ang gilagid masama ang ugali
Makati ang dila madaldal
Bukambibig laging sinasambit
Anak pawis dukha

3. Bugtong pahulaan sa pamamagitan

ng paglalarawan. Binubuo ng isa o


dalawang taludtod na maikli at may sukat
at tugma.
Halimbawa:
Munting palay
Puno ang buong bahay. (ilaw)
Dala mo, dala ko
Dala ka ng iyong dala. (tsinelas)
Di hari, di pari
Nagsusuot ng sar-sari. ( sampayan)

4. Palaisipan Itoy gumigising sa


isipan ng tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin.
Halimbawa.
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito
ng sumbrero. Paano nakuha ang bola
na di man lang nagalaw ang
sumbrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero

5. Bulong Ang halimbawa nitoy ang


sinasabi kapag may nadadaanang punso
sa lalawigan na pinaniniwalaang siyang
tinitirhan ng mga duwende o nuno.
Halimbawa:
Tabi, tabi nuno, kami lang poy
makikiraan.
Huwag magalit kaibigan, aming
pinuputol lamang
Ang sa amiy napag-utusan.

KASABIHAN

6. Kasabihan ito ay bukambibig ng


mga bata at matatanda na kung
tawagin sa Ingles ay Mother Goose o
Nursery Rhymes. Ito ay mga tulang
pambata o tugmang walang diwa o
mababaw ang isinasaad na kahulugan.
Halimbawa:
Putak, putak
Batang duwag
Matapang kat
Nasa pugad

GAMIT NG KASABIHAN
1. PANG-ALIW, tulad ng katuwaan ng
mga naglalarong bata.
2. PANUDYO, ginagawa ng mga bata sa
kalaro kapag nagkapikunan.
3. SABI-SABI lamang o bukambibig
4. PAMPADULAS-dila itoy larong
pangkasanayang dila nang lumaking
hindi utal ang bata.

Ubos-ubos biyaya
Maya-maya nakatunganga.
Hampas sa kalabaw
Sa kabayo ang latay.

KAWIKAAN
7. Kawikaan kauri ng salawikain na
ang kaibahan lamang ay laging
nagtataglay ng aral sa buhay.
Hal. Ang taong matiyaga
Anuman ay nagagawa.
Ang kasipagan ay
kapatid ng kariwasaan.

B. AWITIN/KANTAHING BAYAN (FOLK


SONGS)
Isang tulang inaawit na nagpapahayag ng
damdamin, kaugalian, at karanasan ng
mga taong naninirahan sa isang pook.
Oral na pagpapahayag ng damdamin ng
mga katutubo.
Isa sa mga matatandang uri ng
panitikang Filipino na lumitaw bago
dumating ang mga katutubo.

1. Oyayi Awit sa
pagpapatulog ng bata
Matulog ka na bunso
Ang ina moy malayo
At hindi ko masundo
Daay walang magturo.

2. Soliranin- Awit sa
paggaod
Hala, gaud tayo; pagod ay tiisin
Ang lahat ng hirap, pag-aralang
bathin,
Kahit malayo man kung ating
ibigin,
Tiyak na lalapit kung ating
gugustuhin.

3. Kumintang Awit sa
pakikidigma
Ang nuno nating lahat,
Sa gulok di nasisindak
Sa labanan di naaawat,
Pinuhunan, buhay at hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay ng panatag.

4. Kundiman Awit ng pagibig


Noong una ng panahon ako ay bata pa,
Natisod mo na ay di alintana
Nang ako ay lumaki at maging dalaga,
Tila sa wari ko ay may pagbabanta pa.
Pagsinta mo sa akin ay di ko tatanggapin
Pagkat akong ito ay alangan sa tingin
Ako ay mahirap, pangit pa sa tingin
Bakit naman ngayon ay iyong iibigin.

5. Dalit o Imno Awit sa


diyos-diyosan ng mga
Bisaya
Pumanaog, pumanaog si Mansilatan
Saka si Badla ay bababa
Mamimigay ng lakas
Pasayawin ang mga baylan
Paligiran ang mga baylan.

6. Diona Awit sa kasal


Umawit tayo at ipagdiwang
Ang dalawang pusoy ngayon ikakasal
Ang daraanan nilang landas
Sabuyan natin ng bigas.

7. Talindaw- Awit sa
pamamangka/pagsagwan
Sagwan, tayo ay sumagwan,
Ang buong kaya ay ibigay
Malakas ang hangin
Baka tayo ay tanghaliin
Pagsagway pagbutihin.

8. Maluway awit sa samasamang paggawa


Isa, dalawa tatlo
Sabay-sabay ang hila
Upang hindi ka matumba
Tatagan ang mga paa.

9. Kutang-kutang awit nhg mga lasing


sa lansangan.
10. Ditso awit sa paglalaro ng bata
11. Sambotani awit sa pananagumpay
12. Holehoo- awit sa pagpapatigil ng
pag-iyak ng bata.
13. Dung-aw- awit para sa patay ng mga
Ilokano.

14. Umbay- awit ng mga naulila.


15. Umigwing awit ng mga
mananahi.
16. Omawitbayi at sambitan awit ng
mga kamag-anak at kaibigan.
17. Tagulaylay awit kapag may
namatay.

C. KATUTUBONG SALAYSAY
(FOLK NARRATIVE)
1. Alamat Isang uri ng panitikang
tuluyan na ang karaniwang paksa ay
nagsasalaysay ng pinagmulan ng
isang bagay, pook, kalagayan o
katawagan.

A. Etiological mga nagpapaliwanag


na mga alamat na sumasagot sa tanong
na kung paano pinangalanan ang mga
bagay o pook at kung bakit nagkaganon.

B. Non-etiological - nauukol sa mga


dakilang tao at pagpaparusa sa mga
malalaking kasalanan, kasama ang
alamat ng mga santo, mga supernatural
na nilikha tulad ng aswang, tikbalang,
engkanto, multo at iba pa.

2. Mito tuluyang pasalaysay na


itinuturing na totoong naganap sa lipunan
noong panahong nagdaan.
Karaniwang kaugnay ito ng teolohiya at
ritwal.
Kinapapalooban ng simula ng daigdig, ng
tao, ng kamatayan, katangian ng mga ibon,
hayop o pisikal na kaanyuan ng lupa, at
kuwento tungkol sa mga Diyos at Diyosa.

3. Epiko mahabang tulang buhay o


tulang pasalaysay na nagpapakilala
ng pakikipagsapalaran ng mga
tauhan, tauhang may dipangkaraniwang lakas sa
pakikipagtunggali sa kanyang mga
kalaban.

1. Mahaba
2. Batay sa oral na tradisyon
3. Di-makatotohang pangyayari o
supernatural na makabayaning gawain
4. Patula
5. Tinagulaylay
6. Matiim o seryoso ang mga layunin
7. Pagsasalaysay na panlipunan,
pangkultura, makabayan at tungkol sa
pananampalataya ang ilan.

1.Microepic kumpleto sa sarili tulad


ng Lam-ang. Maaaring mapos sa isang
upuan lamang at may simula at wakas.

2.Macroepic- Ipinapakita lamang ang


partikular na bahagi, tulad ng Tuwaang.

3.Mesopic maraming masalimuot na


insidente tulad ng Labaw Donggon.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Lam-ang Ilocano
Ibalon Bicol
Labaw Donggon Hiligaynon
Alim at Hudhod Hi Aliguyon Ifugao
Tuwaang Bagobo
Darangan Maranao
Agyu Mindanao

8. Sandayo - Subanon
9. Indarapatra at Sulayman, Darangan,
Bantugan, Bidasari Maguindanao
10.Hinilawod, Maragtas at Lagda
Bisaya

You might also like