You are on page 1of 2

DI MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Grade 10 Einstein
Ika 08 ng Oktubre 2015

I. LAYUNIN:
Nagagamit ang angkop na mga paraan ng pagpapahayag ng
damdamin sa isang tula. (F10W6-le-f-60)

II. PAKSA AT KAGAMITAN:


Paksa: Tula REPUBLIKONG BASAHAN
Ibat ibang Paraan sa Pagpapahayag ng Emosyon
Kagamitan:
Modyul sa Mag - Aaral
Mga guhit sa kartolina ng ibat ibang mukha / emosyon
Mga strips na may nakasabit ng ibat ibang damdamin

III. PAMAMARAAN
A. Gawain
Ipapadikit sa pisara ang ibat ibang mukha na kung saan papipiliin
sila at ikokonekta ito sa naunang araw na talakayan.
Magbibigay ng mga pahayag o saloobin ang mga mag aaral sa
napiling mukha.
B. Analisis / Pagsusuri
Itanong: Bakit napakahalaga
damdamin / emosyon?

ang

wastong

pagpapahayag

ng

C. Paghahalaw / Abstraksyon
Ipagawa ang Gawain 8(k) sa modyul. Gabayan ang mga mag aaral
sa paghihinuha ng damdaming ipinahihiwatig sa bawat saknong ng
tula.
Pagtalakay sa mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon.

D. Aplikasyon

Pangkatin ang klase sa 5 hanggang anim. Ang bawat pangkat ay


bubuo ng halimbawang dayalogo na ipapakita sa klase. Kailangan
ayon sa paraan ng paggamit ng wika sa pagpapahayag ng emosyon.
Ang guro ang magbibigay ng damdamin at ang mag aaral ang
magpapahayag sa dayalogo ayon sa paraang naiatas sa kanila.

IV. EBALWASYON
Ipasagot ang pagsasanay sa Modyul ng Mag aaral (p. 97)

V. TAKDANG GAWAIN:
Ipasagot ang Pagsasanay 1 at 2 sa Modyul ng Mag aaral (p. 98)

Inihanda ni:

Gng. SOCORRO M. SABIT


Guro sa Filipino

Approved:
TITO C. ESPIO
Principal

You might also like