You are on page 1of 3

Mga TNT sa Japan na pinauwi sa Pinas, dismayado:

WILLIE REVILLAME, DI TUMUPAD SA PANGAKO!

HINDI NAMIN NABALITAAN dati pero


kuwento ng kaibigan naming nasa Japan. There
was a time pala na nagpunta roon si Willie
Revillame. Itoy kaugnay umano ng misyon ng
TV host na hikayatin ang mga overstaying na
mga kababayan doon na huwag nang mag-TNT
at umuwi na sa Pilipinas.

Kaakibat pa raw ng pang-i-engganyo ni Willie


na mapauwi ang mga kababayan nating TNT sa
Japan ay ang pangakong tulong umano na
makahanap ng trabaho rito sa Pilipinas. At
marami naman nga raw nahimok ang TV host
na magsibalik na lang ng bansa.

Ang kaso, nadismaya raw ang mga Pinoy na


nakumbinsi ni Willie na bumalik ng
Pinas. Pagdating daw kasi ng mga ito sa bansa, nawala na ang pangakong tutulungan silang
magkatrabaho. Dahilan para sumama umano ang kanilang loob sa TV host.

Kumbaga, pinauwi lang daw pala sila ni Willie para iwan sa ere. Kung alam lang daw nila, hindi
pa rin sila umuwi. Dahil kahit TNT umano sila sa Japan, at least ay nakapaghahanap-buhay pa
rin sila, maayos ang kita, at nasusuportahan ang kani-kanilang pamilya.

Yong mga hindi raw na-convince ng TV host na umuwi sa Pinas, thankful na mas pinili nilang
manatili pa rin sa Japan. Dahil kung hindi, gutom din daw pala ang aabutin nila kagaya ng mga
kasamahan nilang nagsibalik na sa bansa.

Well try to get Willies side on this. Never kasi naming narinig sa kampo niya ang tungkol sa
ganitong bagay before.
Hindi kaya ito yong programa dati ni Senator Manny Villar na pagtulong sa may problemang
mga OFW? Kumbaga, nakibahagi lang si Willie tanda ng full-support ng TV host sa natalong
Presidential candidate.

If thats the case, hindi kay Willie dapat sumama ang loob ng mga napauwing Pinoy na TNT sa
Japan. Wala namang puwesto sa gobyerno ang TV host para hanapan siya ng responsibilidad na
magbigay ng trabaho sa mga ito.

Mismo!

FROM HER BUSY schedule bilang regular guest performer sa world concert tour ni Julio
Iglesias, nakakita ng pagkakataon recently ang reigning Bb. Pilipinas-International na si Krista
Kleiner o mas kilala bilang Kapuso star na si Krissa Mae, na sandaling makadalaw sa kanyang
pamilya sa Amerika. Bitin nga raw ang bakasyon na yon ng dalaga na tumagal lang ng three
days.

Nami-miss daw talaga ni Krissa Mae ang mga mahal niya sa buhay kabilang na ang boyfriend
niyang si JayR. Pero once in a lifetime chance at experience din nga na mapasama siya sa
concert tour ng international singer na si Julio Iglesias at maglibot sa ibat ibang panig ng
mundo. Magandang training din daw ito for her para mas maka-gain ng confidence sa sarili at sa
pakikiharap sa lahat ng klase ng tao bilang paghahanda na rin sa paglaban niya sa Miss
International pageant na gaganapin sa China sometime this October or November.

Aware daw si Krissa Mae na dahil sa ilang buwan niyang pagsama sa world concert tour ni Julio
Iglesias, may mga nag-iisip na baka tsinu-tsurba-tsurba na siya ng nasabing international
singer. Inaasahan na raw niya kung magkaroon man ng malisyosong tsismis o intriga sa kanilang
dalawa.

Parang daddy raw ang turing niya kay Julio Iglesias na halos kaedad daw nga ng kanyang
ama. At parang anak naman din daw ang trato nito sa kanya. Madalas nga raw silang
nagkakakuwentuhan. At marami raw mga advice din ang naibibigay ng international singer kay
Krisssa Mae. Shes learning a lot daw talaga from him.

Sobrang bait daw ni Julio Iglesias kay Krissa Mae. Nakikita raw nga niya ang kanyang ama sa
katauhan nito.

Bongga raw ang TF niya sa nasabing world concert tour na ayaw na niyang banggitin pa kung
magkano. Pero more than the monetary aspect, what she values most daw is the experience of
traveling around the world for free nang naka-private plane at puro first class ang
accommodation kasama nga ang world-famous singer na gaya ni Julio Iglesias.

Kabilang sa mga bansang napuntahan na ng kanilang world concert tour ay ang Australia, New
Zealand, Thailand, at ang Malaysia kung saan sumunod umano roon si JayR para manood at
mag-abot ng bouquet of flowers sa kanya. Pero ilang oras lang daw silang nagkasama ng binata
na one day lang daw nag-stay roon dahil kinailangan na ring bumalik sa Pilipinas dahil sa mga
commitments nito gaya ng pagiging host ng dating game show na Take Me Out.
Magkalayo man sila ngayon na tatagal ng ilan pang buwan, happy raw si Krissa Mae na going
strong ang kanilang relationship. Na-touch nga raw siya nang husto nang bigyan siya ng promise
ring ni JayR. Hindi raw ito puwedeng masabing engagement ring. Pero espesyal daw para sa
kanilang dalawa ang nasabing singsing dahil simbolo ito ng pangako nilang magiging faithful
sila to each other at mamahalin nang lubos ang isat isa.

Bukod sa promise ring, may na-compose din daw na kanta si JayR para kay Krissa Mae. Isasama
raw ito ng binata sa bagong album na nakatakdang i-record nito. Talagang feeling pagkahaba-
haba raw ng hair niya habang patuloy na pinatutunayan ng singer-TV host ang pagmamahal nito
sa kanya.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

You might also like