You are on page 1of 3

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA REPORMANG

IPINATUTUPAD SA PAGPAPADALA NG HOUSEHOLD SERVICE


WORKERS (HSWs) SA IBANG BANSA
 
1.       Ano ang mga repormang ipinapatupad ng pamahalaan sa ating
mga HSWs namagtatrabaho sa ibayong dagat?
 
-    US$400 pinakamababang sahod;
-    23 edad ng mga bagong HSWs;
-    pagkuha ng TESDA NC2 katibayan ng pagsasanay;
-    pagkuha ng orientasyon sa wika at kultura; at
-    pagbabawal ng pagsingil ng placement fee sa mga HSWs.
 
2.       Bakit kailangan ang mga repormang ito?
 
-    Para sa proteksyon at pangangalaga sa mga HSWs;
-    Para mapataas ang antas ng kaalaman;
-    Para itaas ang kanilang antas at dignidad bilang manggagawang
Pilipino.
 
3.       Bakit kailangan ang sahod na US$400?
 
-    Ang HSWs ay nagtatrabaho ng mahigit sa 12 oras; at
-    Ang HSWs ay nagsasagawa ng mahalagang papel sa pamilyang
kanyang pinaglilingkuran.
 
4.       Ano ang katotohanan tungkol sa reporma sa edad?  Bakit
kailangan ng reporma sa edad?
 
-    Sa edad na 23 ang mga babae ay may sapat na pang-unawa,
kaalaman at “emotional maturity” upang maiwasan o malabanan ang
pangungulila, karahasan at pang-aabuso.
 
5.       Ano ang katotohanan sa pagkuha ng assessment at training?
 
-    Ang tamang relasyon ng HSWs at employer ay maaaring mangyari
lamang kung alam at kaya ng HSWs ang mga tungkuling kanyang
gagampanan, tulad ng pagluluto, paglilinis ng bahay at paggamit ng
kasangkapang elektrila.
 
6.       Sino ang kinakailangan kumuha ng assessment?
 
-    Mga bagong HSWs
-    Ang mga datihang HSW na gusting kumuha ng TESDA Certificate
bilang hakbang sa mataas pang pagsasanay.
 
7.       Sino ang kinakailangan mapasailalim sa training?
 
-    Ang mga hindi papasa ng tatlong ulit sa “assessment” na gagwain sa
ilalim ng TESDA.
 
8.       Bakit kailangan ang orientasyon sa wika at kultura?
 
-    Para magkaroon ng magandang relasyon sa employer; at
-    Para magkaroon ng tamang kaalaman sa wika at kultura sa bansang
kanyang pupuntahan.
 
9.       Sino ang kinakailangang kumuha ng orientasyon sa wika at
kultura?
 
-    Lahat ng bagong HSWs;
-    Mga dating HSWs na lilipat at maglilingkod sa panibagong bansa; at
iyong
-    HSWs na pupunta sa bansa na may hinihinging orientasyon sa
kultura at wika at katibayan ng kasanayan (competency certificate) ay di
na kailangan dumaan sa mga prosesong ito sa ilalim ng bagong
reporma.
 
10.   Ano ang katothanan tungkol sa placement fee?
 
-    Ang “employer” ang dapat magbayad ng placement fee at hindi ang
HSW.
 
11.   Ano ang katayuan ng mga recruitment agencies dahil sa bagong
kautusan sa placement fee?
 
-    Ang recruitment agencies ay makakasingil sa mga employers ng
HSWs
 
12.   Maasri bang bumaba ang deployment ng Pilipinas dahil sa mga
reporma sa HSWs?
 
-    Maaring panandaliang mabawasan ng deployment sa unang
pagpapatupad ng reporma, lalo na sa mga bansang sanay na
magbayad ng US$200 ngunit hindi inaasahang pangmatagalan ito at
mababawi rin agad.
 
13.   Maaapektuhan ba ang remittances na pumapasok sa Pilipinas
dahil sa mga reporma?
 
-    Tinataya ng OWWA & POEA na hindi maaapektuhan ang remittances
sapagkat ang umaalis na HSW taun-taon ay 9% lamang nga kabuoan
ng lahat ng OFWs na umaalis;
-    Kung panandalian na mababawasan ang aalis na OFW ay mahigit na
mapupunuan ang mawawala nilang remittances ng nakaalis na HSW
dahil sa doble na ngayon ang sahod nila.
 
14.   Ano ang ginagawa ng pamahalaan upang matiyak na hindi
magkakaroon ng masamang epekto ang reporma sa overseas
deployment?
 
-    Pagbubukas ng bagong “labor markets” at pagpapalawak ng mga dati
na;
-    Pagbubukas ng mataas na antas ng propesyon at kasanayan; at
-    Pagkilos ng ating mga Labor Offices sa abroad na suportado ng
TESDA sa pamamgitan ng mas maigting na pagsasanay sa ibat’t ibang
larangan ng paggawa.
 
15.   Kailan ipatutupad ang mga reporma?
 
-    December 16, 2006 para sa mga bagong HSWs;
-    March 1, 2007 para sa mga dating HSWs.
 
 
Para sa karagdagang kaalaman, tumawag sa:
 
POEA Hotline:  (632) 722-1144; 722-1155; 722-1187
(para sa implementasyon ng bagong patakaran)
www.poea.gov.ph
 
OWWA Hotline:  (632) 887-7777 (para sa language at
cultural orientation) www.owwa.gov.ph
 
TESDA Hotline:  (632) 551-1560; 551-6641 (para sa
pagkuha ng TESDA Household Services National
Certificate II) www.tesda.gov.ph
 

You might also like