You are on page 1of 4

FILIPINO

II-2

08 GATPAYAT, Franchesca
11 GREGORIO, Bianca
18 LLAMAS, Gabrielle
31 SERASPI, Monique

Bago tayo magsimula… Alamin natin ang mga ibig sabihin ng ibang salita.

I. TALASALITAAN:

• Ningas – apoy

• Pighati – kalungkutan

• Nakapanayam – nakausap

• Mairog – maibigin; magiliw

• Hilahil – mabigat na problema

• Venus – Diyosa ng pag-ibig at kagandahan

• Nakatighaw – nakakaalis ng uhaw; gumiginhawa

• Mahagkan – mahalikan

• Matabil – madaldal

• Muog – kuta

• Nagdadalamhati – nalulungkot

• Pangimbulo – pang-iingit

• Pinaguusig – pinahahabol sa batas

II. 5 SAKNONG:

Saknong 294

“Ang pusong matibay ng himalang dikit


Nahambal sa aking malumbay na na hibik,
Dangan ang kaniyang katutubong bait
Ay humadlang, disin sinta ko’y nabihis.
Ang tayutay na naigamit ni Balagtas-Baltazar dito ay pagmamalabis o Hyperbole sa Ingles. Sa
saknong na ito, naibahagi ni Florante kay Laura ang kanyang pagdadalamhati sa pangungulila sa
isang mahal sa buhay.

Saknong 298

“O nangag-aalay ng mabangong suob


Sa dakilang altar ni Kupidong diyos
Sa dusa ko’y kayo ang nakatatarok
Noong nangungulila sa Lauro kong irog!”

Ginamit naman ni Balagtas-Baltazar ang tayutay na panawaga o Apostrophe sa Ingles. Si


Florante ay nag-alay ng mahalimuyak na bagay sa altar ng Diyos na si Kupido para ipaubaya na
lamang sa kanya ang pagdurusa at pangugulila kay Laura.

Saknong 313

“Dito naniwala ang bata kong loob


Na sa mundo’y walang katuwaang lubos,
Sa minsang ligaya’y tali nang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.

Ang tayutay na naigamit ni Balagtas-Baltazar sa saknong na ito ay Pabaligho o sa Ingles ay


Irony.
Sa saknong na ito ay ipinapakita ang isa sa mga katotohanan ng buhay natin bilang tao.
Pinapakita dito na ang lahat ng bagay ay may limitasyon at may katapusan. Sabi rin ni Balagtas-
Baltazar na ang bawat pangyayari ay may susunod na pangyayari. Maaring ito ay nakakapag
bigay ligaya or nakakapag bigay lungkot sa isang tao o sa lahat. Ang mensahe ni Balagtas-
Baltazar sa saknong na ito na may punto talaga kung saan tayo ay nabibigo at dapat matuto
tanggapin ito.

Saknong 318

Ang tayutay na naigamit ni Balagtas-Baltazar sa saknong na ito ay Pagmamalabis o sa Ingles ay


Hyperbole.

Isang binibini ang gapos ng taglay


Na sa damdam nami’y tangkang pupugutan,
Ang puso ay lalong naipit ng lumbay
Sa gunitang baka si Laura kong buhay

Si Florante ay sinasabing naipita ng kanyang puso dahil lang sa pagkakita na maaring si Laura
ang babaeng nakagapos na siguro’y pupugutan. Siya’y talagang kinabahan dahil sa sobrang
pagmamahal niya sa kanya at kahit sino namang siguro nagmamahal at makita nasa panganib ay
gagawin lahat upang sila’y masalba.

Saknong 323

Dito nakatanggap ng lunas ng titig


Ang nagdaralitang puso sa pag-ibig,
Araw ng ligayang una kong pagdinig,
Ng ‘sintang Florante’ sa kay Laurang bibig

Ginamit dito ang tayutay na Pagsasatao o Personification sa Ingles.Sa panahong ito ay


nagtinginan na ang dalawang nag-iibigan. Ang puso’y talagang natuwa dahil ito ang unang beses
sabihin ni Laura na kasintahan niya si Florante.

III. Buod

A. Unang Pag-ibig

 Saknong 289-299

• Ipapakita ang video presentation

• Kinwento ni Florante ang mga pangyayri sa kanya sa Atenas at nang nakilala niya
si Laura at inihambing niya kay Venus dahil sa kanyang katangiang babae.
Habang ikinikwento niya ay hindi napigilang kumislap ang mata sa galit. Nang si
Florante’y papunta na sa Krotona, nailahad niya ang kanyang damdamin kay
Laura at kahit hindi nakita ang pagbalik ng pagmamahal ni Laura ay nakuntento
na siya sa mga luhang galing sa mata niya nang siya’y paalis na.

B. Pagtatagumpay sa Kalaban

 Saknong 300-313

• Ipapakita ang video presentation

• Pagakarating nina Florante sa Krotona ay napaligiran na ito ng mga kaaway na


Moro. Nakipaglaban sila hanggang madaig nila ang mga moro. Si Florante ay
nakipagaway kay Heneral Osmalik ng limang oras nang patayin niya na ito. Ang
buong Krotona ay nagbigay pugay sa kanila, lalo na kay Florante. Ang hari ay
nagalak lalo nang malaman na apo niya pala si Florante. Sila ay tumuloy sa
palasyo upang mamahinga ngunit may hinanakit pa rin sila dahil sa pagkamatay
ng ina. Sa pangyayaring ito naniwala si Florante na walang hihigit na anyo ng
kaligayahan sa mundo.
• Sa Krotona ay kung saan nakatira ang ina ni Florante.

C. Tanggulan ng Syudad

 Saknong 314-328

• Ipapakita ang video presentation

• Si Florate’y nanatili sa Krotona ng limang buwan ngunit pinuwersa niya ang


kanyang sarili bumalik sa Alabnya para kay Laura. Nang palapit na doon ay
natanaw nila ang bandilang Moro sa kanilang kaharian. Galing doon ay nakita
nila ang isang grupo ng kaaway na may kasamang babae na takip ang mukha at
nakatali. Sa kabang si Laura ang babaeng iyon bigla siyang nakipaglaban sa
grupo. Kinuwento ni Laura ang masamang kalagayan ng Albanya. Nang narinig
ni Florante na ibinilanggo ang ama at ang hari ay inutusan niya ang hukbo na
salakayin ang mga Moro. Nasagip ang hari, duke at si Konde Adolfo. Ang
kaharian ay nagdiwang ng tagumpay at ang lahat kundi si Konde Adolfo na
nagdadalamhati. Malaki ang naging inggit niya kay Florante mas lalo na nung
maramdaman niyang minamahal siya ni Laura.

IV. Mga Himagsik

Ang nakita naming himagsik sa mga aralin na ito ay ang pangatlong himagsik –
Himagsik laban sa mga maling kaugalian. Ito ang nakita naming binigyan diin ni
Balagtas-Baltazar ang pag-iingit at pag-tatanim ng galit sa tao.

Pinakita dito ang pagtanim ng galit ng mga taga-Persya sa mga taga-Albanya


dahil sa pag-atake nila ng pasurpresa. Nauugnay ito sa kasalukuyan dahil tayo –
bilang tao – ay may mga emosyon na hindi mapigilan at hindi makontrol. Minsan
hindi natin ito namamalayan, pero may panahon talaga kung saan tayo ay
nagtatanim ng galit sa isang tao. Maaring sabihin natin na hindi natin ito tinatanim
ngunit hindi talaga natin maiwasan gawing personal.

Isa pang maling kaugalian na nakita namin ay ang pag-inggit ni Adolfo kay
Florante dahil nakita ni Adolfo na minamahal ni Laura si Florante. Maiuugnay
natin ito sa mga “love life” ng mga kabataan ngayon. Lahat ng mga kabataan na
nagkarelasyon na ay naramdaman na ito, hindi ba? Nakikita rin natin ito sa mga
teleseryeng napapanood natin gabi-gabi… katulad ng Agua Bendita, Magkaribal,
Rubi at marami pang iba. Sinasabi lang ng himagsik na ito ay dapat matuto tayo
kontrolin ang mga emosyon natin dahil ang mga emosyon na ito ay maari tayong
dalhin sa maling daan at sa dulo ay ating pagsisisihan.

You might also like