Professional Documents
Culture Documents
Ines
Lungsod ng Legaspi
PANALANGING PANG-UMAGA
IV-ST. AMBROSE
AGOSTO 9, 2010
Panimula:(Kristine Boone)
Benedicite!
Isang masaya at masaganang pagbati sa inyong lahat.
(Tanda ng Cruz)
Panginoong Diyos, maraming salamat sa araw na ito na muli mong ipinagkaloob sa amin.
Patnubayan mo kami na maging katulad ni St. Ambrose, palakasin mo ang aming
pananampalataya at LAKAS NG LOOB sa pagharap ng mga hamon at pagsubok na maaaring
dumating sa aming buhay. Bigyan mo kami ng KARUNUNGAN para tulungan kami sa aming
tamang pagpipili at pagdedesisyon sa landas na aming tatahakin. MALALALIM NA
ESPIRITWALIDAD para tulungan kaming lubos na maunawaan ang tunay na kahulugan at
saysay ng buhay sa pamamagitan nito ay matutunan naming na mahalin ang iyong mga salita.
Gawaran mo kami ng iyong grasya na mapanatili ang aming PANALANGIN, na alam naming
na ikaw ay nakikinig at laging nandito sa amin handing ibigay ang aming hinihiling saiyo. Ito’y
hinihingi naming sa iyong anak na si Kristo at Intersisyon ni Virgen Maria. Amen
Ang Panalangin sa paraan para makipag-ugnayan sa Diyos. Ito ang oras kung
saan ang lahat ng ating mga alalahanin ay itinataas natin sa kanya at ang pananabik na
makausap ang sa Diyos at ito rin ang oras na alam natin na mayroong makikinig sapagkat
siya ay naririto lamang. Ang pagdarasal ay gumagawa ng himala kung mayroon tayo
pananalig. Sa kabila ng kahirapan na naranasan ni St. Ambrose bilang Obispo kanyang
ilinaan kanyang buhay sa pagdarasal at pagbabasa ng banal na kasulatan na nagpalakas
ng kanyang sarili. Tulad ni St. Ambrose, dapat rin nating matutunan na humingi ng
tulong sa Diyos sa panahon na tayo ay nalilito at nawawalan ng pag-asa. Ang Diyos ay
hindi tayo pababayaan sapagkat alam niya kung ano ang nararapat sa atin.
Panalanging Bayan
Ihandog natin sa Diyos ang lahat ng ating kahilingan, sapagkat alam natin na siya
ay ang Diyos na handang makinig sa ating mga panalangin, sa bawat kahilingan, ang ating tugon
ay “PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN”
Pampinid na Panalangin