You are on page 1of 4

Florante at Laura notes

KABANATA 1 – KAY CELIA: MUNTING ALAY

Saknong 2 Huwag sana makalimutan ni Celia ang


pagmamahalan nila ni Francisco
Saknong 4 Mamamahalin ni Francisco si Celia hanggan
kamatayan
Saknong 7 Ilog Beata – Tagpuan nilang dalawa
Saknong 12 “Tatlong araw na di nagtatanaw tama” – Di sila
nagkikita (Laging sinasabi ni Celia)
Saknong 22 Tinawag ni Francisco ang Birheng Maria

KABANATA 2 – SA BABASA NITO: MGA PAALALA

Saknong 1 - Pakikinabangan natin ang Florante at Laura


- Meron tayo matututunan mula dito
Saknong 2 - Inihambing sa isang hilaw na prutas
- UNANG PAALALA: Basahin ng mabuti ang
aklat
Saknong 3 - Okay lang kay Balagtas kung mahalin or
ayawan mo ang Florante at Laura
- IKALAWANG PAALALA: Huwag baguhin ang
berso
Saknong 4 IKATLONG PAALALA: Suriing mabuti ang Florante
at Laura
Saknong 5 IKAAPAT NG PAALALA: Basahin ang susunod na
saknong kung may hindi maunawaan
Saknong 6 - Huwag gayahin si Sigesmundo
- Pantas -> Dalubhasa or marunong

KABANATA 3 – SA GUBAT NA MAPANGLAW

Saknong 1 - Malungkot ang gubat

- Maraming baging

Saknong 2 Nakakatakot ang gubat

Saknong 4 Kulay itim ang mga bulaklak

Saknong 6 Pinapatay ng mga hayop ang sino mang may


buhay

Saknong 7 Nakakalason ang tubig sa Ilog Kosito

Saknong 8 Ang taong nakatali sa puno ay mukhang kinawawa


ng isang masamang tao

KANABATA 4 – SA LOOB AT LABAS NG REYNONG ALBANYA

Saknong 13 Ang Albanya ay sinakop ng masamang tao

Saknong 14 - Naging hari ang taksil

- Nawawala ang kabutihan

Saknong 15 Kinakalimutan ang kabutihan

Saknong 16 Pinupuri at pinapaganda ang kasamaan

Saknong 17 - Pinagmamalaki ang kasamaan

- Ikinakahiya ang kabutihan

Saknong 18 - Agad pinapatay ang mabubuti

Saknong 19 - Paghahangad sa kapangyarihan at kapurihan


Saknong 20 Haring Linceo – kapangyarihan

Duke Briseo – Kayamanan

KABANATA 5 – O, MAAWAING LANGIT

Hiling ni Florante

- Parusahan ang mga masasama sa Albanya

- Maalala siya ni Lauri

KABANATA 7 – ANG PAGMAMALASAKIT NI LAURA

Saknong 42 Iniiyakan siya ni Laura

Saknong 43 Binuburda ang panyo ni Florante

Saknong 45 Basang basa ng luha ang bandana

Saknong 46 Lilinisin ni Laura ang baluti’t koleto

Saknong 47 Pinapakintab niya ang baluti’t koleto

Saknong 48 - Pinapaganda niya ang turbante ni Florante sa


pamamagitan ng paglagay ng perlas, topasyo
at rubi

- Nilalagyan niya ng letrang L

Saknong 50 Hinuhugasan niya ng luha ang mga sugat ni


Florante

Saknong 51 Hinahalikan ni Laura si Florante pag ayaw sabihin


ni Florante ang kanyang problema

Saknong 52 Dadalhin niya sa hardin si Florante kapag


malungkot pa rin siya

Saknong 53 Gagawa siya ng kwintas na puro bulaklak

Saknong 54 Kapag malungkot pa rin talaga si Florante, iiyak na


lang din si Laura

Characters

• Florante – Duke of Albania and the main protagonist of the novel.


• Laura – Daughter of King Linceo of Albania. She is the love interest of Florante and is later married to
him.
• Count Adolfo – Rival of Florante and the antagonist of the novel. His jealousy and envy on Florante
sparked his rebellion against the king. He was also responsible for the imprisonment of Florante. He was
killed by Flerida as he attempted to rape Laura in his escape against the forces loyal to the king.
• Aladdin/Aladin – Son of Sultan Ali-Adab of Persia. He saved Florante from being eaten by lions in the
forest. Later, he got married to his love, Flerida.
• Flerida – Aladin’s fiance. She asked Sultan Ali-Adab to spare Aladdin’s life on the condition that she
will be Ali-Adab’s wife. She later escaped and killed Count Adolfo as he attempted to rape Laura.
• Duke Briseo – Father of Florante and a nobleman of Albania. He was killed, along with King Linseo,
by Count Adolfo during his usurpation of power.
• Princess Floresca – Mother of Florante and the Princess of Crotone. She died while Florante was
studying in Athens.
• King Linceo – King of Albania and the father of Laura. He was killed by Count Adolfo during his
usurpation of power.
• Sultan Ali-Adab – Sultan of Persia and the father of Aladdin. He sentenced his son to be executed
because of his cowardice in the battlefield. In exchange for Aladdin’s life, Flerida promised her
marriage to the Sultan. After her escape, the Sultan committed suicide.
• Count Sileno – Father of Adolfo.
• Menalipo – Cousin of Florante. He saved Florante from vultures when they were younger.
• Menandro – Friend and confidant of Florante. They first met in Athens and Menandro saved Florante
from Adolfo’s attempt at murdering him. He and Florante both shared military expedition. He also led
the overthrow of Count Adolfo and restored peace in Albania.
• Antenor – Professor of Florante, Menandro, and Adolfo in Athens
• General Osmalik – A general of Persia. He was killed by Florante during a military expedition.
• General Miramolin – General of the Ottoman Empire. He was responsible for the invasion of Albania
in order to bring the kingdom into Islamic control.
• Emir – One of the commanding officer who sacked Albania together with Aladdin during the ongoing
campaign of Florante and Menandro in Crotone. He nearly slay Laura for it’s refusal to love him but
was defeated.

Sa umpisa ng Florante at Laura, matatagpuan natin si Florante (anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa Floresca)
na nakagapos sa puno ng higuera (Fig Tree) sa kagubatan sa labas ng Albanya. Napapaligiran siya ng dalawang
leon, na handa nang dambahan si Florante.

Sa kabutihang palad, naglalakad din sa kagubatan si Aladin, isang Morong taga-Persya. Anak siya ni Sultan
Ali-Adab. Nilisan niya ang kanyang sariling bayan, sapagkat inagaw sa kanya ng sariling ama si Flerida, ang
kasintahan ni Aladin.

Narinig ni Aladin sa mga sigaw ni Florante ang mga kuwento ng mga kasamaang ginawa sa Albanya, ang
pagpatay sa hari at ng mga ka-alyado nito, at ang di umano’y pagtataksil ni Laura (kasintahan ni Florante).
Natagpuan ni Aladin si Florante, at pinatay niya ang mga leon bago pa nila nasaktan si Florante.

Tinulungan niya si Florante sa pagkagapos nito, ang magdamag niyang binantayan.

Ikinuwento ni Florante na pinadala siya sa Atenas nuong siya’y 11 taong gulang upang mag-aral. Duon niya
nakilala ang kanyang kababayang si Adolfo, na siyang anak ni Conde Sileno. Si Adolfo ay hinahangaan ng
kanyang mga guro, pati na rin ng sampu niyang kamag-aral, sapagkat si Adolfo ay mabait at napakatalino.

Subalit pagkaraan ng anim na taon, nahigitan ni Florante si Adolfo at duon lumabas ang tunay na kulay nito. Sa
isang dula-dulaan, tinangka ni Adolfo na totohanang tagain si Florante. Mabuti na lang at niligtas si Florante ni
Menandro, ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan, pinauwi si Adolfo sa Albanya.

Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon, nang makatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama. Ang
balita ay pumanaw na raw ang ina ni Florante. Pagkaraan ng dalawa pang buwan, nakatanggap muli ng liham si
Florante — pinapauwi na siya sa Albanya.

Nung pauwi na si Florante, humingi ng saklolo sa kanya ang hari ng Krotona, sapagkat ang kaharian nila ay
sinasalakay ng hukbong Persiya, sa pamumuno ni Heneral Osmalik. Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay
Haring Linceo, at si Florante ay ginawang kumander ng hukbong Krotona.

Sa palasyo, nakilala ni Florante si Laura, ang napakagandang anak ni Haring Linceo. Bago siya sumali sa
digmaan, ipinahayag ni Florante kay Laura ang kanyang saloobin.

Nagapi ni Florante si Heneral Osmalik sa loob ng limang oras. Nanatili naman si Florante sa Krotona ng limang
buwan pa.

Dahil sa nais na niyang makapiling si Laura muli, bumalik si Florante sa Albanya. Nagtaka siyan nang
madatnan niyang nagwawagayway ang bandilang Moro sa kanyang kaharian. Laking gulat na lang niya nang
makita niyang pupugutan na ng ulo ang isang babae.

Kinalaban ni Florante ang hukbong Persya (sa pamumuno ni Aladin), at pinalaya niya ang kanyang bayan, pati
na rin sina Haring Linceo, Duke Briseo, at Adolfo (na nakapiit nuon sa kulungan).
Sinalakay naman ni Miramolin ang Albanya, ngunit nabigo sila kay Florante. Pagkatapos ng labanan, 17 na hari
ang sumuko kay Florante.

Siguro napagod si Florante, kaya nagbakasyon muna siya sa Etolia.

Isang araw, nakatanggap muli siya ng sulat mula sa hari — pinapabalik siya muli sa Albanya.

Pagbalik ni Florante sa kanyang kaharian, hinuli siya ng hukbong Albanya (30,000 ang bilang ng mga sundalo).
Malamang kinakabahan sila gawa ng military record ni Florante, kung kaya’t medyo “overkill” ang paghuli sa
kanya.

Ipiniit si Florante sa kulungan (utos ni Adolfo, na siyang pasimuno ng kudeta, at siya ring pumatay kay Haring
Linceo at Duke Briseo habang malayo si Florante).

Pagkaraan ng 18 na araw, pinagapos si Florante sa puno duon sa gubat upang kainin siya ng mga mababangis na
hayop. Masuwerte siya at kahit dalawang araw nang nakalilipas, hindi pa siya kinakain ng mga hayop. At higit
na mapalad siya nang dumating si Aladin, sapagkat nagugutom pala ang leon kapag dalawang araw na silang
hindi kumakain.

Habang nagkwekwentuhan si Florante at Aladin, nakarinig sila ng dalawang babaeng nag-uusap.

Unang Babae: “Nung narinig ko na pupugutan ang aking kasintahan, pumayag ako na magpakasal sa Sultan
basta’t hindi na matutuloy ang parusang kamatayan. Buti na lang ang pinalaya ang mahal ko. Nung gabing iyon,
nagsuot sundalo ako at tumakas ako. Ilang taon na rin akong pagala-gala bago kita natagpuan dito sa gubat.”

Ikinuwento naman ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang wala si Florante: Inagaw ni Adolfo ang trono,
pinugutan ng ulo ang hari at ang mga ka-alyado nito. Sinabi rin ni Laura na sinubukan niyang padalhan ng
liham si Florante para malaman niya ang mga kaganapan sa Albanya.

Sinabi rin niya na naghayag ng pag-ibig si Adolfo, at humingi si Laura ng 5 buwan upang pag-isipan ito. Dahil
sa hindi makuha ni Adolfo ang puso ni Laura, pinagtangkaan na lang niyang gahasain ito… sa gubat. Makalipas
ang dalawang araw lamang mula nung ipinagapos si Florante sa puno. Mga 20 araw lamang matapos na mahuli
si Florante.

Hindi niya binigyan si Laura ng 5 buwan. Ni panugit na isang buwan.

Mabuti na lang at naglakad si Flerida sa gubat. Nakita niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito,
ay pinana niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo haggang ito’y
namatay.

Nagkita-kita ang apat na magkasintahan.

Natagpuan silang apat ni Menandro at ng hukbong naghahanap kay Adolfo. Laking tuwa na lamang nina
Menandro nang matagpuan nilang buhay pa sina Florante at Laura.

Hindi nagtagal, nagpakasal si Florante at Laura, at sila’y naging hari at reyna ng Albanya. Nagpabinyag naman
sina Aladin at Flerida, nagpakasal din, at bumalik sa Persya upang mamuno sa kanilang kaharian.

At iyan ang buod ng Florante at Laura.

You might also like