You are on page 1of 1

Mga Salik Kung Bakit Napunta Ang Kanluraning Kastila Sa Ating Lupain.

1. Krusada (1096-1272) upang bawiin ang Herusalim sa mga Saracens o mga


Muslim.
2. Ang paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa mga bansang Europa.
3. Ang impormasyon lumagana sa paglalakbay ni Marco Polo sa Tsina. Napag-
alaman na ang Tsina ay napakayaman at ang kultura nito napakaganda.
4. Ang dating daanan ng Europa (Mediterranean at Byzantine Empire) ay
mapanganib, magastos at matagalan ang paglalakbay (New Rout going east).

Paglalakbay ni Magellan.

Nagsimula ang ekspidesyon ni Ferdinand Magellan noong setyembre 20, 1519. Lulan ng
limang barko ang kanyang 237 na tauhan Trinidad, Antonio, Concepcion, Santiago at
Victoria sa paglalayag sa puerto ng san Juan ay nawasak ang barkong Santiago dahil sa
malakas na bagyo nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang matuklasan nila ang isang
kipot sa pagitan ng Atlantic at Pacific noong Oktubre 21, 1520 . Ang kipot na ito ay
naghihiwalay sa latin Amerika at Tierra del Fuego ito ay tinatawag na straits of all saints
at di kalaunan ipinangalan ito kay Magellan kaya tinawag itong straits of Magellan di
kalaunan nakaranas ng sakit at gutom sa gitna ng gutom nagpatuloy silang naglakbay
noong Marso 6, 1521 narating nila ang Guam at mga karatig pulo nito at tinawag nila
itong Islas vela’s de Latinas o islands of the lateen sail mula sa Marianas islands
nagpatuloy sila sa paglalakbay natanaw nila ang pulo ng Samar noong Marso 16, 1521.

Labanan sa Mactan.

Ang Labanan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong Abril 27, 1521. Natalo ng
hukbo ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan ang mga Espanyol na sundalo sa
pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorer na si Fernando de Magallanes. Napatay
ng mga tribung sundalo si Magallenes, na nagkaroon ng salitang pulitikal at pagkakaribal
kasama si Lapu-Lapu.

You might also like