You are on page 1of 32

Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng

Imperyo

Ayon sa mga historyador, ang Asya ang


sentro ng kaganapan sa daigdig hanggang
sa ika-16 na siglo. Ito rin ang pananaw ng
maraming Asyano. Sila ang nagtatag ng
mga unang kabihasnan at pinakamalaki at
pinakamatatag na imperyo sa panahong
ito.
Sa araling ito, tatalakayin ang mga
kaisipang Asyano na naging batayan o
pundasyon ng pagkabuo ng mga
sinaunang kabihasnan at imperyo sa
mundo.
ANG CHINA BILANG GITNANG
KAHARIAN
Zhongguo - nangangahulugang
middle kingdom o gitnang
kaharian. Tawag sa kanilang
imperyo.
> Ang pundasyon ng pagkabuo ng mga
sinaunang kabihasnan ay ang mga
Asyanong kaisipan na uminog sa
relihiyon at uri ng pamumuno.
> Para sa mga Tsino, ang kanilang
imperyo ay Zhongguo o Gitnang
Kaharian na nangangahulugang sila ang
sentro ng daigdig.
> Ang emperador ng mga Tsino ay
Anak ng Langit ( Son of Heaven ) na
namumuno dahil sa Kapahintulutan o
Basbas ng Langit ( Mandate of
Heaven )
Kowtow- pagpugay sa kanilang
emperador sa pamamagitan ng
pagyuko sa emperador nang
tatlong beses kung saan ang noo
ay humahalik sa semento.
ANG BANAL NA PINAGMULAN NG
EMPERADOR NG JAPAN AT KOREA
Izanagi- kanilang diyos
izanami- kanilang diyosa
amaterasu o-mi-kami – diyosa ng
araw
ninigi-no-mikoto- apo ni amaterasu
> Para sa mga Hapones, banal o
sagrado ang kanilang emperador dahil
nagmula ito kay Amaterasu, ang diyosa
ng araw.
> Naniniwala rin ang mga Korean na
banal ang pinagmulan ng kanilang
emperador.
Prinsipe Hwanung- nagmula ang
kanilang pinuno.
Hwanin- diyos ng kalangitan ina ni
hwanung.
Si hwanung ay nakapag asawa ng
isang oso na naging magandang
dilag.
Danjun Wanggeom o Tangun
kanilang anak.
> Ang mga hari ng mga imperyo sa
Timog Silangang Asya ay nangunguna
sa mga ritwal at pag-aalay sa mga
diyos. Sa kanilang pagkamatay, sila
naman ay nagiging diyos.
> Bundok o mga mataas na
monumentong arkitektural ang
kinikilalang tahanan ng mga diyos sa
Timog Silangan at Timog Asya.
Mount popa - Myanmar
Ba Phnom - Cambodia
Mount Banahaw - Pilipinas
Borobudur – pinakadakilang
monumentong Buddhist na
itinatayo sa Central Java, Indonesia
> Ang mga hari o pinuno sa Timog
Silangang Asya ay pinaniniwalaang mga
men of prowess o mga lalaking may
kakaibang angking talino, tapang, o
kagalingan.
> Sa India, ang mga hari ay kinikilala
bilang deveraja o “haring diyos”
(impluwensyang Hinduism) at
cakravartin (impluwensyang
Buddhism) o “hari ng buong daigdig”
> Sa mga muslim ang kanilang caliph at
sultan ay “ Anino ni Allah sa Kalupaan”
at namumuno dahil sa atas ni Allah.
> Ang mga caliph at sultan ang siyang
pinunong pulitikal at panrelihiyon sa
Kanlurang Asya. May katungkulan sila
na protektahan ang nasasakupan at
palaganapin ang Islam.

You might also like