Professional Documents
Culture Documents
Ang Bibliya o Banal na Kasulatan ay koleksyon ng ibat-ibang mga librong nasusulat noong
unang panahon. Nagsimula ito sa salitang BIBLIYA na ang ibig sabihin ay libro. Ito ay nahati sa
tatlong bahagi: ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan at Apocrypha. Ang salitang Tipan ay
nagsimula sa salitang Latin na Testamentum, na nangangahulugang kalooban at kasunduan.
Lumang Tipan
Sa mga Hebreo ang Lumang Tiopan ay nahati sa tatlong bahagi: Ang Batas,Mga Propeta at
Kasulatan. Ang mga naunang libro ng Lumang Tipan ay tinatawag na Penteuch. Ang mga librong
ito ay nagsasaad ng pananampalataya sa Diyos, ang mga kautusan, paglikha sa buong sanlibutan at
buhay ni Abraham. Si Abraham kasama ang kanyang pamilya ay naglakbay patungo sa Canaan.
Doon ginawa siyang alipin at nakatakas sa pangunguna ni Moises-EXODUS. Sila ay napadpad sa
Sinai Peninsula sa gitna ng Mediterranian Sea at Red Sea. Ang mga kwento sa librong ito ay
nagpapahiwatig ng mga kabanalan tulad ng paglikha sa sanlibutan, pagbaha, ang templo ng Babel,
ang Exodus, ang pagbibigay ng mga batas at kautusan at ang pagbagsak ng mga tao. Ito rin ang
nagtataglay ng mga dakilang tula, ang kanta ni Lameh, ang pagbabasbas sa mga Patriarko, ang
awit ni Moses at ang bendisyon ni Moises. Nagtataglay din ito ng mga piling tao tulad ni Noah,
Abraham, Lot at Jacob. Ipinaliliwanag din dito ang tungkol sa mga lupain at ang Gawain noong
una, ang usok at apoy sa bundok Sinai, ang nangyari sa Canaan, ang arko at iba pa. Ang pagiging
matapat ng tao ng tao ang nagdala sa kanila sa Lupang Pangako.
Bagong Tipan
Ito ang nagsasaad ng bagong relasyon ng tao sa Diyos. Ito ay nasusulat sa panahon noong
nagibabaw ang Imperyong Romano hanggang sa huling panunungkulan ni Haring Herod (37 B.C.)
ang mga tagasunod ni Kristo ay tinatawag na Apostoles . Si Jesus ay isang Hudyo na na
naninirahan sa Galilea sa hilagang bahagi ng Pales tin. Ang Ilog ng Galilea ang tinutukoy na ilog
kung saan napatigil ni Jesus ang isang bagyo. Napaloob din dito ang Sampung Utos ng Diyos na
ibinigay kay Moises sa bundok ng Sinai. Para naman sa mga Kristiyano ang bibliya ay buhay na
salita ng Diyos . Ang Lumang Tipan ay may 45 o 46 na libro samntalang ang Bagong Tipan ay
mayroon lamang 27 libro.
Sa Bagong Tipan ay may apat na ebanghelista sina: Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Ang
ebanghelyo kay san Marcos ang naunang isulat. Ito ay isinulat sa Roma. Ang sumunod naming
naisulat ay kay San Mateo na isinulat sa Antioch noong 90 B.C. ang ebanghelyo naman ayon kay
San Lucas ay naisulat sa Gresya noong 80 B.C. para sa kabutihan ng pinakamataas na sa
Theophilus na maaaring mataas na opisyal sa Roma. Ang ebanghelyo ni San Juan ang nagsasaad
ng muling pagkabuhay ni Kristo ang sumunod na grupo ay tinatawag na mga propeta, dahil ito ay
nagtataglay ng mga libro ng mga Hudyo sa pakikipag-ugnayan nila sa Diyos. Sina Jerimiah ay
isinilang noong panahon ng pagkasira ng Jerusalem. Si Isaiah ang nakasaksi sa naging pag-aaway
nina Judah at Assyriah. Si Ezekiel ang tinaguriang tagapagplano ng relihiyong Judaismo dahil sa
siya ang nagbigay ng plano sa mga Istraelitas. Ang pangunahing dibisyon ng Lumang Tipan ay
ang Miscellaneous. Dito matatagpuan ang mga salmo, koleksyon at ang mga himno, Ang mga
tulang gawa ni David, Proveros nanagbibigay ng mga magagandang payo sa pang-araw-araw na
buhay . Job kung saan matatagpuan ang kahulugan ng paghihirapng mga tao, Song of Selemon,
Ruth –tunay na pagmamahal, Lamentataions- kabiguan ng tao, Ecclesiastes-libro ng kaalaman,
Esther nagsasaad ng kasaganaan, Daniel- librong naglalaman ng mga kwentong mga bayani,
Chronicles1 and 2, Esrah at Nehomah na nagssalaysay ng kasaysayan ng Israel.
Apocrypha
Nasulat sa pagitan ng 300 at 100 B.C. Sa mga Perotestante at Hudyo ito ay inirerespeto
ngunit hindi masyadong pinahahalagahan. Ito ay nagsimula sa unang libro ni Esdras at ang
pinakamahalagang bagay na nasulat dito ay ang tungkol sa 3 Guardsmen, na nagpapaliwanag na
ang katotohanan ang pinakamatibay na pananggalang sa mundo.
Iliad(Iliada)
"Ang pagkamuhi ni Achilles ang aking paksa," ang sinasabing pambungad ng makatang si
Homer para sa kaniyang Iliada. May nakatanim na galit kay Agamemnon ang pangunahing
bayaning si Achilles, sapagkat inagaw ni Agamemnon ang gantimpalang napanalunan ni Achilles,
ang babaeng si Briseis. Bagaman napahiya si Achilles, hindi ito nakipaglaban kay Agamemnon, sa
halip sinarili niya ang pagmamaktol at pagdibdib sa kasawian sa loob ng kaniyang talabing okubol.
Sinasabing naging mas naging mainam ang pagkatao ni Achilles dahil sa kaniyang paghihirap na
ito.[1]
Nang nararamdaman ni Agamamenon na nagwawagi ang mga Troyano, inalayan niya ng mga
handog si Achilles at nagmakaawa upang makiisa na sa pakikipagtunggali laban sa mga Troyano.
Tumanggi si Achilles. Sa kahabaan ng aklat, matutunghayan lamang si Achilles na nagmumukmok
sa kaniyang kubol. Nang lumaon, pinahuntulot nitong makipaglaban ang kaniyang matalik na
kaibigan si Patroclus, at pinagamit pa ni Achilles ang sariling baluti. Napatay si Patroclus ng
prinsipe ng Troyang si Hector. Lalong ikinagalit, at ikinalungkot din, ni Achilles ang
pagkakapaslang kay Patroclus, kaya't napapayag din siyang makipaglaban sa mga Trohano.
Nagtagumpay si Hector at napatay din niya si Hector. Sinadyang puntahan ng hari ng Troy na si
Haring Priam si Achilles para magmakaawang ibigay ni Achilles ang katawan ni Hector. Pumayag
si Achilles sapagkat, sa pamamagitan ni Priam, naalala ni Achilles ang sarili niyang ama.
Nagwawakas ang Iliada sa pagkakaroon ng isang pansamantalang pagtigil ng labanan sa pagitan ng
mga Griyego at ng mga Trohano, upang mabigyan ng nararapat na libing ang Trohanong si Hector.
Odisea
May tatlong salaysaying patulang nakapaloob sa Odisea: ang kay Odiseo, ang kay Telemaco (anak
na lalaki ni Odiseo), at ang kay Penelope (ang asawa ni Odiseo): Ang unang nakahabing salaysay
ay hinggil sa pakikipagsapalaran ni Odiseo habang pabalik sa kaniyang kaharian sa Ithaca,
pagkalipas ng Digmaang Trojan, kabilang ang kaniyang mga naging suliranin nang nakabalik na
siya sa Ithaca. Samantala, umiinog rin ang akda sa anak ni Odiseong si Telemaco (ikalawang
salaysay); hinahanap ni Telemaco ang matagal nang nawawalang amang si Odiseo. Naglalahad din
ang epika ng nauukol kay Penelope (ang ikatlong salaysay), ang asawa at reyna ni Odiseo, na
matagal nang naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang asawang si Odiseo. Sa kabuoan,
dalawampung taon ang naging kahabaan ng paghihintay ni Penelope hanggang sa makabalik na
nga si Odiseo. Ganito ang bilang dahil sampung taong nasa digmaan si Odiseo na nadagdagan pa
ng sampung taon sa karagatan habang naglalakbay pabalik sa Ithaca. Magkakahabi ang tatlong
salaysaying ito ng buhay sa epikang Odisea.
Salaysay ukol kay Telemaco
Isang buwan pa lamang si Telemaco nang maglayag patungong Troy ang ama niyang si
Odiseo. Nagsisimula ang Odisea noong mga dalawampung taon na ang edad ni Telemaco, at
nakatira sa tahanan ng kaniyang ama, sa piling ng kaniyang inang si Penelope. Naroroon din ang
pangkat ng malaking bilang ng mga mayayabang na mga kalalakihang nanliligaw kay Penelope.
108 ang bilang ng mga manunuyong ito, na naniniwalang patay na si Odiseo, kaya't maaari nang
mapakasalan si Penelope kung mapapaibig ng isa man sa kanila.
Nagkatawang tao si Athena (o Atena), sa anyo ng isang datu o pinunong Taphianong si Mentes,
para hikayatin si Telemaco na hanapin si Odiseo. Nilisan nga ni Telemaco ang Ithaca upang
maghanap ng balita hinggil sa kaniyang amang si Odiseo. Pinangangalagaan siya ng diyosang si
Atenas, na siyang tagapananggalang din ni Odiseo. Dinalaw ni Telemaco ang isang matandang
nagngangalang Nestor, pati sina Menelaus at Helen, na mga nakabalik nang matiwasay mula sa
pakikipaglaban sa Troy. Wala siyang natanggap na balita ukol sa ama. Pinagbilinan siya ni
Atenang magbalik sa Ithaca.
Salaysay ukol kay Odiseo
Samantala, nasa isang pulo si Odiseo, sa isang pulong pag-aari ni diyosang si Calypso. Nanahan si
Odiseo sa pulong iyon ng may pito nang mga taon. Inalok ni Calypso na gagawin niyang isang
nilalang na walang-kamatayan o imortal si Odiseo, subalit mas ibig ni Odiseong magbalik sa
Ithaca. Sinugo ng diyos na si Zeus si Hermes upang pag-utusan palayain ni Calypso si Odiseo.
Gumawa ng isang bangka si Odiseo, sapagkat matagal nang nawasak ang kaniyang mga barko,
malaon na ring namatay ang kaniyang mga kasamahan. Narating ni Odiseo ang ang lupain ng
mga Phaeacian. Natagpuan siya ng prinsesang si Nausicaa. Sa palasyo ng amang hari ni Nausicaa,
nilahad ni Odiseo ang kaniyang naging mga pakikipagsapalaran. Naririto ang ilan sa mga ito:
Sa lupain ng mga Kumakain-ng-Lotus
Narating nina Odiseo at ng mga kasamahan niyang manlalakbay ang lupain ng mga tinatawag na
Kumakain-ng-Lotus. Nang matikman ng mga kasama ni Odiseo ang halamang lotus, nakalimutan
nila ang kanilang mga nakaraan, kaya't ayaw na nilang lisanin ang pook, para kumakain pa ng mas
maraming mga lotus. Hinila ni Odiseo ang kaniyang mga tauhan paalis sa lugar na iyon.
Sa lupain ng mga may-isang mata
Nakatagpo rin nina Odiseo ang mga sirena, mga kabighabighaning babaeng may
nakakabatubalaning awitin. Handang makipagpatayan ang mga tauhan ni Odiseo para lamang
makalapit sa mga sirena, kaya't pinahiran ni Odiseo ng pagkit ang mga tainga ng kaniyang mga
kasamahan. Samantala, nagpatali naman si Odiseo sa isang haligi, kaya't kahit na marinig niya ang
awit ng mga sirena, hindi siya lulundag sa tubig para marating ang mga babaeng iyon. Nakasagupa
rin nina Odiseo ang halimaw-dagat na si Scylla, na kahawig ng isang pugita. Nahuli ni Scylla ang
anim sa mga tauhan ni Odiseo. Kinailangan ding matakasan nina Odiseo ang isang uli-uli,
isang ipu-ipong-tubig o tubig na umaalimpuyo, na may pangalang Charybdis; nakaraan naman
sila't nakalagpas sa buhawing-tubig na ito.
Sa Pulo ng Araw at ang mga Phaeaciano
Narating nina Odiseo ang Pulo ng Araw. Nang lisanin niya ang pook na iyon, may isang unos
sumira sa kaniyang nag-iisa nang barko, at namatay ang mga natitira niyang mga tauhan. Isang
kaparusahan kay Odiseo at sa kaniyang mga kasama, sapagkat pumaslang sila ng ilang mga banal
na baka. Naging mainam naman ang pagtanggap kay Odiseo ng mga mamamayan ng Phaeacia
nang marating niya ang lupain ng mga ito. Tinulungan si Odiseo ng mga Phaeaciano para
makabalik na sa Ithaca, sa pamamagitan ng pagpapagamit ng isa sa kanilang mga barko. Sa
lumaon, naging bato ang barko, bilang isang paghihiganti ni Poseidon kay Odiseo. Nakaligtas
naman si Odiseo.
Pagbabalik ni Odiseo sa Ithaca
Sa pagdaong ni Odiseo sa Ithaca, tinulunga siya ng diyosang Atena upang makapagpanggap bilang
isang pulubi. Narating ni Odiseo angdampa ng nag-aalaga ng baboy na si Eumaeus, ang isa sa mga
nalalabing kakampi ni Odiseo. Dito rin sa pamamahay ng magbababoy nakasalamuha ni Odiseo
ang anak na lalaking si Telemaco. Magkatulong nilang pinaghandaan ang pagpaslang sa mga
manliligaw ni Penelope. Sa paglitaw ni Odiseo sa kaniyang sariling tahanan, tanging ang
kaniyang asong si Argus at ang isang taong nagngangalangEurycleia ang nakamukha kay Odiseo.
Sa katuwaan sa pagkakakilala kay Odiseo, bumagsak nang walang buhay ang asong si Argus, dahil
ito sa labis na katuwaan nang makita ang among si Odiseo. Nakilala naman ni Eurycleia si Odiseo
nang hugasan nito ang kaniyang paa, nagpapanggap pa noon si Odiseo bilang isang pulubi.
Natiyak ni Eurycleia, dating tagapag-alaga ng sanggol pang si Odiseo, ang katauhan ni Odiseo sa
pamamagitan ng balat sa paa nang binubuhasan nito ng tubig ang paa ni Odiseong nagkukuwaring
pulubi.
Awit ni Rolando
Ang hukbo ni Charlemagne ay nakikipaglaban sa mga Muslim sa Espanya. Ang huling
siyudad na hindi pa natatalo ay ang Saragossa na pinamumunuan ni Marsilla. Dahil sa takot ni
Marsilla sa pagsalakay ng hukbo,nagpadala siya ng mensahe kay Charlemagne na bibigyan sila ng
kayamanan at magpapabinyag ito bilang Kristyano kung babalik ang mga Franks sa Pransya. Si
Charlemagne,kasama ng kanyang mga tauhan, ay napapagod na rin sa pakikidigma kaya’t
pumayag na din ang mga ito. Kinakailangan na nilang magpadala ng mensahero kay Marsilla. Ang
matapang na mandirigmang si Roland ay iminungkahi ang kanyang tiyuhin na si Ganelon.Si
Ganelon ay galit na galit.Takot siyang mamatay sa mga kamay ng mga uhaw sa dugong pagano at
sinususpetsa nito na ito ay sadyang layunin ni Rolando.Matagal na niyang kinapopootan at
kinaiinggitan ang kanyang lalaking anak na panguman. Pagsakay pabalik sa Saragossa,kasama ang
mga sugong Sarasen, siya ay nakahanap ng isang pagkakataon para sa paghihiganti. . Siya ay
nagmungkahi sa mga Saracens kung paano nila maaaring salakayin ang huling hukbo ni
Charlemagne na kung saan ay tiyak na si Rolando ang mamumuno sa pagbabalik ng mga Franks sa
Espanya sa pamamagitan ng bundok.
Gaya ng prediksyon ni Rolando,nagtraydor nga si Ganelon kaya’t nagpresinta itong
pamunuan ang hukbo. Napili niya sina Olivier at Turpin upang sumama sa kanya.Sinalakay sila ng
mga pagano sa Roncevals. Ang mga Kristyano ay nagulat sa dami nila.Inutusan ni Olivier si
Rolando na hipan ang sungay ng elepante upang makahingi ng tulong.Ngunit hindi ito sumunod at
sinabing hindi nila kailangan ng tulong..Ngunit unti-unting natalo sina Rolando at sila ay
nangamatay.
Nang dumating si Charlemagne at ang kanyang hukbo sa labanan,tanging mga bangkay na
lamang ang kanilang nadatnan.Dumating si Balignant,pinuno ng Babylonia, sa Espanya upang
tulungan si Marsilla. Kasama niya ang maraming Muslim at sinalakay nila ang hukbo ni
Charlemagne.Nang mapatay ni Charlemagne si Balignant,nagsitakas ang kanyang mga tauhan. At
ngayon,ang Saragossa ay wala ng tagapagtanggol at ito ay sa mga Franks na.
Nadiskubre ng mga Franks ang ginawang pagtatraydor ni Ganelon hanggang dumating ang
araw ng paglilitis.Sinabi niya na hindi siya naging matapat sa kanyang bansa kung iyon ay
paghihiganti. Sa huli,naparusahan siya ng kamatayan.
Koran
Ang Koran ay ang banal na aklat ng relihiyong Islam. Naniniwala ang mga Muslim na
ito ang aklat ng patnubay at direksyon ng sangkatauhan,at isinaalang-alang ang orihinalna tekstong
Arabic,na salita ni Allah,diyos ng mga Muslim na ipinakita kay Muhammad sa panahon ng
dalawampu’t tatlong taon at pinaniniwalaang ito ang huling rebelasyon sa sangkatauhan.
Sinasabing si Muhammad ang nagbunyag ng Koran sa pamamagitan ni Jibril. Ang Koran
ay isinulat ng mga kasamahan ni Muhammad noong siya ay nabubuhay.Noong 633
A.D.,pinagsama-sama ang mga ito at noong 653 A.D. ay ikinalat na ito sa Emperyong Islam at
nagkaroon pa ng marami nito.Ang kasalukuyang Koran ngayon ay ang rebelasyon ng Diyos kay
Muhammad ng mga iskolar.
Ang Koran ay naglalaman ng isandaan at labing apat na artikulo na iba-iba ang haba.
Ang bawat isang kabanata ay tinatawag na sura.Ito ay hinahati pa sa dalawang kategorya na
Meccan at Medinan,depende kung anong mga berso ang maipakita. Ang pamagat ng mga kabanata
ay hinango sa mga pangalang tinukoy sa teksto o sa unang letra o salita ng sura.Naniniwala ang
mga Muslim na si Muhammad ang nagbigay ng pamagat sa bawat kabanata.Ang mahahabang
kabanata ang nauuna samantalang ang maiikli ang nasa huli.Ang pagkakaayos ng mga ito ay
walang kinalaman sa pagkakasunod-sunod ng mga rebelasyon.
Ang mga sura ay naglalaman ng mga ayat na ang ibig sabihin ay senyales na ipinadala ng
Diyos.Iba’t-iba ang dami ng ayat ang makikita sa bawat sura.Ang isang ayat ay maaaring konting
letra lamang o kaya linya.Iba ang ayat o berso sa mga matataas na uri ng tula ng mga Arabo sa
nilalaman at sa mga pagkakatugma.
Meron ding paghahati sa tatlumpung parte na tinatawag na ajza. Ang bawat isa any
naglalaman ng dalawang yunit na tinatawag na ahzab na nahahati pa rin sa apat na bahagi(rub’al-
ahzab).Nahahati rin ito sa pitong istasyon(manazil).
Ang Koran ay walng simula,gitna at katapusan.Ang instraktura nito ay hindi pantay-
pantay.Ang mga nakasulat ditto ay hindi tapos,walang pinakatema at pag-uulit.Labing apat na
letrang Arabic ang bumubuo sa labing apat na magkakaibang grupo ng Qur’anic Initials” at
panlaping dalawampu’t siyam na surah sa Koran. Ang ibig sabihin ng mga ito ay hindi alam ng
mga Muslim. Noong 1974,Si Rashad Khalifa ay nagsasabing nakadiskubre siya ng koda ng
matematika base sa numerong 19,na hindi naman napapaloob sa sura ng Koran.
Ang mga Muslim ay naniniwalang ang Koran ay gabay nila sa pamumuhay at
kinokonsidera nila ang mga nakasulat ditto ay siyang sinabi ng Diyos sa kanila.Ang konsepto ng
mga Kristyano sa rebelasyon ay ito’y nangangahulugan na ang Diyos ay naging tao at namuhay sa
mundo pero ito ay kakaiba sa Islam.Sa Islam,ang kanilang konsepto ay ang Diyos ay tumatawag ng
indibidwal na siyang maglalahad ng kanyang mga mensahe.Ang tawag sa prosesong ito ay tanzil o
nuzul.
Narinig ni Eliza na ang kaniyang anak ay naipagbili napagdesisyunan ng kumuha sa kanya dalhin
siya sa Canada nang gabing iyon. Mas maaga sa araw na iyon, ang kanyang asawang si George
Harris ay ipinaalam sa ang kanyang plano na tatakas siya sa kanyang amo at magkikita sila sa
Canada.
Nang malapit ng mamatay si Eva,ipinatawag niya ang lahat ng kanyang mga alipin upang
pangaralan ng mga salita ng Diyos.Binigyan niya ang mga ito ng hibla ng kanyang kulot na buhok
upang maalala nila si Eva. Namatay si Eva sa sakit na tuberculosis.
Samantala, Si Eliza at ang kanyang asawang si George ay nagtagpo sa isang kampo Kweiker. Mula
doon,matagumpay silang nakatakas papuntang Canada.
Nabili si Tom ni Simon Legree, isang masama at marahas na tao na pinagtatrabaho ang kanyang
mga alipin hanggang sila ay mamatay,pagkataposn ay bumibili ng bagong alipin.Sa kabila ng ugali
ni Legree,nanatiling matapat sa kanya si Tom.Pilit binabago ni Legree ang ugali niTom upang
gamitin siya bilang isang tagapamahala sa mga plantasyon, ngunit si Tom ay tumangging baguhin
ang kanyang ugali kahit gaano kahirap o kung gaano kadalas siya pinapahirapan.
Hinikayat ni Tom ang dalawang babaeng alipin na tumakas .Sa kanilang pagtakas,pinarusahan ni
Legree si Tom hanggang siya ay mamatay.Pagkalipas ng ilang araw,dumating ang anak ng dating
amo ni Tom.Pumunta doon si George Shelby upang tubusin ang kalayaan ni Tom.Ngunit huli na
siya.Inilibing na lamang niya si Tom.
Isinalaysay ni George Shelby na si George Harris at ang kanyang asawang si Eliza ay parehong
nakatakas sa Canada. Si Cassy pagkarinig ng kuwento,ay napagtanto na anak niya si Eliza.
Divina Comedia
Ang Divina Comedia na sinulat ni Dante Alighieri noong kalagitnaan ng 1308 at 1321,ito
ang sinasabing pinakasentral na epiko ng panitikan ng Italya.Ito ay binubuo ng 14,233 linya.Ang
mga linyang ito ay nahahati sa tatlong canticas-ang inferno,purgatorio at paraiso.Ang bawat isa ay
naglalaman ng 33 cantos.Ang unang canto ay nagsisilbing panimula ng tula na dumagdag sa mga
cantos kaya naging 100.
Ang tula ay nasa unang panauhan at nagsasaad ng paglalakbay ni Dante sa tatlong estado
na patutunguhan ng mga patay.Si Virgil ay ang taong kasama niya sa impyerno ay purgatoryo at si
Beatrice naman sa paraiso.Si Beatrice ay ang pinangarap na babae ni Dante.
Ang Divine Comedy ay isa sa mga pinakadakilang tula sa kasaysayan.Dito,napagsama-
sama ni Dante ang temang relihiyoso,politikal at pilosopikal.Sa Italy,ang komedya ay isang
simpleng kwento na tumatalakay sa malungkot na panimula at masayang katapusan.Ito ay may
mas mababang kaanyuhan kaysa trahedya.Sa tulang ito,talagang lumabas ang galing ni Dante sa
paglalarawan ng bawat canto.Ang pag-iisa sa iba’t-ibang uri ng tema at istilong gumawa sa
komedya na walang pinipiling panahon na obra maestra.
Mahabharata
Ang Mahabharata ay ginawa sa pagitan ng 300 B.C at 300 A.D. Ito ang pinakamahabang
epiko sa mundo ng panitikan.Binubuo ito ng 100,000 dalawang linyang taludtod.Maikukumpara
ito sa walong beses na haba ng Iliad at Odyssey ni Homer at tatlong beses ng sa bibliya.Ayon sa
bersyon ng Narasimhan,apat na libong linya lamang ang may kaugnay sa kwento.Sa madaling
salita,Ang Mahabharata ay kaparehas ng mahabang paglalakbay na maraming daan.
Ang salitang Mahabharata ay nangangahulugang dakilang Bharata.Si Bharata ay ninuno
nina Pandavas at Kuaravas na naglaban.Ang salitang Mahabharata ay tumutukoy rin sa mga
Indian.Kaya minsan ay iniuugnay ang Mahabharata sa “ang Dakilang Istorya ng Indya”.Ang
epikong ito ay nahahati sa 18 libro.
Maraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong mga bahagi nito.
Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga aspeto ng Hinduismo, mitolohiyang
Hindu, mga etika, at gawi ng pamumuhay ng Hindu. Isang bahagi pa nito ang tinatawag
naHarvamsha. Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga pananalita hinggil sa labinwalong mga bahagi
ng Mahabharata. Sa Mahabharata, tinatawag na mga parvan o mga parva - mga aklat - ang mga
bahaging ito. Nakatala sa ibaba ang lahat ng mga parva ng Mahabharata:
Isang pangyayaring may pagsusuyuan saMahabharata, sa pagitan nina Ravi Varma-Shantanu at
Satyavati.
Parva
Pamagat Mga nilalaman
(Aklat)
Pagpapakilala, pagsilang, pagaalaga, at pagpapalaki sa mga
1 Adi-parva
prinsipe.
Buhay sa korte, ang larong betu-beto o dais[2], at pagpapalayas
2 Sabha-parva sa mga Pandava. Itinayo ni Maya Danava ang palasyo at korte
(ang sabha), at Indraprastha.
Aranyaka-parva (o
Labindalawang taong pagtigil (na hindi nakababalik
3 Vanaparva,
pagkaraang mapaalis) sa gubat (sa aranya).
Aranyaparva)
Isang taon makalipas ang pagkapalayas, pagtigil o paghintil sa
4 Virata-parva
korte ng Virata.
5 Udyoga-parva Mga paghahanda para sa digmaan.
Ang unang bahagi ng dakilang digmaan, gumanap na
6 Bhishma-parva
komandante ng mga Kaurava si Bhishma.
7 Drona-parva Nagpatuloy ang digmaan, si Drona ang komandante.
8 Karna-parva Muli, sa digmaan, si Karna ang komandante.
9 Shalya-parva Ang huling bahagi ng digmaan, si Shalya ang komandante.
Naglalahad kung paano pinaslang nina Ashvattama at ng mga
10 Sauptika-parva nalalabing mga Kaurava ang hukbong Pandava habang
natutulog (Sauptika).
Ipinagdadalamhati ni Gandhari at ng iba pang mga
11 Stri-parva
kababaihan (mga stri) ang mga yumao.
Ang pagpuputong ng korona kay Yudhisthira, at ang mga utos
12 Shanti-parva
sa kaniya mula kay Bhishma
13 Anusasana-parva Ang mga huling tagubilin (anusasana) mula kay Bhishma.
Ang maharlikang seremonya ng ashvamedha, na isinagawa ni
14 Ashvamedhika-parva
Yudhisthira.
Lumisan sina Dhritarashtra, Gandhari at Kunti para sa
15 Ashramavasika-parva
isang ashram, at ang pagkamatay sa gubat.
Ang panloob na pag-aalitan sa pagitan ng mga Yadava na may
16 Mausala-parva
gamit na mga pamalo[2] (mga mausala).
Unang bahagi ng daan patungong kamatayan (mahaprasthana,
17 Mahaprasthanika-parva "dakilang paglalakbay") ni Yudhisthira at ng mga kapatid
niyang lalaki
Nagsibalik ang mga Pandava sa daigdig ng mga kaluluwa
18 Svargarohana-parva
(svarga).
19 Harivamsha Buhay ni Krishna.
El Cid Campeador
Simula noong labindalawang siglo,ang alamat ni El Cid ay napalathala na.Ang librong ito
ay naglalaman ng tungkol sa buhay ni El Cid at ng pagsakop niya sa Pransya.Ang totoong
pangalan ni El Cid ay Rodrigo Diaz.Ipinanganak siya sa Vivar sa lumang Kristyanong kaharian ng
Castilla. Naging tanyag siya sa kanyang mga taktika ng pamumuno.Mas kilala siya ng mga kaaway
niya sa ngalang El Cid na nangangahulugang “aking panginoon”.
Ang kabataan ni El Cid at ang kanyanf pagmamahal sa babaeng si Jimena ang naging
paksa ng Romanceros.Ang maikling tulang ito ay base sa El Cid Campeador.Ang librong El Cid
Campeador ay tumutukoy sa naging buhay ni El Cid at ang naging karanasan niya sa pagsalakay sa
Pransya.
Canterbury Tales
Ang Canterbury Tales ay koleksyon ng mga kwentong isinulat ni Geoffrey Chaucher noong
ikalabing-apat na siglo.Ang mga kwento,na ang iba ay orihinal at ang iba ay hindi,ay ikinwento ng
mga naglalakbay sa relihiyosong paglalakbay simula Southwark hanggang Canterbury para
bisitahin ang dambana ni Saint Thomas Becket at ang Canterbury Cathedral.Sinasabi ng iba na
hinango ito sa The Decameron na nabasa ni Chaucer noong una siyang bumisita sa Italya.
Noong Abril,isang grupo ng dalawampu’t siyam na manlalakbay ay nagkaroon ng
relihiyosong paglalakbay mula London hanggang Canterbury upang magbigay respeto sa dambana
ni Saint Thomas Becket at Canterbury Cathedral.Ang grupo ay binibuo ng mga taong may iba’t
ibang disposisyon sa buhay.Kapag tumitigil ang mga manlalakbay tuwing gabi,magtatalaga ang
kanilang pinuno ng magsasalaysay ng kwento kinabukasan sa paglalakbay.Ang manlalakbay na ito
ay kinakailangang magsalaysay ng apat na kwento,dalawa papuntang Canterbury at dalawa ulit
pabalik.Ang may pinakamagandang kwento na mapipili ng pinuno ay ililibre ng mga kasamahan
ng hapunan.Ang bawat istorya ay maaaring maging repleksyon ng posisyon nila sa buhay at ang
ilan naman ay gusto lamang magpatawa.Walang napili ang pinuno sa huli dahil kakaunting
manlalakbay pa lamang ang nakapagsasalaysay nang mamatay si Chaucer. Nais sana ni Chaucer na
makasulat ng 124 na kwento pero namatay siya na 22 lang ang kanyang nagawa.Dalawa pang
kwento ang nasimulan ngunit hindi natapos.Narito ang iulan sa mga kwento:
The Man of Law’s Tale Tungkol sa babaeng Kristyano na ipakakasal sa isang sultan kung
ang sultan ay magigiong Kristyano.Hindi pumayag ang ina nito
kaya’t binigyan nito ng mga pagsubok ang babae.
The Wife of Bath’s Tale Ito ang isa sa pinakamagandang kwento sa Canterbury Tales na
nagbibigay halaga sa mga babae noong Middle Ages.
The Squire’s Tale Ito ay isa rin sa mga kwentong hindi tapos.Romantikong epiko na
kung natapos ay mas mahaba pa sa pinagsama-samang kwento.
The Physician’s Tale Tungkol sa relasyon ng anak sa ama.The Romance of the Rose ang
naging inspirasyon ni Chaucer sa pagsulat nito.
The Pardoner’s Tale Tungkol sa isang grupo ng lasinggero na nais patayin si Kamatayan
na sinisisi dahil sa pagkamatay ng kanilang kaibigan.
The Prioress’s Tale Sumunod ito sa The Shipman’s Tale.Ito ay istorya ng isang batang
martir na pinatay ng mga Jews.
The Nun’s Priest’s Tale Ito’y isang pabula na gumagamit ng iba’t ibang uri ng hayop na
nagpapakita ng iba’t ibang ugali ng tao.
The Second Nun’s Tale Ito ay nagsasalaysay tungkol kay Saint Cecilia.
The Manciple’s Tale Tumatalakay kay Phoebus na mahal na mahal ang asawa kaya’t
nagawa nitong ikulong ito sa bahay.
The Parson’s Tale Ito ang pinakahuli sa lahat.Ito rin ang pinakamahaba sa lahat.Hindi
maikukunsiderang isang tula o kwento dahil ito ay isang prosa.
ANG MGA AKDANG
PAMPANITIKANG
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Inihanda ni: Radie R. Colendra IV-A Inihanda para kay: Gng.Violeta Huerto