Na kung maliligo’y sa tubig aagap Nang di abutin ng
tabsing sa dagat.
2. Hinggil sa nagagawa ng kasakiman
O taksil na pita sa yama’t mataas o hangad sa puring
hanging lumilipas ikaw ang dahilan ng kasamaang lahat at niring nasapit na kahabag – habag.
3. Hinggil sa maling pamamalakad sa bayan
Sa loob at labas ng bayan kong sawi kaliluha’y siyang
nangyayaring hari, kagalinga’t bait ay nalulugami, ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
Ang magandang asal ay ipinukol sa laot ng dagat ng kutya’t
linggatong, baling magagaling ay ibinabaon at inililibing ng walang kabaong.
Nguni, ay ang lilo’t masasamang loob, sa trono ng puri ay
nilulunok, at sa baling sukab na may asal – hayop, mabangong insenso ang isinusuob.
Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo at ang kabaita’y kimi’t
nakayuko santong katuwira’y lugami at hapo, ang luha na lamang ang pinatutulo.
At ang baling bibig na binubukalan ng sabing magaling at
katotohanan, agad binibiyak at sinisikangan ng kalis ng lalong dusting kamatayan.
4. Hinggil sa kadakilaan ng Diyos
Datapuwat sino ang tatarok kaya sa mahal Mong lihim, Diyos na Dakila? Walang mangyayari sa balat ng lupa, di may kagalingang iyong ninanasa.
5. Hinggil sa magdarayang ganda
Katiwala ako’t ang iyong kariktan, kapilas ng langit,
anaki’y matibay, tapat ang puso mo’t di nagunamnam na ang paglililo’y nasa kagandahan.
6. Hinggil sa layaw ng bata
Pag – ibig anaki’y aking nakilala di dapat pakhin ang bata
sa saya, at sa katuwaa’y kapag namihasa, kung lumaki’y walanng hihinting ginhawa.
Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa
hatol ay salat, masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak.
Sa taguring bunso’t likong pagmamahal ang isinasama ng
bata’y nunukal, ang iba marahil sa kapabayaan ng dapat magturong tamad na magulang.
7. Hinggil sa mamamayan
Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis mamamaya’y
sukat tibayan ang dibdib lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis anong ilalaban sa dahas ng sakit?
Ang taong magawi sa ligaya’t aliw mahina ang puso’t
lubhang maramdamin inaakala pa lamang ang hilahil na daratna’y din a matutuhang bathin.
Para ng halamang lumaki sa tubig daho’y nalalanta
munting di madilig ikinaluluo’y ang sandaling init gayundin ang pusong sa tuwa’y maniig.
8. Hinggil sa paglayo sa isang kaibigang masama
Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw lalong pag – ingata’t kaaway na lihim siyang isaisip na kakabakahin.
9. Hinggil sa masasamang puno ng bayan
Mahigit kang aba sa mapagpunuan ng hangal na puno at
masamang asal sapagkat ang haring may hangad sa yaman ay mariing hampas ng langit sa bayan.
10. Hinggil sa kapangyarihan ng pag – ibig
O pagsintang labis ang kapangyarihan sapung mag –
aama’y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka lamang.
At yuyurakan na ang lalong dakila,bait katuwira’y
ipangangayaya buong katungkula’y wawaling – bahala, sampu ng hininga’y ipauubaya.
11. Hinggil sa paniniwala sa balita
Bihirang balita’y magtapat kung magtotoo ma’y marami
nang dagdag
At saka madalas ilala ng tapang ay ang guniguning takot ng
kalaban, ang isang gererong palaring magdiwang mababalita na at pangingilagan.
12. Hinggil sa kapalaluan
Kung ano ang taas ng pagkadakila siya ring lagapak naman kung marapa.
13. Hinggil sa kalasingan sa tagumpay
Sa minsang ligaya’t tali ng kasunod, makapitong lumbay o
hanggang matapos. Buod ng Florante at Laura
Sa simula ng awit ay makikita ang isang binatang nakagapos sa
isang puno ng higera sa gitna ng malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya na pinamumugaran ng mababangis na hayop, nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punungkahoy na may masasangsang na amoy. Ang binatang ito ay si Florante, anak ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na kapwa taga-Albanya.
Nagkataon naming sa gubat ding iyon ay napadako ang isang
Morong taga-Persya na anak ni Sultan Ali-adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa pag-ibig ng kanyang kasintahan ay umalis sa sariling bayan. Ang mga panaghoy na nakagapos tungkol sa mga kasamaang nangyayari sa kanyang bayan, ang pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan, ang akala niyang pagtataksil ni Laura, ang pagkakapatay sa hari at mga kabig nito., kasama na ang kanyang ama ay narinig na lahat ni Aladin kaya tinunton niya ang boses na pinanggagalingan ng pananaghoy at gaano ang pagkamangha niya nang makitang sisilain na lamang ng dalawang leon ang binata. Bagamat magkaaway ang kanilang bayan at hindi sila magkarelihiyon, hindi siya nag-atubiling patayin ang dalawang leong nakaambang silain si Florante. Pagkatapos na mailigtas niya ang binata ay kinalagan niya ito ng gapos at pinagyaman sa buong magdamag.
Kinabukasan, hiniling ni Aladin kay Florante na nais niyang
malaman kung bakit siya napapunta sa gubat. Hindi naman nag- atubili ang una kayat isinalaysay niya kung tagasaan siya, ang mahahalagang pangyayari noong siya’y bata pa at nang siya’y labing-isang taong gulang na ay ipinadala sa Atenas upang mag- aral. Dito niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno na tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro sampu ng kanyang mga kamag-aral dahil sa katalinuhan at kagandahang- asal. Subalit sa loob ng anim na taong pagkakapag-aral ni Florante ay nahigitan niya si Adolfo. Dito na nahubdan ng balatkayo at lumabas na ang tunay na pagkatao nito. Lalo itong nahalata nang minsang magtanghal sila ng dula at sa halip na sundin ang iskrip ay tinotoo ni Adolfo na ulusin ng taga si Florante. Salamat na lamang at nailigtas siya ni Menandro, ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan ay pinauwi na si Adolfo sa Albanya.
Samantala, namalagi pa si Florante ng isang taon sa Atenas
hanggang sa tumanggap siya ng sulat buhat sa ama na nagbabalitang namatay ang kanyang mahal na ina. Laking sama ng loob ang idinulot nito sa kanya. Pagkalipas ng dalawang buwan ay isang sulat ang kanyang tinanggap na nagpapauwi sa kanya sa Albanya.
Nagkataon namang nang umuwi si Florante ay humihingi ng
saklolo ang hari ng Krotona na nuno niya sapagkat ang bayan nila ay sinalakay ng hukbong Persyanong pinamumunuan ni Heneral Osmalik. Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo at sa pagpupulong ng mga pinuno ay napagpasyahang si Florante ang mamumuno sa hukbong magtatanggol sa Krotona.
Samantalang nasa palasyo si Florante ay nakilala at naakit siya sa
kagandahan ni Laura, ang anak ng Hari, at hindi siya tumugot hangga’t hindi niya naipagtapat ang kanyang niloloob at bago siya pasadigma ay nagkaroon naman ng liwanag ang kanyang iniluluhog.
Naglaban si Florante at si Heneral Osmalik at sa loob ng limang
oras ng paglalaban ay nagapi niya ito. Limang buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan sapagkat sabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating niya sa Albanya ay namangha siya sapagkat ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga Moro at lalo siyang nanggilalas nang mapagsino niya ang babaing pupugutan na lamang ng ulo. Nabawi niya ang Albanya sa pamumuno ni Aladin, nailigtas niya ang mga nasa bilangguan, sina Haring Linceo, Duke Briseo at Adolfo. Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya at nagaping muli ni Florante ang mga kalaban. Labimpitong lahat ang napasuko ng binata.
Isang araw, samantalang nasa Etolya si Florante ay tumanggap
siya ng sulat mula sa hari na nagsasaad ng madaling pagbalik niya sa Albanya. Hindi niya akalaing pagdating niya ay dinakip siya agad ng tatlumpung libong sandatahan at dali-daling ipiniit sa bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at kay Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Ipiniit si Florante ng labingwalong araw at pagkatapos ay ipinag-utos na igapos sa loob ng gubat nang matagpuan ni Aladin.
Pagkatapos ni Florante ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng
kanyang buhay. Anak siya ni Sultan Ali-adab ng Persya at kaya siya napadpad sa gubat na iyon ay dahil sa sama ng loob sa kanyang amang umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Upang masarili ng sultan ang dalagaay humanap ito ng butas upang siya ay maparusahan. Ginawang dahilan nito ang pagkaiwan ni Aladin sa hukbo at ang pagkabawi ni Florante sa Albanya. Hinatulan ng Sultan ang sariling anak na pugutan ng ulo. Subalit hindi ito natuloy sapagkat nang gabing iyon ay ipinatapon siya sa malayong lugar at pinagbilinang kung nais niyang mabuhay ay huwag na siyang magbalik sa Persya kailanman. Kaya simula noon ay anim na taon na siyang naglalagalag.
Habang nagkukwentuhan sina Florante at Aladin ay may
narinig silang nag-uusap na dalawang babae. Ang sabi ng isa, nang malaman niyang papupugutan ang kanyang kasintahang nasa bilangguan ay pumayag siyang pakasal sa sultan. Pinawalan naman ito, subalit nang gabi ring iyon ay nagbalatkayo siyang gerero at tumakas. Marami na ring taon siyang naglilibot hanggang magtagpo silang dalawa sa gubat.
Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang
ang nagsisipag-usap pala ay sina Laura at Flerida. Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya samantalang nasa ibang bayan si Florante – ang pagkaagaw ni Adolfo sa trono, ang pagpugot ng ulo sa hari at sa mga kabig nito. Sinabi niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipabatid ang nangyayari sa Albanya subalit ang natanggap ni Floranteng sulat ay sa hari na mahigpit na nagbibiling umuwi siya sa Albanya. Ito ang naging paran kung paano nadakip si Florante. Samantala, humingi si Laura ng limang buwang taning upang pag-aralan ang iniluluhog na pag-ibig ni Adolfo, kaya nang wala ng paraan upang mahimok si Laura ay dinala ito sa gubat upang pagsamantalahan. Nagkataon namang siyang pagdating ni Flerida kaya nang Makita niya ang kabuktutan ni Adolfo ay pinana niya si Adolfo hanggang sa ito ay mamatay.
Habang nag-uusap ang apat ay siya namang pagdating ng
hukbo ni Menandro na ang hanap ay si Adolfo. Nagsigawan ang hukbo nang malamang buhay sina Florante at Laura.
Hindi nagtagal at nakasal ang dalawa at naging hari at reyna
sa Albanya. Samantalang sina Aladin at Flerida, matapos magpabinyag, ay pinag-isang dibdib at umuwi sa Persya upang doon mamuno sa sariling bayan.