You are on page 1of 13

Tatlong Reunion

-0-

“Sir, kamusta po yung apartment nyo?”

“Ayos na man,” sagot ni Richard, “wag ka nang mag ‘sir’ sa akin.”

hindi ganong malaki ang opisina ayos lang malinis naman mukhang mabait naman mga

ka-trabaho ko inaantok pa ako saan naman kaya ako mapadpad ngayon masyal ako sa syodad

pag may panahon

“Sori po sir,” sabi ni Ceasar. Tinignan sya ni Richard. “Sori po.”

“Ewan. Pabayaan mo na. Ayoko ko kasi nagtatawag sa akin ng ‘sir’. Lalo na kung mas

matanda.” Ngumiti si Richard. “Biro lang Mang Ceasar.”

Sinuot ni Ceasar ang camera sa leeg. Inayos na rin ni Richard ang notebok, ballpen at tape

recorder sa bag nya. Nilabas nya ang librong binabasa nya.

“Mabuti yon at least lalakarin nyo lang papunta dito sa opisina.”

“Okay naman,” sabi ni Richard. “Hindi pa nga ako natapos sa pag aayos ng mga gamit ko

doon e.”

“Maganda po ba ang Cebu?”

Napangiti si Richard, “Oo naman. Bakit?”

“Binata pa ako nung huling punta ko dun. Hindi pa ako nagtatrabaho dito. Bisaya kayo?”

“Nakakaintindi lang. Hiligaynon talaga salita ko.”

“Taga-Bacolod kayo?”

“Hindi. Iloilo.”

“Grabe. Palipat-lipat. Binata ka pa naman e.”


“Yun rin sabi ng marami.”

“Pamilya mo sir?”

“Wala. High school nang namatay si Mama. Yung ate ko may pamilya na. Magkasama sila

ni Papa sa Iloilo. Yung nanay ko taga-Cebu e. May mga kamaganak kami dun.”

kamusta na kaya si ate yung mga pamangkin ko si papa writer anong klaseng trabaho yan

sayang ang talino

“Gusto mo kape?” Tumayo si Ceasar at pumunta sa mesa na may thermos.

“Oo ba.”

“Ako sir. Dalawang lalaki. Mag ka-college na ang panganay.”

“Mabuti kung ganon. Ano gusto nya kunin?”

“Nursing daw.”

“Magastos ah.”

“Oo nga e. Ewan. Gusto daw nyang lumabas balang araw e.” Nilagay ni Ceasar ang

dalawang tasa.

“Salamat. Ayaw ba nyang maging reporter tulad ng tatay nya?” pabirong sabi ni Richard.

“Ah, ako na nagsabing hindi. Walang mangyayari sa kanya. Ikaw sir, ayaw mo bang

magkapamilya?”

“Wala pa e. Enjoy muna. Mahal ko naman trabaho ko e.”

ano ngayon sayo ayos lang ayos lang

“Kayo ang bahala.” Uminon si Ceasar, “Dito muna tayo. Mga kalahating oras pa dadating

ang van.”

“Ayos lang.”

“Hindi na ba kayo umuuwi sa Iloilo?”


“Nung isang linggo lang. Nag high school reunion kami.”

“Ang saya nyan ah. Ayos ba?”

“Ayos lang.”

“Pinakamasaya yung high school sa lahat e.”

“Oo nga e.” pinilit ni Richard ngumiti.

Nakaupo lang silang dalawa sa opisina. Nagbasa si Richard habang hinihintay lumamig ang

kape. tonight i can write the saddest lines pablo neruda

-0-

Wala pa ganong tao sa mall.

Pinipigilan ni Richard ang pagtawa ng makitang parating si Mark. Naka-itim itong slacks at

puting polo. Tinabi nya muna ang hawak na dyaryo.

“Ano problema mo?” tawag ni Mark sabay upo sa harap ni Richard.

“Wala. Naninibago lang ako. Sir Espinosa.”

“Sira ulo. Musta ka na?”

“Ayos lang. Natapos din ang master’s mo.”

“Oo nga e. Ginapang ko talaga Chard. Parang kakainin ako nung defense na.”

“Ano ba topic mo?”

“Political dynasties dito sa Iloilo.”

“Hanep ah.” Kinuha nya ang dyaryo at nilipat sa sunod na pahina.

Napatingin si Mark sa dyaryo. “Teka, byernes ngayon ah!” kinuha nito dyaryo at binuksan

sa kolum ni Richard. “Langhiya ka. Parati kitang ikinukwento sa mga estudyante at klasmayts ko

sa grad skul. Si Richard Alcala, klasmayt ko nung highschool yan. Sa Cebu sya ngayon.” Binaba
ni Mark ang dyaryo, “Hay naku. Puro na lang pulitika. Ang tagal pa ng eleksyon. Pati kolum mo,

pulitika rin.”

“More on media’s responsibilities yung tinalakay ko dyan. Buti na yung akin kolum lang,

sayo nga dissertation mo pulitika rin.”

“Yun yung may relevance e.”

pulitika pulitika parang showbiz lang nakakaaliw sabay sa uso

“Yun naman pala e.”

“Maiba lang ako tol, may plano ka pa bang mag-Law? Sa talino mong yan...”

Matagal bago makasagot si Richard. Ang tanging sinabi, “Ewan.”

Huminga ng malalim si Mark, “Bat ba mahilig ka mag tampo sa abogado? Una si paerts

mo, tas si Jude.”

“Ni hindi nga alam ni papa na andito ako e.”

“Si Jude nagkausap ba kayo?”

“Kamustahan lang. Sa email, text. Humingi pa nga minsan ng tulong yun e.”

“Buti naging abogado rin sya sa wakas.”

“Malamang tuwang-tuwa naman si papa.”

“Bat ba ganyan ka mag salita?”

“Totoo naman e.”

“Si Rona. Kailan kayo huling nagkausap?”

“Hindi ko na maalala. Sa Facebook siguro. Chat-chat ganun.”

“Yun naman pala e.”

“Wala naman yung mababago e.”

“Hindi nya alam tol.”


“Alam ni Jude.”

“Mamya kausapin mo sya.”

“Siguro. Gusto mo pati si Jude. Malamang magkasama sila mamya.”

bahala na bahala na bahala

-0-

Unti-unti nang lumiliwanag ang araw. Wala pa ganong mga sasakyan sa kalye. Magkatabi

si Ceasar at Richard. Mabilis ang takbo ng van.

“Nagugutom na ba kayo sir?” tanong ni Ceasar, “Mga 15 to 20 minutes pa may dadaanan

po tayong panaderya. Masarap po tinapay dun.”

bundok malawak na lupain parang iloilo lang

“Hindi pa naman.”

“Konting hintay lang po. Dinadayo talaga namin yun e.”

“Lagot ka pag di ko nagustohan.”

Tumawa silang dalawa.

“Maiba lang ako sir,” sabi ni Ceasar, “Grabe na talaga yung kabataan ngayon no?”

Napangiti si Richad. “Bat mo naman nasabi?”

“Yung binata ko po kasi. Hay, patay na patay sa girlfriend nya.”

“Bakit naman?”

“E kwento daw, pagkatapos nilang grumaduwayt sa high school, sa Davao mag aaral ang

babae. Mabait na bata yun.”

“So ano gusto gawin ng anak nyo?”

“Edi hiwalayan daw. Dun rin naman papunta.”

“Suko naman sya yata agad.”


“Siguro. Yung ayaw ko lang parang dinidibdib masyado ni Tom. Para bang matatapos na

ang mundo.”

“Hayskul pa lang e.”

“Nung hayskul ako, wala naman akong naranasan na parang ganon. Hay.”

“Sabihan mo na lang na hayaan lang muna mga bagay-bagay. Kung kailangang umalis ng

babae, edi pabayaan nya. Dapat ngayon pa lang malaman nya na hindi nya makukuha lahat ng

gusto nya.”

hayskul walang kwentang hayskul mga bata dati ako din habangbuhay ewan sana ikaw na

lang tatay ko mang ceasar ewan pag ibig basura

“Oo nga no? Mga bata talaga.”

-0-

Pumasok si Richard at Mark sa maingay na silid. Isang mesa, isang barkada. Para kay

Richard ang tanging pinagbago ng mga taong ito ay edad. Kaliwat kanan ang kamustahan at

tawanan. Sinalubong sila ni Jude.

“Mark, Chard! Musta?” sabi ni Jude.

“Ayos lang Attorney,” sabi ni Mark.

“Gago. Pasimple lang.”

“Ewan ko sayo. San mesa natin?”

“Dun. Kayo na lang hinihintay.”

Naglakad silang tatlo patungo sa mesa.

“Kamusta Cebu Chard?”

Hindi agad sumagot si Richard. Hindi sya nakikinig.

“Ha? Ayos lang.”


“Salamat tol sa lahat ng tulong.”

“Wala yon.” Panandaliang mapahinto si Richard. Nakatitig si Rona sa kanya.

“Tol,” sabi ni Mark, “Upo ka na.”

Saka lang napansin ni Richard na sya na lang naka tayo. Umupo sya sa tabi ni Mark.

Magkatabi si Jude at Rona.

“Kamusta ka na Richard?” tanong ni Rona.

“A-ayos lang,” pabulol na sagot ni Richard. Pinilit nyang ngumiti. “Ayos lang. Ikaw?”

“Ganun pa rin. Matagal din tayong di nagkita. Ano ba nakita mo dun sa Cebu?”

“Trabaho e,” tumawa si Richard, “Ikaw? San ka ngayon?”

“Sa city hall pa rin.”

“Mabuti kung ganun.” Tumingin si Richard sa paligid. “Sino pa nakaupo dito?” Bakante

ang upoan sa kanan nya.

wala na talagang ibang masabe walang pinagbago hayskul hayskul ganun pa rin sya

kaibigan kaibigan hay

“Para yan sa estudyante,” sabi ni Jude, “Yung scholar yata ni tito. Marami yatang sasamang

kakain na estudyante sa atin.”

“Ah, ganun ba?” sabi ni Mark

“Oo. Dapat nga may mesa para sa mga estudyante. E, mas ayos daw kung ikalat na lang

sila. Para maka interact. Sabi ni Sir Corpuz dapat daw makatabi mong batang yan.”

“Espisyal siguro ang isang to,” sabi ni Mark.

“Pabayaan mo na,” sabi ni Richard.

-0-
Pumasok at umupo ang mga estudyante. Naka uniporme at pawang nahihiya. Umupo ang

isa sa tabi ni Richard.

“Good morning po. Ako po si Bert. Yung scholar nyo.” Sabi ng bata.

“Ako si Richard Alcala. Bale anak ako ni Judge Enrique Alcala.”

“Idol ko po kayo. Parati ko pong binabasa kolum nyo. Editor-in-chief po ako ng paper

namin. Tulad nyo.”

“Salamat. Makinig muna tayo.”

Pumuti na ang halos lahat ng buhok ni Sir Corpuz. “So magandang umaga sa lahat,” bati

nya. “Pasensya na. Kanina pa dapat tayo nagsimula, kaso may klase pa mga bata. Sila yung mga

beneficiary ng mga scholarship na ang iba sa inyo ay sponsor. Syempre yung isa ay sa Judge

Alcala scholarship. Scholar ni Richard yun.” Tumawa ang lahat. “Lunch na tayo.”

“Naks,” sabi ni Mark kay Bert, “libre lunch nyo ah.”

Ngumiti si Bert.

-0-

“Malapit na po tayo.” Sabi ni Ceasar. Kakapasok na nila sa Maguindanao.

“Marami tayong magkokover dun diba?” tanong ni Richard

“Opo. Malalaking pamilya pong magbabanggaan dito e.”

“Ano pangalan ng lugar?”

“Buluan po sir.”

“Mang Ceasar, sa huling pagkakataon, wag mo akong tawaging ‘sir’”

“Sori po.”

“Magfa-file para sa pagka gobernador diba?”

“Opo. Sa mga ganitong lugar, malaking balita yun.”


pulitika pulitika muslim ibang usapan mindanao pulitika pulitika malaking balita balita

gusto ko yan

-0-

Kinuha ni Jude ang atensyon ng lahat. Pumunta sa microphone. Maraming sinabi.Sa harap

ng lahat nag propose sya ng kasal kay Rona. Hindi magkadaugaga ang lahat. Pati ang mga

estudyante.

hinga hinga ngiti batiin sila hinga hingi hirap hinga ang hirap

-0-

Tapos na ang lahat kumain at kailangan nang pumasok sa klase ng mga bata.

“Bago siguro umalis ang mga bata,” sabi ni Sir Corpuz, “Baka pwede tayong humingi ng

mensahe mula sa Valedictorian ng batch na to. Ngayon ay isa sa mga pinaka respitadong

kolumnist at reporter sa bansa. Richard?”

Sumang ayon ang lahat. Pinilit mag salita si Richard. Bumigay din. Pumunta sya sa

microphone.

“Unang-una syempre,” sabi ni Richard, “Congrats sa mga kaklase natin na ikakasal na.

Grabe no? Tumatanda na talaga tayo.” Tumawa sila sa biro. “Pano ba to? Message para sa mga

estudyate? Para sa lahat? Sige.

“Ummm. Na miss ko kayong lahat. Sayang di ako makapag tambay. Mamya lilipad ako

ulit. Mindanao naman. Na assign ako dun. Mga ilang buwan din ako dun. Cotabato City.

“Hay. Ang layo na nang narating natin. Parang kailan lang. Sensya na, wala talaga akong

maisip.

“Sa mga bata. Mga 4th year na kayo no? College na ah. Ang dapat nyo sigurong isipin

ngayon ay—” di mapakali si Richard. Nakikita ang singsing sa daliri ni Rona. “Kamatayan.”
Nagulat ang lahat.

“Hindi,” patuloy ni Richard. “Kasi kailangan nyo nang pumili ng kurso di ba? Career nyo

napinaguusapan dito. Kung ano magiging buhay nyo. Kamatayan dahil hindi nyo alam hangang

kailan e.

“Sino ba dito ang sigurado buhay pa sya bukas? Dapat ngayon pa lang, matangap nyo na na

balang araw mamatay rin tayong lahat. Ano dapat gawin? Una hanapin ang mga sarili natin.

Ikalawa, maging sarili natin.

“Kung gusto nyo maging teacher tulad ni Sir nyo Mark, edi mag aral kayo mag teacher.

Kahit gano pa ka gusto ng mama nyo na mag nursing kayo. Kung may gusto kayong sabihin,

sabihin nyo. Kung ano man nararamdaman nyo, ilabas nyo. Masyadong maikli ang buhay para

matakot. Buhay nyo yan. Iisa lang yan.”

Nagsitayo ang lahat habang pumapalakpak.

alis na ako alis hindi na kailangan alis alis

-0-

Umalis si Richard sa hotel. Sahalip na mag pahatid kay Mark o Jude o kay Rona pa,

minabuti nya nang sumama kay Bert at sa ibang estudyante.

“Grabe talaga kayo sir,” sabi ni Bert. Nasa unahan nila ang ibang estudyante.

“Wala yun. Ni hindi ko nga alam sinasabi ko e.”

“Basta. Ang swerte ng mga ka klase nyong makasama kayo.”

“Sobra na yan. Ano pala gusto mong kurso?”

“Hindi ko alam e. Sabi ni papa since magaling akong magsulat, reporter daw. Pwede ring

abogado. Kayo po ni minsan ba hindi nyo nagustohan maging abogado? Abogado naman si papa

nyo.”
“Noon. Pero nagbago din isip ko. Gusto ko human rights lawyer. Walang namang krimen

kung alam ng mga tao ang mga karapatan nila. Isa pa, iba ang katotohaan ng abogado sa yung sa

journalist.”

“Sabi ni papa, delekado daw mag journalist. Madali kang mamatay, konti pa sweldo.”

“Totoo. Pero, kung iisipin mo, kung hindi ko to gagawin, sino? Karapatan ng mga tao na

malaman kung ano ang mga nangyayari sa paligid nila.”

“Totoo po yan. Pero parang may kasalanan din po ang mga newspaper o ang media sa

kabuohan.”

“Bakit naman?”

“Kasi po mas mabenta ang masamang balita. Ang masamang balita ang mabuting balita.

Ang mabuting balita ay hindi balita. Lalo na po sa pulitika. Pag may narinig po ang mga tao

tungkol sa pamahalaan, ito ay kung may eskandalo lang o may problema.”

“Tapos?”

“Yun. Puro mali na lang nakikita. Hindi na nasusulusyonan dahil sa tingin ng lahat, wala

ng kwenta. Sa tingin nila sila ang biktima. Oo pero, may responsibilidad din sila. Hindi natatapos

ang pulitika sa pagboto.”

“Galing ah. Sa tagal ko sa trabahong to, ngayon ko lang yan na isip.”

nakaka ingit ng idealism mo bert pano ba nawala nawala yung akin ewan tapos na

“Hindi ko naman sinasabi na balewalain ang mga problema. Sana meron lang parang

‘conscious’ reader ka lang. Dapat solusyon hindi ang problema ang tinututukan. Eleksyon na

naman next year.”

“Oo nga e. Parang lahat may malasakit sa bansa.”

“Ang daming pangalan. Ang aga pa nga. Sino po kandidato nyo?”


“Ayokong pag usapan yan.” Patuloy ang pagkamangha ni Richard sa bata.

“Sa totoo lang po, gusto ko maging makata.”

“Ha?”

“Poet po. As in sumusulat ng mga tula.” Tumawa si Bert, “Yan po ang reaksyon ng halos

lahat. Trabaho ba yan?”

sayang ang talino

“Di. Bakit makata?”

“Sa tingin ko po kasi ang pinakamataas na katotohanan ay nakikita lang sa sining. Walang

tama o mali. Sining ay buhay. Ang mga makata ang nagpapaalala sa atin kung gano kaganda ang

buhay. Hindi kasi pwedeng isip lang. Abogado o journalist.”

“Punta nga akong Mindanao ngayon e.”

“Wow, gusto ko rin magbakasyon dyan.”

“Trabaho punta ko dun e.”

“Oo nga pala. Ang karamihan kasi iniisip na pag Mindanao, gulo agad. Hay nako. Lupa ng

Pangako! Isa po sa mga natutunan ko sa pagbabasa at pagaaral ng mga poems ay dapat tayo

parating maniwala. Kung ano pinaniniwalaan natin, yun din ang nangyayari.”

“Malayo mararating mo. Wag kang matakot sa sasabihin ng iba.” wag mo akong tularan

“Kayo pa lang po nagsabi nyan. Sabi ni papa kalokohan lang to. Sayang lang daw talino ko.

Ewan.”

“Gago ang papa mo.”

Tumawa si Bert. “Minsan nga po gumagawa pa ako ng mga tula para sa gusto kong babae.

Pogi points. Yung pinaka unang tula ko talaga.”

Si Richard naman ang tumawa. “Binibigay mo sa kanya?”


“Opo. Kalokohan nga e.”

sana kasing tapang kita handa handa di napapaliwanag ang ginagawa hayskul hayskul

torpe kasi takot habangbuhay hay

“Ayos lang yan. Sinubukan ko rin nyan noon.”

“Talaga?”

“Kaso, dun yata ako nagkamali. Hindi ko kasi pinabasa sa iba.”

“Sino po ba ang unang babaeng ginawan nyo ng tula?”

sabik ang mga dating ka klase, lalo na ang mga babae, sa pagpa plano ng kasal lahat

gustong makita ang singsing masaya na nakaka ingit tapos na mga maliligayang araw jude

hindi na binata game over gago alagaan mo sya may tiwala ako gago hay

“Nakakatuwa, di ko na maalala.”

-0-

“Why do you want to be a musician for? At parties, musicians always eat last.”

-N.V.M. Gonzales, “The Bread of Salt”

ERIC P. ABALAJON, currently a first year student taking up B.A. Sociology at


UPV Miag-ao. He is a staff-writer of the official student publication of the College of
Arts and Sciences, Pagbutlak.
Lives at Brgy. Pob. North, Paterno St. Oton, Iloilo. Contact number
09172058473, email: merovigian@yahoo.com.ph

You might also like