You are on page 1of 4

Mga katangian ng wika: 1. may balangkas - Ako ay nag aaral sa de la sale college of saint benilde.

(may masistemang ayos ang mga salita sa isang pangungusap) 2. binubuo ng makahulugang tunog - Gumagamit ang mga tao ng piling tunog upang magkaroon ng kahulugan ang wika. 3. pinipili at isinasa-ayos - Madali ang pag aaral kung ikaw ay matiyaga. 4. arbitraryo - Laging nagbabago ang wika ayon sa panahon. 5. nakabatay sa kultura - Tagalog ang isa sa pinaka ginagamit na wika ditto sa Pilipinas. 6. ginagamit - Ang wika ay parte ng pang araw-araw na buhay natin. 7. kagila-gilagis - Ang wika ay may kakayahan na umakit ng mga tao. 8.makapangyarihan - Ang wika ay nakaka-kontrol ng pagiisip ng isang indibidual. 9. may antas - Ang wika ay nahahati sa apat na uri. 10.may pulitika - Nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita. 11.Ginagamit araw-araw- lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahay natin ang atin mga layunin araw-araw. Antas ng Wika Ang wika ay nahahati sa ibat ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Pormal. Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami. 1. 2. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no,sakin,kelan Meron ka bang dala? Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino)

2.

3.

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot) Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis, natalsik) Tong (wheels) Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (crocodiles greedy) Bata (child girlfriend) Durog (powdered high in addiction) Papa (father lover) Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam paki Tiyak tyak Pagbabaliktad Buong Salita Halimbawa: Etned bente Kita atik Papantig Halimbawa: Dehin hindi Ngetpa Panget Tipar Parti

2.

3.

4.

5.

6.

Paggamit ng Akronim Halimbawa: G get, nauunawaan US under de saya 7. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak Palpak Bigo Torpe Tyope torpe, naduwag 8. Paghahalo ng salita Halimbawa: Bow na lang ng bow Mag-jr (joy riding) Mag-gimik Mag-MU 9. Paggamit ng Bilang Halimbawa: 45 pumutok 1433 I love you too 50-50 naghihingalo 10. Pagdaragdag Halimbawa: Puti isputing Kulang kulongbisi 11. Kumbinasyon A. Pagbabaligtad at Pagdaragdag Halimbawa: Hiya Yahi Dyahi B. Pagpapaikli at pag-Pilipino Halimbawa: Pino Pinoy Mestiso Tiso, Tisoy C. Pagpapaikli at Pagbabaligtad Halimbawa: Pantalon Talon Lonta Sigarilyo Siyo Yosi D. Panghihiram at Pagpapaikli Halimbawa: Security Sikyo Brain Damage Brenda E. Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get Gets/Getsing Cry Crayola Katangian ng wika 1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsamasama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. 1. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat]. 2. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema. Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han Fonema = a *tauhan, maglaba, doktora c. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa. Hal. Mataas ang puno. Ang puno ay mataas. The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree. o Tall the tree.) d. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno. Umakyat siya sa puno. Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na datiy [niya] ngayoy [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap. 2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya) 3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika. 4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika. Halimbawa Wikang Swahili atanipena (magugustuhan niya ako) Wikang Filipino Opo, po Wikang Subanon gmangga (mangga) Wikang Ingles girl/girls (batang babae/mga batang babae) Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo) Wikang French Francois (pangngalan /fransh-wa/) Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika. 5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika. Halimbawa: BOMBA Kahulugan a. Pampasabog b. Igipan ng tubig mula sa lupa c. Kagamitan sa palalagay ng hangin d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao 6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ka na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educa ion]. 7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon

ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa. 8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika. 9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na bi ay sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay sumasagisag sa tunog na em. 10. May level o antas ang wika. Antas ng wika 1. formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda 2. lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao 3. lalawiganin mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan 4. kolokyal ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa tara na, /pre/ para sa pare 5. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa ang mga salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo. 6. edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal Teorya ng pinagmulan ng wika v Teorya sa Tore ng Babel Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisay iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo. v Teoryang Bow-wow Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisay ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. v Teoryang Ding-dong Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan. v Teoryang Pooh-pooh Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas. v Teoryang Yo-he-ho Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho. v Teoryang Yum-yum Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi. Graphic arts A type of fine art, graphic art covers a broad range of art forms. Graphic art is typically two-dimensional and includes calligraphy, photography, drawing, painting, printmaking, lithography, typography, serigraphy (silk-screen printing), and bindery. Graphic art also [1] consists of drawn plans and layouts for interior and architectural designs. Today, graphic art is usually associated with commercial art that is used in marketing. In this case, the purpose of the graphic art is to capture the interest of the audience on the product or service [2] in order to increase the volume of business. The performing arts are those forms of art which differ from the plastic arts insofar as the former uses the artist's own body, face, and presence as a medium, and the latter uses materials such as clay, metal or paint which can be molded or transformed to create some physical art object. The term "performing arts" first appeared in the English language in the year 1711. Gustatory arts refers to a type of Arts(appreciating beauty) in terms of food. It can also be called as food decorating or food plating.The decorative arts is traditionally a term for the design and manufacture of functional objects. It includes interior design, but not usually architecture. The decorative arts are often categorized in opposition to the "fine arts", namely, painting, drawing, photography, and large-scale sculpture, which generally have no function other than to be seen. Decorative arts, or furnishings, may be fixed (for example, wallpaper), or moveable (for example, carpets). Applied art includes the decorative arts but also graphic design and other categories, such as industrial design, which may overlap with decorative art. In general the term "decorative art" is not much used of contemporary work, which tends to be called design whereas in art history the terms minor arts or lesser arts have been used which explains the contempt often expressed by those focused on 'fine art'.

You might also like