You are on page 1of 1

MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA AT KAGAMITAN sa pag uulat

Upang maging kawili-wili ang pagtutro ng Pilipino: 1. Ano ang mangyayari kung . . . . . . . ? Simulan ang aralin sa pamamagitan ng tanong na Ano ang mangyayari kung. . .? Sa pamamagitan ng katanungang ito, maaring makapanghula ang magaaral ng maaaring mangyari sa isang ibinigay na sitwasyon. 2. Pagsasagawang Antropolohiya Isalarawan ang ilang halimbawa ng mga antigo o lumang mga bagay. Bayaang makabuo ang mag-aaral ng kultura ng mga tao batay sa mga lumang bagay na nabanggit. 3. Mga Pangitaing Paghihinuha Bumuo ng isang senaryo at mga kaakibat na paghihinuha. Papiliin at papaliwanagin ang mag-aaral sa pinakaangkop na hinuha na mapipili. 4. Paghahanay ng mga Isyu Magtala ng mga isyu. Pagsunod-sunurin ayon sa kahalagahan. 5. Ugnayan ng mga Kards Sa pamamagitan ng mga makikitid na piraso ng kartolina, tataluntunin (trace) ng mga mag-aaral ang mga sanhi at ugnayan ng mga pangyayari 6. Pagtatalo Maaring gamitin ang istratehiya ng pagtatalo sa mga isyung kontrobersyal 7. Pagsasatao Pagganap ng mga tao sa isang sitwasyon upang makatulong sa paglutas ng suliranin. 8. Paghahambing ng mga Ulat (accounts) Mag-ulat ng mga sinabi ng mga manunulat o awtor tungkol sa isang partikular na pangyayari. Paghambingin ang mga datos at mga pagpapaliwanag. Magbigay ng konklusyon. 9. Kung Silay Naririto Pagbahaginin ang mga mag-aaral ng mga katanungang nais nilang itanong kung nasa harapan na nila ang nga taong may partisipasyon sa kasaysayan at iba pang mahahalagang pangyayari. 10. Pag-uulat Mula sa Hukuman (Courtroom) Epektibong pamamaraan sa nga temang kontrobersyal

You might also like