You are on page 1of 2

ANG WIKANG FILIPINO AY PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS ni Jennifor L. Aguilar Kalayaan! Kalayaan! Kalayaan!

Isinisigaw, inihihiyaw, ipinaglalaban Buhay man ang maging kabayaran Ibubuwis, ibibigay, maangkin yaring katubusan. Tayoy mga Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan! Nagmula sa matatapang na liping Silangan Mga Dayak Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at Semang Sinaunang lahing likas ang katapangan! Lumaban, Naghimagsik, dugot buhay ay inalay! Sina Tanday Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal, Tamblot, Raha Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mga paring Gomburza, Mga dugo nilay humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN! Tatlongdaang taong mahigit na nakikipaglaban Sa paghahangad makamit ganap na kasarinlan Sa ibat ibang panig ng bansay nakikipagpatayan Ngunit pawang kay ilap makamit ang inaasam Iisang pangarap tanging hinahangad Tuluyang makalaya sa mga Mestizong Tamad, ganid, mapagsamantalat diyos ang inilalantad Ngunit tila hadlang, kawalan ng wikang panlahat! Sinikap buuin wikang maaaring lahat ay mag-aangkin, Magigiting na katipuneroy Tagalog isinulong at idiniin Maging pangulong Quezon, paniniwalay ganoon din Wikang itoy magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdim Pinatatag ng pambansang wika, pwersa ng Katipunan Pinalakas ang damdamin, pinag-alab ang kamalayan Gulok, buho, pistola, puso at wika ang kasangkapan Laban sa malalakas na sandata ng mga dayuhan Ngunit Pambansang wikay pilit pinabansot, di-pinagamit, ibinabaon sa limot ng lahing Amerikanong sumunod na sa atiy sumakop wika nilay pumainbulog, wika natiy bumulusok Palibhasay wikay makapangyarihan na tunay Sa dugo ng bawat Pilipinoy nananalaytay Nang kasarinlan sa atiy naibigay Naging matuwid ang bayan patunay diyan, Pangulong Magsaysay

Ngunit nang muling dumilim pahina ng kasaysayan Lumitaw pagkaganid ng pinuno sa kapangyarihan Pambansang Wikay naging ilaw ng mamamayan Muling pinalayat, binigyang ilaw nang matahak ang tuwid na daan Ngayoy dumako na sa panahong Malaya at sumubra na sa talino At kung sinu-sino ang naghahangad na makapamuno Hindi nagkakaisat kani-kaniyang puna at kuru-kuro Lahat gagawin, para sa kapangyarihat pagluklok sa pwesto Bayan ngayoy nalulumbay, kumukulimlim, nauubusan ng lakas Muling naghihiwa-hiwalay, kanya-kanya na naman nang nais ipamalas Dalangin namin sa iyo Bathala na siyang tunay na magpapamalas Gamitin yaring wikang Panlahat na maging ilaw at lakas sa tuwid na Landas

You might also like