You are on page 1of 3

Ang State of the Nation Address, o mas kilala sa acronym nitong SONA ay isang pag-uulat mula sa pangulo ng bansa

tungkol sa kalagayan ng estado. Ito ay isa ding basehan kung may nangyaring pagbabago sa estado sa ilalim ng pamumuno ng kung sino mang nanunungkulan. Ang SONA ay ginagawa kada taon upang mapakita ang mga pag-unlad, kung mayroon man, na nangyari sa bansa.

Sa taong ito, bilang pangalawang taon ng kasalukuyang pangulong si Presidente Benigno S. Aquino III, ay una niyang papatunayan ang mga nangyari sa mga planong ipinahayag niya noong siya y nangangampanya at bagong upo pa lang sa pagkapresidente.

Kung mapapansin ay inunang banggitin ng presidente, o mas kilala sa tawag na PNoy, ang tungkol sa wang-wang. Kung matatandaan natin sa kanyang unang SONA ay tumatak ang kanyang pagpuna sa wang-wang. Ito din ang una niyang ipinatupad noong kanyang termino. Inumpisahan niya ang pagbabago sa bansa sa pamamagitan ng pagbago sa mga maliliit na bagay. Sa ngayong SONA, ginamit niya ang wang-wang bilang simbolo ng katiwalian sa gobyerno. Ang wang-wang na simbolo ng kapangyarihang inaabuso ng mga may katungkulan sa pamahalaan.

Inilatag niya din ang mga maliliit na pag-unlad na nagawa ng kanyang administrasyon katulad ng pagbaba ng bilang ng mga self-rated hungry, paglampas ng all-time-high ng stock market , pagtaas ng credit ratings mula sa ibang bansa, ratings upgrade at ang pagdami ng mga investors sa energy sector. Isinisingit din niya ng bahagya ang mga proyektong inilatag na niya noong unang SONA na hindi pa naaprubahan sa kamara at senado. Muli, at hindi maiwasang, ibatikos ni PNoy ang mga kapalpakan at kalokohan ng nakaraang administrasyon. Kasama dito ang milyong mga pabuya ng mga opisyal sa Philippine National Construction Corporation, ang mga katiwalian at pandaraya sa ARMM, etc. Ibinida niya ang mga nais niyang ipanukala para sa pag-unlad ng bayan tulad ng zerobased budgeting, ang paghahanap ng BIR para sa mga pribadong sektor na hindi

nagbabayad ng tamang buwis, ang pagbawas ng dami ng inaangkat na bigas mula sa ibang bansa, pagpapabahay sa mga kawal at kapulisan, ang pag-aangkin ng teritoryo sa West Philippine Sea, pagbaba ng kaso ng carnapping, ang tagumpay ng pagkakapasa ng Anti-Trafficking in Persons Act, pagbaba ng unemployment rate, ang biyaya ng CCT, ang National Household Targeting System for Poverty Reduction, atbp. Ipinakita din ni PNoy ang mga solusyong maaaring magamit sa mga problema ng bansa sa baha, transportasyon, mosquito trap, etc. na ayon sa kanya ay mga gawa ng pinoy. Lugod din niyang pinasalamatan ang pagkakapasa ng mga plataporma na ngayon ay batas na katulad ng ARMM Synchronization, Lifeline Elcetricity Rates Extension, etc. Taliwas din sa inaakala ng nakararami, hindi nabanggit ang mga sikat na plataporma ni PNoy na RH Bill at PPP.

Kung susumahin ay napakarami yatang nagawa ni PNoy sa loob ng isang taon, ngunit ang tanong ay naramdaman ba ito ng taumbayan? Hanggang wang-wang lang ba ang pagbabagong kitang kita sa loob ng kanyang termino?

Para sa akin, malaking hirap para sa isang pangulo ang maiparamdam sa kanyang mga nasasakupan ang pagbabagong nais niya. Sa personalidad naman ni PNoy, pati ang kinalakihan niyang pamilya, alam ko na gusto niyang matulungan ang mga mahihirap na makaahon. Ang problema lang ay ang pagpapatupad nito. Balewala ang gintong puso ng presidente kung ang mga galamay niya naman ay may mga sariling agenda. Sa tingin ko, ang susi ng pag-unlad ng bayan na ito ay wala sa pangulo, kundi nasa sarili lang. Kung sa pagtawid sa tamang tawiran ay hindi pa natin magawa, kung ang pagtapon sa tamang tapunan ay hindi natin magawa, at kung ang pagsunod sa mga dapat sundin ay hindi natin magawa, pupulutin pa din tayo sa kangkungan.

You might also like