You are on page 1of 1

Ang pamahalaang sibil ay ang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano noong 1901, at sila-sila din ang mga namuno

dito. Kongreso na rin ng Estados Unidos ang nagpatibay nito noong Marso 2, 1901. Inilipat ang pamamahala ng Pilipinas sa Kongreso. At hinirang ni McKinley si William H. Taft bilang unang gobernador-sibil ng Pilipinas. Ang pamahalaang militar ay itinatag ng mga sundalong Amerikano matapos nilang makubkob ang mga Espanyol sa Intramuros.

Ang monarkiyang konstitusyonal ay pinamumunuan ng isang monarka (Hari o Reyna) na ang kapangyarihan ay limitado at hindi lubos. Ang kapangyarihan ng monarka ay nakokontrol ng ibang mga pinunong pampamahalaan at ng mga karapatan ng tao. Despotism is a form of government in which a single entity, called the despot, rules with absolute power. Ang demokrasya ay, sa literal, ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala").
Ang monarkiya ay isang anyo ng pamahalaan na ang kataas-taasang kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang indibiduwal, ang pinuno ng estado, na kadalasang panghabang-buhay o hanggang pagbibitiw, at "buong itong hinihiwalay mula sa lahat ng kasapi ng estado. Pamahalaang Diktatoryal ang kapangyarihan dito ay nagmula sa iisang tao o pinuno lamang

Ito ay pamahalaang pinamumunuan ng isang tao lamang o maliit na pangkat. Ang pinunong ito ang siya lamang may ganap na kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng mga batas. Ang pinuno ay mayroong katulong sa pagmamasid kung sinusunod o hindi ng mga tao ang mga batas.

Ito ay pinamumunuan ng isang diktadura na ang layunin ay pahalagahan ang estado at hindi ang kagalingan ng tao o mamamayan. Ang kapangyarihan ay nasa iiisang pangkat lamang ng tao na walang maaaring sumalungat. Sa pamahalaang ito,ang lahat ng mga likas ay pag-aari ng estado.Magbubungkal ng lupa ang mga magsasaka na pag-aari ng gobyerno.Ito rin ang nagtatakda ng mga bagay na itatanim at lawak ng pagtatamnan.Maaring sabihing: sa Totalitaryan ay alipin ang mamamayan ang pamahalaan

ang pamahalaang presidensyal ay ang mga taong bayan ang may karapatang pumili ng kanilang magiging pinuno, ang tawag sa pinuno ay presidente...
Ang pamamaraang parlamentaryo ay kilala rin bilang parlamentarismo, ay makikilala sa pamamagitan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan na nakadepende sa tuwiran o hindi tuwirang suporta ng parlamento, na karaniwang ipinararating sa pamamagitan ng boto ng tiwala.

You might also like