You are on page 1of 4

Ampon ni Sandra Aguinaldo Ang dokumentaryong napanood mula sa koleksyon ng i-Witness ay hindi lamang tumatalakay sa sitwasyon ng mga ampon,

ng mga magulang na nagpaampon, at mga taong bukas-kamay na umampon sa mga batang hindi nila kadugo at kaano, ngunit isang repleksyon ng nagdokumentaryo na si Sandra tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Ang unang pananaw natin sa mga ampon ay mga batang pinagkaitan ng pagmamahal ng kanilang tunay na magalang. Sila umano ang mga batang ipinamigay. Sila ang mga batang mula sa mahirap na pamilya na hindi kayang sustentuhan ng kanilang mga magulang. Mga biyaya ng langit na nanggaling sa pangmomolestiya at mga ipinagbabawal na pagsasama. Sila din ang mga batang pinagkaitan ng mga magulang na may mabuting pag-iisip. Mga batang musmos mula sa mga kriminal, o di kaya ay nang mga may kapansanan na. Masalimuot nga siguro ang mga ipinagkaloob na buhay para sa mga batang ito, na kumpara sa atin na pinalaki, inaruga at minahal n gating mga inang nagluwal at mga amang nagtrabaho ng maigi. Ang mga walang kamuwang-muwang na mga bata na minalas na makadama ng baby pictures, ng breastfeeding mula sa tunay na ina, ng makisig na bisig ng ama, at mga malalambot na haplos ng ina. Sa mundong ito, at sa realidad ng katotohanan, masakit isipin na ang mga ampon ay mga batang walang nagmamahal. Sa dokumentaryong ito, samut saring emosyon at sitwasyon ang iprinisenta. May mga batang inampon ng mga social worker dahil sa pagmamahal, ngunit sinuklian ng pagrerebelde at pagsuway. May mga batang naging masaya sa piling ng mga umampon sa kanila, ngunit naghahanap pa rin ng kalinga mula sa tunay na kadugo. May mga batang naging masaya na sa piling ng mga kinalakihang ina at mga kapatid, na hindi na naghahangad na makilala ang tunay na magulang. May mga magulang na din na lubos na nasasaktan dahil kailangan nilang ipaampon ang kanilang dugo at laman ng siyam na buwan. May mga bata din, sa katauhan ni Sandra Aguinaldo, na itinatanggi sa kanyang sarili ang katotohanan na gusto pa din niya makilala ang kanyang tunay na ina, sa kabila ng pagmamahal at kasagahan na kanyang natamo sa piling ng bagong magulang. Isa lang naipadama ng dokumentaryong ito sa akin: ang mga ampon ay hindi mga batang walang pagmamahal. Sila pa nga, ang mga batang, punung-puno ng pagmamahal. Ang mga tunay nilang magulang na nagpaampon sa kanila ay mahal na mahal sila, kayat mas pinili nilang masaktan, mabigyan lang ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang mga anak. Ang mga magulang na umampon, tinuring na tunay na kadugo ang mga batang inampon nila pinalaki, inaruga, minahal. Sa kabuuan, ang mga batang ampon ay mas madaming pagmamahal na natatanggap kumpara sa mga taong hindi inampon. Dalawa na nga ang kanilang magulang, dalawang beses pa ang pagmamahal na natatanggap nila.

Isang mensahe lang mula sa akin bilang anak para sa mga batang ampon: ano man ang dahilan ng inyong mga magulang sa pagpapaampon sa inyo, lagi ninyong tatandaan na hindi ito dahilan upang sayangin natin an gating buhay sa hinagpis at pagrerebelde. Kaya kayo pinaampon ay dahil gusto ng tunay niyong mga magulang na maging maganda ang buhay niyo, kayat pahalagahan niyo ito. Hindi kayo ipinalaglag, o pina-abort binuhay kayo dahil mahal nila kayo. Para sa mga magulang na kinalakihan niyo, mahalin niyo sila tulad ng pagmamahal niyo sa tunay niyong mga magulang. Hindi araw-araw ay makakakilala tayo ng ibang tao na magmamahal at mag-aaruga sa atin na parang tayo ay kadugo at kalaman. Mahalin niyo sila at suklian ng kabutian at pagmamahal ang mga bagay na isinakripisyo nila para sa atin.

Iskwater ni Sandra Aguinaldo

Isa akong liberal na klase ng tao, at dahil sa dokumentaryong ito, napag-igting ko pa ang mga paniniwala ko tungo sa mga iskwater. Hindi ko gusto ang konsepto ng mga iskwater. Sila ang mga masayang namumuhay ng simple sa probinsya, na napaniwalang may gintong napupulot sa maynila. Lumuwas sila at nalaman na nangangain ng mahihina ang loob ang syudad na napuntahan nila. Dahil sa hirap ng kanilang nadatnan, nagtayo sila sa ilegal na lugar at namuhay dahil nakakaawa silang mga tao. Nakilala sa iskwater ang mag-asawa na nasunugan sa NIA road na nanirahan sa bangketa na may trapal kasama ng kanilang sanggol na anak. Ang asawa niya ay pedicab driver lang at pinagkakasya nila ang sampung piso nila sa pagkain. Anong sustansya ang nakukuha ni baby? Kapag umuulan, inaabot sila sa bangketa, at walang tigil ang irita ng sanggol. Nakakatuwa na naisip nilang bumalik na lang sa probinsya. Masyadong maraming self-proclaimed poor sa Metro Manila. At kapag sinabi kong self-proclaimed poor, o yung mga tao na tingin nila sa sarili nila ay mahihirap, kasama dito ang mga umasenso sa iskwater. Ito yung mga mauutak na yumaman dahil sa mga mahihirap na kumakapit sa patalim. Halimbawa, ang mga nagpapaupa ng mura sa iskwater, mga nagbibigay ng trabaho bilang tinder, kargador, etc. May isang negosyante sa NIA na may condominium unit na at kotse, ayaw pa ding umalis sa iskwater. Ang bahay niya pa, tatlong palapag at over-looking ang buong lugar ng mga ilegal na naninirahan. May isa pa na nakapagpaaral ng anak sa private school dahil sa mga paupahan niya sa mga bahay na nakatirik sa lupang hindi naman din sa kanya. Ang dahilan nila kung bakit ayaw nilang umalis? Masyado na daw silang matagal doon. Kung ihahambing ko ang utak nitong mga taong ito, para silang kumuha ng maraming sample ng free taste ng juice, at ibinenta sa mga runner na uhaw na uhaw. Kung papaiksian, ginamit nila ang kanilang utak upang pagsamantalahan ang mga mahihirap na nangangailangan. Dahil may nakukuha silang benepisyo sa iskwater, ayaw nilang umalis kahit pa may kapasidad na silang mamuhay ng legal. Ito ang mentalidad ng mga Pilipino na hanggat libre, sige lang ng sige. Hindi na nila iniisip kung tama o mali ba ang mga pinaggagagawa nila.

Sinasabi ng mga naninirahan sa iskwater na wala silang matitirahan. Kapag bumalik sila sa probinsya ay wala din silang makukuhang trabaho. Ginagamit pa sila ng mga politiko para sa boto kayat alagang-alaga sila. Sumbat pa nila kapag pinaalis? Wala daw puso at walang konsiderasyon. Ito rin ang isa pang mentalidad ng mga Pilipino: puro feelings, walang utak. Masyado natin binibigyang katwiran an gating mga emosyon, kayat napupuno tayo at hindi na makapag-isip ng tama. Sa mata ng batas, walang eksempsyon. Lahat ay walang dahilan upang makataas. Ang pagtira sa lupang hindi iyo ay mali: nakakaawa man tignan o hindi, mahirap ka man o mayaman. Binigyan solusyon na ito ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pabahay sa mga relocation sites, pero hindi pa din ito tinatanggap ng mga naninirahan sa iskwater. Dahilan nila ay wala daw trabaho doon, walang kuryente, walang tubig. Walang kuryente at tubig doon dahil walang gusting lumipat. Basta may tao, may trabaho. Karamihan din naman sa iskwater ay walang trabaho; ano pa ba ang mawawala sa kanila? Dinadahilan nila na maraming oportunidad na trabaho sa Maynila. Totoo ito sapagkat maraming nangangailangan ng man power gayong ang Maynila ang sentro ng kalakalan. Ngunit sa dami ng tao sa Maynila, mahigpit ang kompetisyon. Hindi mailalagay sa resume ang maawa na kayo, panggatas ito ng anak ko kayat tanggapin niyo ako. Muli, hindi puro emosyon ang pinaiiral sa trabaho, kundi ang kakayanan upang maging magaling na empleyado at makasabay sa mabilis na karera ng ekonomiya. Tanggapin natin na masama ang mundo. Ang buhay ay hindi lamang puro awa at base sa nararamdaman. Sabi nga, nasa diyos lang ang awa, pero tayo pa din ang gagawa. Hindi tayo aasenso sa pagpapapaawa at pagsasabi na mahirap tayo kayat kailangan natin ng tulong ng iba. Kung may tiyaga, may nilaga. Kung sobrang tiyaga, baka may fried chicken pa at roasted beef. Sa mundo, hindi lamang sa Metro Manila, aminin natin na hindi sapat ang puro damdamin lamang. Kailangan natin ng kalidad, ng bagay na makakapagpakita n gating kaibahan sa buong mundo. Makakamit natin ito sa tamang gabay, pag-aaral, pagpupursigi, at pangarap. Madaling isipin, pero mahirap gawin. Muli, hindi ko gusto ang konsepto ng iskwater. 25% lamang ng Pilipinas ang urbanized o may residential area. Sapat pa ito para sa lumolobong populasyon ng Pilipinas. Kung sa tingin mo ay hindi sapat, pakiusap lang, magtapos ka muna ng pag-aaral, at wag mag-anak ng marami.

You might also like