You are on page 1of 5

PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL BILANG 1 Araw ng Pagpasa: Setyembre 1, 2011 (Huwebes) I.

REAKSYON Sagutin nang patalata ang mga sumusunod na katanunngan: a. b. c. d. e. f. g. Tungkol saan ang tinatalakay ng Nobela? Ilarawan ang mga papel na ginagampanan ng mga pangunahing tauhan. Ano ang reaksyon ninyo sa kanilang papel na ginagampanan? Ano-ano ang mga mahahalagang kaganapan sa akda? Bigyan ito ng reaksyon. Ano ang mga naging epekto ng mga pangyayari sa akda sa iyo bilang isang kabataang Pilipino? Anong halagang pangkatauhan ang makikita sa Nobela? Bakit? Anong Teoryang Pampanitikan ang nangingibabaw rito? Bakit? Talakayin din ang mga mensaheng nais iparating ng akda sa mga mambabasa.

II. REPLEKSYON Ano ang iyong pangkalahatang repleksyon o pagninilay tungkol sa nobela?

REAKSYONG PAPEL BILANG: 1 Pangalan: Mary Claret Vianney T. Cantos Antas at Seksyon: IV- Dandelion Petsa: Setyembre 2, 2011 Layunin: Nakasusulat ng reaksyong papel kaugnay ng nobelang binasa.
.

RUBRIC/PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
DIMENSYON
Nilalaman Kalinawan, Kaisahan at Kaugnayan Wastong gamit ng mga salita, wastong baybay, wastong bantas at wastong grammar.

PUNTOS 50 30 20

ISKOR

KABUUAN

100

MABUHAY KA, ANAK KO Ni Pin Yathay

Layunin ng akda na iparating sa mga mambabasa ang kahulugan ng pagiging makabayan ng isang tao lalo na kung ang kanyang bayan ay nahaharap sa isang malaking suliranin gaya ng isang madugong digmaan. Ipinararating niya sa akdang Mabuhay Ka, Anak Ko ang pagiging makabayan o ang pagmamahal ng lubos ng mga Cambodian sa kanilang bayan sa likod ng mga pagsubok na kanilang sinagupa makamit lamang muli ang ninakaw sa kanilang kalayaan. Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sumibol ang pagiging makabayan ng mga Cambodian kung saan sinakop ng Hapon ang Cambodia. Sa halip na pinabayaan nila na sila ay matalian ng mga Hapones sa leeg ay mas lalo pa nilang hinigpitan ang paghawak sa kanilang karapatan kahit pa ang kapalit nitoy ang pagbubuwis ng kanilang buhay kung saan naipakita nilang lubusan ang pagmamahal sa kanilang bayan. Sa madaling salita, layunin ng akda na mabigyan ng isang malawak at makatotohanang kahulugan ang salitang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang nobela na malapit sa realidad ng buhay.

Si Thay ay nagbuhat sa Oudong,mataas ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa kanya kaya siyay ipinadala da Phnom Penh. Siyay pumunta sa France at doon nag-aral ng inhinyeriya. Doon niya din nakilala ang kanyang unang asawang si Thary. Nagkasakit si Thary noong ipinagbubuntis nya si Sudath at ng di lumaon lumalala ito at siyay namatay maging si Sudath. Nang lumaon ay nagpakasal sila ni Any na kapatid ni Thary at nagbunga ng dalawang anak na si Nawath at Staud. Noong mga unang taon ng dekada sitenta ay nataas sa pwesto si Thary at naging director ng Department of New Works and Equipment sa ministry. Ang posisyong ito ang nagbigay sa kanya at sa kanyang pamilya ng proteksyon laban sa kahirapang pampulitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Nawala ang nyutralidad sa pamumuno ni Sihanouk. Dumami ang mga Vietnamese sa bansa at dahil dito ay pinabomba ni President Nixon ang mga Vietnamese. Pinalayas ni Lon Nol sa pwesto si Sihanouk. Lumayas si Sihanouk putungong Peking at nakapagtatakang sumapi sa gerilyang Khmer rouge na dati niyang kalaban. Sa simulay naging maayos ang pamumuno ni Lon Nol. Ngunit nang maglaon ay naging pabaya din siya sa katungkulang ipinataw sa sarili. Sinugod siya at naparalisa ang kalahati ng kanyang katawan. Hindi nasugpo ang mga Vietnamese at ang gerilyang Khmer Rouge. Lalong lumaki ang inflation at ang palitan sa pagitan ng riel at dolyar. Si Thary ay sumama rin sa oposisyon kay Lon Nol. Gumawa siya ng

organisasyon na tinatawag na Bees Club mga propesyonal na may pantay-pantay na kaisipan. Ninais nilang magkaroon ng bansang nagkakaisa at kung maaari kasama ng mga Khmer Rouge. Pinatalsik sa puwesto si Lon Nol ng gerilya at naiwan sa gobyernong mamuno si Long Boret. Isang araw ay nagising si Thay dulot ng ingay ng digmaan; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Ginising niya si Any. Nagmadali silang mag-asawa sa pag-aayos sapagkat ilang oras na lang ay maaari na dumating ang mga sundalo. Ginising na din nila ang kanilang mga anak na sina Sudath, siyam na taong gulang at si Nawath na limang taong gulang. Pagkalipas ng ilang mga minuto ay nagising na din ang kanilang beybi na si Staud. Isang lingo na nilang alam, mula nang mag-alisan ang mg amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ang Gobyernong Republikano na si Marshal Lon Nol. Naghihintay na lamang sila ng tamang panahon upang makalipat kung sakali mang tamaan ang kanilang bahay. Nakipag kasundo na si Thay sa kanyang mga magulang na magkikita sila sa bahay ng kanyang pinsang si Oan na nakatira malapit sa bayan. Pinuno na nila nang gas ang kotse. Wala na silang ibang dapat gawin kundi ang mag-impake ng mga gamit, pera at ilang mga bagay na magagamit sa propesyon. Gayundin ang diksyunaryong FrenchEnglish. Biglang dumating ang nakatatandang kapatid ni Any na si Anyung na nagsasabing handa na ang kanyang mga magulang para sa pagalis. Habang binibihisan ni Anyung si Staud, nagbalot si Any ng mga pwedeng makakain ng mga bata. Pinagmasdan ni Thay ang kanyang paligid at naisip na mas mabuting pinaalis na niya ng bansa ang kanyang pamilya, sapagkat ayaw niya ang bulok na rehimen ni Lon Nol at wala siyang dapat ikatakot sa Khmer Rouge. Pinilit ni Thay na sumama ang kanilang mga anak sa mga magulang ni Any. At inilagay niya ang kanilang mga bagahe sa kanyang sasakyan habang naghahabilin sa kabila ng mga kaguluhan ng syudad. Balisa ang mga taong naglalakad sa kalye at mababasa mo sa kanilang mga mukha na hindi nila alam kung anong dapat gawin. May isandaang yarda na ang kanilang nalalakad ng biglang ang mga taoy nagtakbuhan ng makadinig ng pagsabog. Sa bandang kanan namay may usok na pumalibot at nagsidatingan ang mga ambulansya at bumbero. Naramdaman ni Thay na maaari pang bumalik ang digmaan, ngunit umaasa siya na babalik din ang dating Cambodia bago pa dumating ang digmaan. Makalipas ang higit dalawang oras na paglalakad ay nakarating na sila sa Psar Silep, ang pinakamagandang lugar sa Cambodia. Doon nakatira ang pinsan niyang si Oan. Magandang tagpuan ang kanilang bahay sapagkat itoy may mataas na bakod at may pintuang bakal. Si Oan ay mag-isa lamang na nakatira doon sa ngayon sapagkat ang kanyang asawa, anak at biyenan ay nakaalis na ng bansa. Nang silay pumasok na sa bahay ay nagulat sila sa dami ng kanilang kamag-anak na naroon. Naghanda ng makakain ang mga kababaihan maliban kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Siya y magiliw siya gaya ng kanyang ateng si Keng at aktibo pagdating sa usapang pulitika. Lumapit ang kapatid ni Thay sa kanya at nagtanong tungkol sa nangyayari sa bansa. Dalawang taon ang kabataan sa kanya ni Theng, may asawa at tatlong anak, guro sa primarya at higit na interesado sa basketbol kaysa pulitika. Biglang dumating si Sim ang pinsan nilang disiotso anyos na walang inatupag kundi ang maglakwatsa kasama ang barkada. Nagusap-usap ang kanilang pamilya tungkol sa nangyayari sa kanilang bansa habang kumakain ng mga inihahanda ni Any. Sa pagdedebate ng kanyang mga kamag-anak, naalala ni Thay ang panahon ng pakikipagusap niya sa kanyang mga magulang. Pilit nilang sinasabi na komunista at masama ang Khmer Rouge. Ngunit ayaw niyang maniwala sapagkat kampante siya sa mga kaalaman niyang nalalaman at naniniwala siya ang mga Cambodian ay relihiyosong tao. Pagkaraan ng ilang oras ay may narinig silang pamilyar na boses

na nagsasalita sa radio at agad nilang pinalapit ang kanilang mga kamag-anak. Iyon palay Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Sinabi nitong huwag na silang matakot sapagkat tapos na ang digmaan. Pagkaraay isang boses pa ang nadinig kay Heneral Mey Sichan na nagsasabing sumuko na ang mga rebelde upang hindi dumanak ng dugo. Pagkatapos ay may biglang umagaw ng mikropono na nagsasabing tapos na ang laban, sumuko na ang gobyerno. May isang trak ng militar ang dumaan sa harap ng bahay. Tumatakas ang isang sundalo ngunit nahabol ito na isang Khmer Rouge na may hawak na riple. Naging maluwag na ang lahat sa kanila, silay nagbiruan na at nagsimulang magsiuwian na ang iba. Ngunit isang tagapamahala mula sa bahay ng biyenan ni Oan ang nagsabing pinalayas sila ni Khmer Rouge. Hindi nila alam ang dapat gawin kaya nanghingi sila ng mga impormasyon at gabay ni Patriarkang Huot Tat. Dali-dali silang umalis papunta sa pagoda kung nasaan ang patriarka ng kanilang mga sasakyan ngunit sadyang maraming tao ang naglalakad kaya napakabagal ng usad. Dumating na sila sa pagoda at agad nilang nakilala ang ilang mga heneral na kasapi ng gobyerno. Sinabi ng patriarka na hindi makatwiran ang ebakwasyon. Nag-utos ang isang monghe na tawagan ang Cambodian Red Cross at Opposition Democratic Country. Nais sanang makapagbigay ang mga ito ng impormasyon tungkol sa Hotel Le Phnom at French Embassy. Umalis ang heneral kasama ang isang monghe. Gulung-gulo sina Thay at ang kanyang mga kasama sa mga pangyayari kayat pinili muna nilang maglakad-lakad at magkwentuhan. Patuloy na naging kainip-inip habang humahapon. Mag-aalasais na nang dumating ang kinatawan ng patriarka. Sinabi niya na maraming opisyales ang nasa miting kasama ang Prime Minister na si Loleng Boret. Tumabi ang isang monghe sa opisyal ng isang Khmer Rouge nakiharap ito ng buong galang. Pinuri ng opisyal ang mga kabutihan ng Khem rouge at sinabing maisasagawa na ang muling pagtatag ng bansa.Napag-usapang walang kabuluhan ang utos tungkol sa ebakwasyon at naging panatag na ang lahat. Kinagabihan ay natulog sila sa nakalatag na banig sa sahig ng pagoda. Mag aalsa-nwebe na ng gabi nang may isang opisyal ng Khmer Rouge ang pumasok sa pagoda na may dala-dalang pisto, nakita niya ang mga bisekleta at talong motorsiklo. Tinanong niya kung kanino iyon ngunit walang sumagot, itinutok niya ang baril at muling nagtanong ngunit wala pa ring sumasagot. Isunuksok niya ang baril at pinuntahan ang isang motorsiklo, pinutok niya ng dalawang beses ang baril upang matanggal ang kadena nito. Dali-dali siyang umalis at pagkalipas ng ilang minuto dumating pa ang dalawang kalalakihan at kinuha ang dalawa pang motorsiklo. Napagtanto ni Thay na yoon na ang unang babala na mawawasak na ang mabubuting kaugaliang taglay nila sa loob ng maraming daangtaon. Nang itinanong ng panganay na anak nila Thay at Any kung kalian sila uuwi ay hindi nakaimik si Thay at sinabi na lamang ni Any na bukas na sila uuwi upang maging panatag na ang kalooban nito.

Ang nobelang Mabuhay Ka, Anak Ko ay tumatalakay sa pagiging makabayan o pagiging nasyonalismo kung saan itoy nangangahulugan ng pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon sa isa't isa. Ito rin ay itinuturing na pananaw ng isang indibidwal bilang kasapi ng isang bansa o kaya ay pagnanasa ng isang indibidwal na paunlarin at palakasin ang isang bansa.Ito rin ay tumatalakay sa kagustuhan ng isang tao na maging malaya kahit ibuwis niya ang kanyang buhay. Ito ay tumutukoy sa isang panghahawakang may karapatan. Ang nobelang ito ay tumatalakay sa Pagmamahal sa bayan lalo na sa oras ng kahirapan.

You might also like