You are on page 1of 1

Mga Lihim #1: anton and jojo

Malungkot si anton na nakadungaw sa bintana. araw ngayon ng pag-alis ng


bestfriend niyang si jojo pabalik sa maynila, pero hindi niya ito pinuntahan para
magpaalam. pinalipas na lang niya ang oras sa paninigarilyo at pagdungaw sa bintana.
marahil umaasa siyang dadaan si jojo sa kanila bago tuluyang umalis. “pero bakit naman
niya ito gagawin?” bulong ng kaniyang isip. sa dalawang taong nagging bestfriend sila ay
ngayon lang sila nag-away nang todo.
hindi naman talaga taga santa ana si jojo. tubong olongapo siya at kaya lang
napadpad sa cagayan ay dahil dito ang kaniyang destino bilang social worker. at dito na
niya nakilala si anton na anak ng kapitan sa isang barangay. mula nang magkakilala sila
ay nakagaanan na nila ang loob ng isa’t isa. dahil bago sa lugar si jojo, si anton ang
naging guide niya sa pagpunta sa iba’t ibang barangay sa santa ana. at kahit graduating
student na siya, hindi siya nawawalan ng oras na tumulong sa trabaho ng kaniyang
bestfriend.
naging malapit din si jojo sa mga magulang niya. minsan sa bahay na nila siya
natutulog kapag nag-oovertime sa trabaho. mas lalo pa silang naging close. minsan
binanggit ni jojo sa kaniya,” ton, pag nakagraduate ka at nakapasa ka sa board exam,
tawagan mo ako at hahanapan kita ng mapapasukan mo sa maynila”
pero parang hindi na yun matutupad. dahil sa pag-alis ng kaniyang bestfriend ay
sama nang loob ang pabaon niya dito. ngayon ay nagsisisi na siya. gusto niya itong
habulin kanina para humingi ng tawad. pero hindi niya nakaya. marahil sa hiya wala
siyang mukhang ipapakita.
pasado alas sais na nang dumating ang tatay niya. “ton kaaalis lang ni jojo. inabot
siya ng hapon dahil nakipagmeeting pa sa amin kaya ayun, kaaalis lang ng bus na
sinakyan niya. eto nga’t may sulat siya sayo. bakit naman kasi hindi mo hinatid?” inabot
niya ang sulat at kaniya itong binasa:

anton,
masakit sa loob ko ang hindi makapagpaalam sa iyo. pero ito ang gusto mo, kaya
wala akong magagawa. pero sana naman huwag mong itanggi sa sarili mo na hindi mo
ako minahal kahit minsan dahil hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ito.
anton bakit ayaw mong tanggapin ang totoong sarili mo? bakit kailangan mo pang itago
kung malalaman rin ito ng lahat? mahal na mahal kita at handa kitang ipaglaban sa
mundong ito kahit pa anung sabihin ng tao. maghihintay ako anton, kahit hindi ako
siguradong babalik ka pa sa akin.

jojo

You might also like