You are on page 1of 2

Mga Dapat Tandaan Kung Bibili ng

Bahay at Lupa
Bago Bumili
1. Alamin sa owner/developer/ brokers/salesmen kung
ang project ay naka rehistro at may license to sell
sa HOUSING LAND USE REGULATORY BOARD
(HLURB). Malalaman ito sa website na
www.hlurb.gov. ph ang listahan ng mga project na
may License to Sell, o di kaya ay magtungo sa
pinakamalapit na tanggapan ng HLURB upang
malaman kung ito ay may "license to sell".
Matatagpuan dito ang mga pangalan ng Regional
Officers at addresses at numero ng telepono ng
Regional Offices.
2. Kapag may license to sell na po nangangahulugan
na pwede na kayong bumili ng unit sa nasabing
developer.
3. Alamin sa broker kung siya ay naka rehistro sa
HLURB.
4. Alamin sa kopya ng License to sell ng developer
kung kailan tatapusin ang proyekto.
5. Alamin kung nakasanla ang proyekto at kung ito ba
ay may pahintulot ng HLURB.
6. Alamin kung nagkakatugma ang brochure at
advertisement sa approved plan ng project.
(Makikita ito sa project docket sa HLURB)
7. Alamin kung saan ang kinatatayuang lugar ng
bibilhing bahay.
Kapag Bibili na
1. Alamin kung kaya ng budget nyo ang equity at
buwanang hulugan.
2. Alamin kung hinde substandard ang materyales ng
bahay, at ito ay sang-ayon sa approved
specifications. (Makikita sa project docket sa
HLURB)
3. Alamin ang mga basic necessities kagaya ng ilaw
at tubig, drainage, open space, etc.
4. (Makikita din sa project docket sa HLURB)
5. Alamin kung kasama sa presyo ng housing unit ang
halaga ng water system at kung sino ang
magpapatakbo nito, electric meter, pagpabakod ng
proyekto, etc.
6. Alamin kung isa lang kayong magmamayari nito, at
hinde nabenta na sa iba ang property.
7. Tiyakin na ang contract to sell ay irerehistro ng
developer sa Registry of Deeds.
Bago Pumirma ng Contract to Sell
1. Tingnan ang maliliit na letra ng kontrata at basahin
mabuti ang lahat ng nakasaad dito
2. Huwag pipirma sa blangkong papel
3. Alamin ang taong otorizadong tumanggap ng
paunang bayad (equity) at buwanang bayad.
(monthly installments)
4. Humingi ng official receipt ng owner/developer sa
binayad na halaga at kopya ng kontrata.

You might also like