You are on page 1of 1

OCT.

17, 2011 DATE

NR # 2559
REF. NO.

Pananatili ng Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs, pinalawig


Inaprubahan sa iaktlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ang joint resolution na naglalayong palawigin ng sampung taon pa ang pananatili ng Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs. Sa House Joint Resolution 16, na inihain sa pangunguna ni Rep. Vicente Belmonte, Jr. (Lone District, Iligan City), Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, layunin nito na payagan ang Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs na muling pag-aralan at busisiin nag mga polisiya at paraan ng pagpapatupad ng ibat-ibang agensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa iligal na droga o ang Republic Act 9165 na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kasabay ng pagsasagawa ng konsultasyon sa mamamayan. Ayon kay Belmonte ang resolusyona ng siyang magtatakda at magbibigay mandato sa nabanggit na komite na bumuo ng mga panuntunang dapat sundin kunbg papaanong mamamatyagan ang pagkilos ng iligal na droga sa bansa. Ang nabanggit na komite ay bubuuin ng pitong miyembro mula sa Mababang KApulungan at pito rin mula naman sa Senado na pamumunuan ng mga chairman ng komite ng Committee on Dangerous Drugs sa Kamara at Committee on Public Order and Illegal Drugs sa Senado. Ayon kay Belmonte tungkulin ng Oversight Committee na masiguro na umiiral ang transparency sa implementasyon ng batas at dapat ay magsumite ito ng ulat mula sa mga ahensiya ng gobyerno na nagpapatupad ng programa, proyekto at polisiya tungkol sa iligal na droga Ito rin ang mag-aapruba ng pondo para sa mga programang dapat ipatupad, mga dapat pagkagastusan ng tanggapan kasama na ang compensasyon ng mga empleyado nito, ani Belmonte. Ilan sa mga nagusulong din sa resolusyong ito ay sina Reps. Winston Castelo (2nd District, Quezon City), Romero Federico Quimbo (2nd District, Marikina City), Jeffrey Ferrer (4th District, Negros Occidental), Nelson Collantes (3rd District, Batangas), Leopoldo Bataoil (2nd District, Pangasinan) at Maria Milagros Magsaysay (1st District, Zambales). (30) sb

You might also like