You are on page 1of 1

OCT.

18, 2011 DATE

NR # 2560B
REF. NO.

Sanitation inspector itataas ang sahod


Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes para lalong palakasin ang programang pangkalusugan ng pamahalaan. Inihain ni Rep. Edgar San Luis ang House Bill No. 5314 na naglalayong itaas ang sahod ng sanitation inspector upang pasiglahin at makahikayat ito sa maraming tao na gustong mamasukan para sa posisyon. Sinabi ni San Luis na lalong matutugunan nito ang problema sa mga barangay sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at wastong pamamaraan sa kalinisan na magpapataas ng malinis na kabuhayan sa komunidad. Sa ilalim ng panuakala, ang posisyon ng sanitation inspector ay itataas sa next higher salary grades ay ang mga sumusunod: Sanitation Inspector I mula SG 06 to SG 09, Sanitation Inspector II mula SG 08 to SG 11, Sanitation Inspector III mula SG 11 to SG 13, Sanitation Inspector IV mula SG 13 to SG 15, Sanitation Inspector V mula SG 15 to SG 17. Sila ang katu-katulong ng health units sa mga komunidad para sa prevention ng epidemic at outbreak ngmga sakit gaya ng dengue, cholera, meningococcemia at iba pang nakamamatay sa sakit, wika ni San Luis. (30) eag

You might also like