You are on page 1of 1

OCT.

19, 2011 DATE

NR # 2561
REF. NO.

Imbestigasyon sa motorcycle racing


Magsasagawa ng imbestigasyon ang House committee on youth and sports kaugnay sa pagkamatay ni Maico Buncio, ang national superbike champion sa Clark International Speedway noong Mayo 16, 2011, sa bisa ng House Resolutions 1284 at 1289. Dahil dito, nagbigay ng derektiba ang chairman ng Komite na pinamamahalaan ni Rep. Renato Unico (1st District, Camarines Norte) sa Philippine Sports Commission (PSC) na maglabas ng mga pamantayan para maiwasan ang sakuna sa motorcycle racing at iba pang kauri ito. Hindi tayo nakikialam sa gawain ng National Sports Association, nais lamang nating isaayos ang lahat sa tulong na rin ng PSC, sabi ni Unico. Sa pagdinig ng Komite, tiniyak ni PSC chairman Ricardo Garcia na maglalabas ng mga pamantayan ang ahensiya at iba pang stake holder para hindi na muling maulit muli ang ganitong aksidente. Batay sa mga pag-aaral, sinabi ni Unico na karamihan sa mga sakunang nangyayari ay tuwing sa insayo kaysa sa aktuwal na karera. Nakatawag ito ng pansin na kailangang bumalangkas ng mga safety measures para maiwasan na ang mga sakuna sa lahat ng antas ng palakasan. (30) eag

You might also like