You are on page 1of 2

MGA EPEKTO NG MULTI-GRADE TEACHING SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL MULA SA UNA HANGGANG IKALAWANG BAITANG NG MONTESSORI DE NATIVIDAD

ni

VICTORIA P. DE GUZMAN ng Paaralang Graduado

Oktubre 22, 2011

KABANATA I SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO

I.

PANIMULA Ang salitang multi ay nangangahulugang marami, ang salitang gradeay baitang at

teaching ay pagtuturo. Kung gayon ang salitang Multigrade Teaching ay nangangahulugang pagtuturo ng dalawa o higit pang baitang sa loob ng isang silid-aralan. Ang Multigrade Teaching ay isang sitwasyon kung saan ang isang guro ay nangangailangang magturo sa dalawa o higit pang baitang sa magkaparehong oras. May mga pagsubok na dapat harapin ang ganitong uri ng pagtuturo. Una, pagpapalano ng aralin. Mahirap hatiin ang oras sa dalawa o higit pang baitang upang magturo. Kailangang masiguro na sa nasabing oras ay tunay na mauunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Ikalawa, espasyo. Dahil sa pinagsama nga ang dalawa o higit pang baiting magiging pagsubok ang silid ng pagkatuto ng mga bata. Alam naman natin na salik sa pagkatuto ng bata ang komportableng silid-aralan. Kailangang maging komportable ang mga bata kahit ang mga baitang ay magkasama sa isang silid-aralan. At ang ikatlo, ugali. Ang mga bata mula sa magkakaibang baitang ay may magkakaibang ugali. Ayon sa sikolohiya, ang mga bata ay dumaraan sa magkakaibang stages batay sa kanilang edad. Magiging pagsubok sa pag-unawa ang ugali ng mga bata sapagkat sila ay magkakasama sa iisang silid-aralan. Maaaring umusbong ang di pagkakaunawaan at superiority ng mas nakatatanda.

You might also like