You are on page 1of 1

OCT.

24, 2011 DATE

NR # 2566
REF. NO.

Alagang hayop iligtas sa sakit


Pinag-iingat muli ang taumbayan sa posibleng pagsiklab ng sakit sa mga hayup gaya ng foot and mouth disease, brucellosis, pasterellosis, smallpox, rabies at iba pang uri ng sakit na magbibigay ng negatibong epekto sa ekonomiya at sa kalusugan ng indibiduwal. Sa House Bill no. 5372 na inihain ni Rep. Rafael Mariano (Party list, Anakpawis) ino-obliga ang local government unit, lalo na sa mga lalawigan na magtalaga ng veterinary officer para mapigilan at matugunan ang problema ng pagkalat ng nakakatakot na sakit. Sa pag-aaral ng Bureau of Agricultural Statistics, sinabi ni Marinao na ang taunang produksyon ng kalabaw noong 2001 hanggang 2010 ay umabot ng 135.82 thousand metric tons habang ang baka naman ay umabot ng 249.41 thousand metric tons. Sa paherong taon, umabot ang produksyon ng baboy sa 1,782.04 thousand metric tons, kambing 75.05 thousand metric tons, manok 1,226.17 thousand metric tons at bibe 46.07 thousand metric tons. Malaking epekto ito sa kalusugan ng tao kapag dinapuan ng sakit ang mga kinakaing hayop. Para maiwasan ang mga ito, dapat magtalaga ng veterinary service na makakatulong sa publiko ng wastong pag-aalaga ng hayop, sabi ni Mariano. (30) eag

You might also like