You are on page 1of 1

OCT.

25, 2011 DATE

NR # 2567
REF. NO.

Protocol sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam, nais busuisiin ng Kamara kung naipatutupad
Nais busisiin ng Mababang Kapulungan kung naipatutupad ba ng mga nangangasiwa ng dam ang tamang alituntunin sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam upang maiwasan ang labis-labis na imbak na umaabot sa pagkasayang ng tubig. Ayon kay Rep. Agapito Guanlao (Party-list, Butil), may akda ng House Resolution 1792, ang ginawang pre-emptive release ng tubig mula sa anim na dam sa Luzon noong nakaraang buwan bago pa man tumama ang bagyong Pedring sa lupa, ay nagging sanhi pa ng paglala ng baha na nagging sanhi upang masira ang mga sakahan, mga kalsada at pananim, at maging pagkawala ng buhay ng ilang mamamayan sa apektadong lugar. Tinatayang umabot sa P6.6 bilyon ang naapektuhan ng dam overflow at ang dumadalas na pagdaan ng bagyo sa bansa at ilan pang mga dahilan upang magkaroon ng pre-emptive release ng tubig sa mga dam, ilan lamang ito sa mga dahilan upang muling pag-aralan ng Kamara ang protocol o ang alituntuning sinusunod hinggil dito, ani Guanlao, Chairman ng House Committee on Food Security. Anim na dam, ang San Roque, Angat, Ipo, Ambuklao, Binga at Magat ang nagpalabas ng tubig noong nakaraang buwan upang maiwasan ang pag-apaw nito at posibleng mas masamang epekto, dahil sa paparating na bagyong Pedring. Ayon pa kay Guanlao nauna na ring nanawagan ang pamahalaan ng Pangasinan at Bulacan sa Malacanang upang rebisahin ang flood control protocols. Sinisisi ng pamahalaan ng Pangasinan at Bulacan ang luma at paso ng batas na pinaiiral ng pamahalaan hinggil sa irigasyon na naging sanhi umano upang manganib ang kanilang lugar dahil sa baha.(30) sb

You might also like