You are on page 1of 1

OCT.

27, 2011 DATE

NR # 2569B
REF. NO.

Bawal ang military sa lugar na may hidwaan sa paggawa at pagsasaka


Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na magbabawal magpadala ng anumang pangkat ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa lugar na mayroong hidwaan sa paggawa at pagsasaka. Sinabi ni Rep. Teddy Casino (Party-list, Bayan Muna) layunin ng House Bill No. 5374 na ipatupad ang karapatan ng mga manggagawa at magsasaka na mag-organisa at magsama-sama at siyasatin ang ulat sa patuloy na paglabag sa kanilang karapatan. Tinukoy ni casino ang nangyaring marahas na pagtaboy sa mga mangagawa sa Hacienda Luisita na nagresulta sa pagkamatay ng 14 katao at 133 ang sugatan noong Nobyembre 16, 2004. Mga elemento mula sa Philippine Army ang ikinalat sa lugar lulan ng 10 military trucks at armored personnel carrier para ipatupad ang assumption of jurisdiction na inisyu ni dating Labor Sercretary Patricia Sto. Tomas, dagdag pa ni Casino. Sa ilalim ng panukala, bukod sa Presidente, walang sinumang mag-uutos na magpakalat ng tauhan ng military para ipatupad ang batas sa lugar na mayroong hidwaan sa paggawa at pagsasaka. (30) eag

You might also like