You are on page 1of 1

NOV.

1, 2011 DATE

NR # 2574
REF. NO.

20% diskwento sa guro


Mabibigyan ng diskwento sa pamasahe, health services, hotel, restaurant at recreational facilities ang mga guro sa pampublikong paaralan sa pamamagitan ng kooperasyon at koordinasyon ng gobyerno sa mga pribado at pampublikong kompanya. Sa House Bill no. 5410 na iniakda ni Reps. Reps. Christopher Co, Rodel Batocabe and Alfredo Garbin Jr. (Party-list AKO Bicol) 20% diskwento ang ibibigay sa mga guro mula sa government-owned and controlled corporations o private entities na nag-o-operate ng public transport facilities,maging ito ay sasakyang pang-lupa, pang-dagat o panghimpapawid. Sa ospital, medical and dental services, kabilang ang gamot mula sa botika at drug companies; sa hotels, lodging houses, restaurants at eateries, and recreational facilities, gaya ng cinema houses, circuses, carnivals; at, on gym o iba pang facilities na nag-o-offer ng physical fitness program. Bibigyan ng prayoridad ng mga lending institution ng gobyerno ang mga pampublikong guro na maka-utang para matustusan ang livelihood at iba pang incomegenerating projects. Ang pribilehiyong diskwento at benepisyo na nabanggit sa panukala ay doon lamang sa personal account ng public school teachers bilang kabayaran sa serbisyo na nagamit niya sakaling gamitin ito ng kanyang kamag-anak na hindi kwalipikado. Papayagan ng panukala na ibawas ang magiging kwenta sa taxable income ng public at private entities na nagbigay ng diskwento. (30) eag

You might also like