You are on page 1of 1

NOV.

1, 2011 DATE

NR # 2574B
REF. NO.

Aksidente sa mga drainage system nais iwasan


Upang maiwasan ang aksidente tulad ng pagkalunod sa mga agusan ng tubig o drainage, inihain ngayon ng isang mambabatas ang panukalang naglalayong itatag ang Drainage Safety Act na naglalayong magkaroon ng iisang sukat na susundin sa paglalagay at pagpapanatili ng drainage system sa bansa. Ayon sa panukala ng inihain ni Rep. Ma. Theresa Bonoan-David (4th District, Manila) layunin ng House Bill 5344, na maiiwas ang mga mamamayan na maaksidente at mahulog sa mga agusan ng tubig na kadalasang naiiwanang bukas at walang takip. Nakasaad sa panukala ni Bonoan-David ang paglalagay ng mga babala sa lahat ng mga may drainage system na pinaglalagusan ng tubig lalo na kung malakas ang buhos ng ulan at kadalasan ay nagiging sanhi upang hindi mapansin ito. It ay upang maiiwas ang mamamayan, higit sa lahat ang mga bata na maaksidente sa mga agusang ito. Inaatasan din ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagbabatay, pagpapanatili at pagmimintina ng mga drainage system sa bansa, nag awing regular ang pagbisita sa lahat ng drainage system ng sa gayon ay mapanatiling ligtas ang mga ito at hindi maging daan upangh mapahamak ang mamamayan. Dapat din siguruhing mayroon sapat na lagusan at maaaring daanan ang bawat drainange system, upang kung sakaling may aksidenteng maganap ay maaari itong buksan at mapasok ng magtatangkang tumulong sa pagliligtas ng taong naaksidente. (30) sb

You might also like