You are on page 1of 6

UNAWAIN ANG PAGGANA NG ATING MGA SENSE ORGANS

Session Guide Blg. 1B

I MGA LAYUNIN

1. Naipaliliwanag ang gamit ng tainga

2. Natutukoy ang mga bahagi ng tainga

3. Naipaliliwanag ang gamit ng mga bahagi ng tainga

4. Nakagagawa ng paraan para mapangalagaan ang tainga

II PAKSA

A. Aralin 1B : Ang Pandinig; pahina 9-16


Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Kakayahang makiisang damdamin, pansariling
kamalayan, pag-aangkop ng sarili sa mga emosyon o
saloobin, kasanayang magpasya o magdesisyon at
kasanayang makipagkapwa o makibagay sa kapwa

B. Kagamitan : Larawan ng tainga, manila paper, pentel pen, scotch


tape

III PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Isang Tanong, Isang Sagot

a. Anong sense organ ang ginagamit upang makita ang


kagandahan ng kapaligiran?
b. Anu-anong parte ang bumubuo sa panlabas na bahagi ng
mata?
c. Paano dumadaloy ang imahen na natanggap ng mata
papunta sa utak?

Ang pinakamaraming sagot ang panalo.

2. Pagaganyak

1. Patayuin ang mga mag-aaaral.


2. Magparinig at gayahin ang tunog ng iba’t ibang uri ng
hayop.

3. Magparinig at gayahin ang tunog ng sasakyan, ulan at


bagyo.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Magbrainstorming session sa klase. pasagutan ang mga


sumusunod na tanong:

a. Anong bahagi ng katawan natin ang ginagamit upang


marinig ang mga tunog na ginawa ninyo?

b. Ipakita ang larawan ng tainga. Katulad ng mata, ang tainga


ay binubuo ng iba’t ibang bahagi.

c. Ipabasa nang tahimik ang Pag-aralan at Suriin Natin sa


pahina 9-10.

2. Pagtatalakayan

a.. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat


ay bibigyan ng manila paper.

b. Gagawin ng unang pangkat ang unang bahagi at ang


pangalawang bahagi naman sa pangalawang pangkat. Ang
sagot ng bawat miyembro ng grupo ay hindi dapat
magkapareho.

Unang bahagi

1. Gumawa ng balangkas o outline tungkol 3 suson/rehiyon sa


tainga at mga bahagi na bumubuo rito.

tainga
3 suson/rehiyon
2. Ilarawan ang mga bahagi ng tainga na nasa panlabas na
suson.

Bahagi Deskripsyon Gamit


a. auricle
b. external auditory canal

Pangalawang bahagi

1. Ilarawan ang panggitnang suson ng tainga at ang mga


butong maliliit na matatagpuan dito.

Bahagi Deskripsyon Gamit


a. eardrum
b. auditory ossicles

2. Ilarawan ang panloob na suson ng tainga


Bahagi Deskripsyon Gamit
a. cochlea

3. Bigyan ang bawat pangkat ng 10 minuto upang makapag-isip


at maisulat ang ideya na kanilang nabasa.

4. Pagkaraan ng 10 minuto, magpalitan ng papel at ipasulat ang


kanilang ideya.

5. Ibabahagi sa bawat pangkat ang kanilang kasagutan sa


pamamagitan ng pagpili ng isang miyembro na siyang mag-
uulat

6. Talakayin ang mga naging kasagutan ng mga mag-aaral.

7. Itanong:

a. Paano dumadaloy ang tunog sa loob ng tainga?

Ipakita sa klase ang daloy ng tunog.

tunog auricle external auditory canal

eardrum auditory ossicle cochlea

utak

3. Paglalahat

Kunin ang kuru-kuro ng bawat mag-aaral sa


pamamagitan ng sagot sa mga tanong na:

• Anong bahagi ng katawan ang ginagamit upang marinig


ang ibat ibang tunog?

• Ilang suson/rehiyon mayroon ang ating tainga?

• Anu-ano ang mga maliliit na buto ang matatagpuan sa


ating tainga?

Pagsasamahin ang kuru-kuro at buuin tulad nito:

• Ginagamit ang tainga upang marinig ang iba’t ibang tunog.


• Ang tatlong suson/rehiyon ng tainga ay panlabas na suson,
panggitnang suson at panloob na suson.
• Ang hammer,anvil at stirrup ay mga maliliit na buto na
matatagpuan sa ating tainga.

Ipasulat ito sa kanilang individual journal.

4. Pagpapahalaga

Ipakita ang ilang gawain na nagpapakita ng paggalang sa mga


taong may kapansanan sa pandinig.

Humingi ng volunteer para sa gawaing ito.

5. Paglalapat

Magpasulat ng kanilang mungkahi at ipaskil sa pisara.

Anu-ano ang mga dapat gawin para mapanatiling maayos at


maganda ang ating tainga?

Analisahin ang mga suggestion. Magbuo ng consensus sa


mga dapat gawin at isulat ito sa pisara. Kopyahin sa kanilang
notebook.

IV PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod:

Ano ang Ano ang Ano ang dapat ko Ano ang


nalalaman ko? natutunan pang matutunan? naramdaman ko?
ko?

V. KARAGDAGANG GAWAIN

1. Gumupit ng isang artikulo sa newspaper tungkol sa tainga


2. Magsaliksik tungkol sa mga bahagi at gamit ng organ na pang-
amoy, panlasa at pandama. Ihanda ito upang magamit sa
susunod na aralin.

You might also like