You are on page 1of 1

NOV.

5, 2011 DATE

NR # 2578
REF. NO.

Palpak na pamamalakad sa mga dam, nais busisiin sa Kamara


Nais paimbestigahan ni Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado (1st District, Bulacan) sa Mababang Kapulungan ang umanoy palpak na pamamalakad sa mga dam na nasa paligid ng Bulacan na naging sanhi ng malawakang pagbaha at dagdag na pasakit sa mamamayan ng nasabing lalawigan nang manalanta ang mga bagyong Pedring at Quiel sa bansa kamakailan. Ayon kay Sy-Alvarado dapat magkaroon ng unified inter-agency protocol para sa lahat ng pagngangasiwa ng mga dam sa bansa upang maiwasang muling maganap ang pasakit na dinanas ng mga taga Bulacan at kalapit na lalawigan. Ang solusyong pagkakaroon ng unified inter-agency protocol na susundin sa pamamalakad ng lahat ng dams sa bansa ay bilang tugon na rin sa kasalukuyang kalagayan ng panahon na aangkop sa kasalukuyang kapaligiran at ang nagbabagong klima ng bu9ong mundo o climate change, ani Sy-Alvarado. Ayon kay Sy-Alvarado ang dam management ay susunod sa panuntunan at pamumunuan ito ng National Water Resource Board na magsisilbing leade agency sa paghahati-hati ng tubig sa mga irigasyon ng National Irrigation Administration, gamit sa bahay o domestic supply ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, at para sa hydroelectric power generation ng National Power Corporation. Masyado ng paso ang protocol na sinusunod sa kasalukuyan at hindi na angkop sa sitwasyon ngayon kaya kinailangan na itong palitan at iakma sa kasalukuyan panahon, dagdag pa ng mambabats. Ayon pa sa mambabatas madalas na hindi naisasama sa konsultasyon ng pagdedesisyon ang mga lokal na pamahalaan tulad na lamang nang naganap ang pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel kung saan lubog na sa baha ang mga residente ng Bulacan, ito ay lalo pang lumala dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa mga umaapaw na uamnong dam Ang panawagan ni Sy-Alvarado, Vice Chairperson ng House Committee on Small Business and Entrepreneurship Development, ay idinaan niya sa House Resolution 1804, na naglalayong magkaroon ng malinaw na alituntunin at sistema ng pamamahala ng mga dam sa bansa, partikular na yaong nasa paligid ng Bulacan, upang maiwasan ang muling paglubog sa baha ng mga mamamayang naninirahan dito. Nauna rito, nanawagan na rin si Rep. Agapito Guanlao (Party-list Butil) ng imbestigasyon at pagrebisa sa sinusunod na patakaran at sistema ng mga dam sa bansa. Sa kasalukuyan mayroong anim na dam, ang San Roque, Angat, Ipo, Ambuklao, Binga at Magat, na umanoy nagpakawala ng tubig bilang paghahanda sa paparating pa lamang noon na bagyong Pedring (30) sb

You might also like