“Jetplanes” Sa Tulang Panulat ng Aking Pluma by EIC
Nakita ko siyang tulad din ng iba’y nagsusulat at sa likmua’y
nakaupo Sa simula’y hindi talastas ng kaabalahan ko ang kaniyang kariktan Aba naku ay! Mga dalawang bayan pala ang layo ng kaniyang silangan… Hayun! Isa, dalawa, tatlo’t apat at nakikipaghunt6ahan pa Sa kaniyang mga kaibigang mula sa Barreto, Subic, Cabala’t Cabangan ang bayan, Sa bawat pangungusap na pinigil – tinipid ng sa panyo’y pagtakip Sa mga ngiting pinaningning ng mga ngiping may bakod na bakal Ay heto’t ngumingiti rin ang kaniyang mga mata sa kasiyahan… Kasabay ng pagngiti ng hamak kong puso sa dulot niyang kasiyahan Nagpapahiwatig… nagpapakita… ng isang kagandahan, isang simula…
Siya si “preh” na palagiang may suot na buntot ng kabayo sa
kaniyang ulo… Walang duda na bagay sa kaniya ang gayong hitsura, Siya na may tinig ng pag-awit na animo’y umaalinsabay’t nakikiagaw Sa mga dyosa’t anghel sa langit na sagisag ng tangisa’t papuri Nakapaparam ng pait ng dusa’t silahis at pangungunyapit Panghele kung gabi na sa nalulumo’t nalulumbay Oo’t walang humpay kong papakinggan ang kaniyang mga himig Himig ng mga pangarap na matayog, mataas, mabilis… Tulad ng mga siya’t kalungkutan na kaniyang dinanas nang panahon ay kumaripas, Ako’y paroroon, doon sa kaniyang tabi at makikinig ng kataimtiman…
Isang kasimplehan ng buhay at karunungan na dinaluyong ng
kasipagan, Siya na isinilang sa mundong ito na may pananampalataya sa Maykapal Pinatino sa disiplina’t pangaral ng kaniyang magulang na mahal Anupa’t lumaking may kahinhina’t marangal ang damdamin maging ang diwa Ani niya’y –“Hindi ko kayang mawala ang aking inang nililiyag, Sa kaniyang mga bisig na mapag-aruga’t mapagkalinga…” Sa pagkakarinig niyaon, ako’y inalihan ng kababaang loob at kahinahunan May paggalang sa pagmamahal na kaniyang nararamdaman noon Kaya nga ba’t hinidi nakapagtataka na kaniyang sarili’y mahal niya rin Anupat makapagbibigay ng pagmamahal sa iba na hindi matutumbasan…
Ako sa ganang sarili’y nahulog ngang muli nang napakabilis…
Tulad ng anghel ay dumausdos, gumiwang, kumaripas at sa lupa’y bumagsak! Pak! Lagapak! Malakas! Matindi at nakapangyayanig! Muli’y nagsimulang kumilos ang kamay ko sa pagindayog sa pluma… Mula sa hungkag na isipa’y nagbunga ng pag-ibig at inspirasyon Doon ko muling napagtanto na ang obra’y matamis nga talagang totoo… Tulad ng isng pulo’t kapag may pinag-aalayan… Ngunit sa lahat ng tula… karaniwan man o sa malayang taludturan, May isang wakas na di – masukat… di – malirip ninoman, Nariyang yumayakap sa diwang tulog, at tumatagos sa pusong nagmamaliw…
Sa kaniyang kariktang binalot sa kabaitan ng puso
Sa kaniyang mga pag-aalala at kabaitang ipinamalas Alam kong hindi niya nakikita ngunit lahat ng ito’y aking pinahahalagahan Pinapahalagahan ko ng lubos, at sa mga ito, ako’y nagpapasalamat… Salamat “preh” sa lahat – lahat… sa mga bagay na hindi ko hiniling ngunit iyong ibinigay Sa katapusa’y may isang hiling ang puso kong itinatangis Maaari bang “preh” na sa iyong paglipad kasama ng iyong mga pangarap Ay makiangkas ako sa “jetplane” mong pinatayog ng hangin sa alapaap Sapagakat sa lupa ang maiwang waka ka’y pagluah ang katumabas… Alam kong masakit… mahapdi at kalianman’y ayokong maranasan…!
Sa pagtingala ko sa langit ay nakita ko ang paglipad ng mga