You are on page 1of 4

Ang Demonyong Anghel at

Ang Huling Habilin ni


Browny
May sabayang pagbigkas na naman ang mga askal ng Kalye
Martinez. Sa piyesang isinulat ng misteryo ng gabi…
pangamba… at takot. Sa tuwing pipitik na lamang ang kamay
ng orasan sa ika–12 numero ay nabubuhay na ang “speech
choir conductor” ng mga aso—ang lagim na siyang bumabalot
sa mga natutulog na mga mamamayan ng Kalye Martinez.

Sa mga oras na iyon na kung saan ang may karapatan lamang


sanang kumanta ay ang mga kuliglig, ay may kung anong
nilalang na nagsasabi sa mga aso na tumahol sila’t bumulalas
ng galit at pagiging alerto!

“Bowowowow…!” ang sabi ng asong si Browny.

Mula sa pagkakadantay ng kanyang mga paa sa ibabaw ng


lamesa, habang tumutungga ng bote ng alak ay biglang
napabalikwas itong amo ni Browny at itinuon ang paningin sa
direksyon ng tinatahulan ni Browny at ng mga iba pang aso.
Kumakabog ang dibdib niyang inilapag ng dahan-dahan ang
bote ng amats sa kaniyang lamesa at naghanap ng pamalo sa
kanilang tahanan. Matapang o nagtatapang-tapangan lang ang
amo ni Browny. Pero isa lang ang sigurado, si Browny ay
talagang matapang na aso, sapagkat patuloy niyang niririndi
ang tainga ng kaniyang amo sa katatahol sa nilalang na hindi
naman nakikita ng tao.
Hinarap ng matapang o nagtatapang-tapangan lang na amo ni
Browny ang “nilikha” na tinatahulan ng aso. Ngunit sa
kasawiang-palad, walang nakita ang kaniyang mga mata, kaya
naisipan niyang tanggalin ang suot niyang shades. Sa kaniyang
pagkabigla ay wala pa rin siyang nakikitang anuman, kundi
isang tanawin ng gabing binabalot ng pusikit na kapaligiran na
ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang ilaw ng bilog na
buwan at poste ng ilaw.

Ngayon ay humina na ang tahol ni Browny at ng mga askal sa


kapit-bahay. Muling naghari ang mga kuliglig sa ere at ang
tunog ng nakakabasag na eardrum ng katahimikan. “Lasheng”
na ang amo ni Browny, kaya paeki-ekis nitong tinungo ang
iniwang toma sa lamesa. Nagtaka siya sapagkat hindi niya
nakita ang alak na iniwan niya roon kani-kanina lamang.

“Tsk… tsk… tsk…. Ikaw talaga ‘brawniyeh’, mana ka talaga sa


amo mo noh? Lashenggero! Hik… hik… hik… inunahan mo pa
ako sa pagtungga… hik…hik…hik…”

Paniguradong naririnig ni Browny ang sinasabi ng kaniyang


amo, ngunit hindi siya pwedeng magsalita at sabihing—“Ang
bobo naman ng amo ko, lumalaklak ba ako ng ihi ng kabayo?
Hindi naman kaya ako umiinom! At lalong hindi naman ako ang
kumuha niyan! Baka siya! Oo, siya nga, nasa likod mo siya
amo! Iyan oh!!! Siya ang kumuha! At teka, lumayo ka amo!!!
Ilag ka!!! May hawak-hawak siyang patalim! Sasaksakin ka
niya! Iyan na! Umilag ka!

Ngunit huli na ang lahat! Ang lasenggerong amo ni Browny ay


bumagsak na mula sa kaniyang kinatatayuan. Gaano man
katatag ang pagkapit ng kaniyang mga paa sa dignidad na
kaniyang pinanghahawakan ay hindi nito nasapatan ang
pananatiling makapagbata hanggang huli. Sa katapusan, siya
at siya pa rin ang nagbayad ng sarili niyang kasalanan. Buhay
ang buwis na siyang ibinayad, kapalit ng pagkamal sa kabang-
bayang ibinuwis ng mga mamamayan, sa huli’y dudupangin
din pala!

Kawawang buwaya! Duguang nakasubsob sa lupa. Humahalik


sa lupang tinutungtungan ng mga ordinaryong taong
nagtatrabaho ng marangal may maipanglaman lamang sa
kumakalam nilang bituka.

Ngayon sino itong humahalik sa lupang dati’y hindi niya


maluhuran man lang? Sino itong humahalik ngayon sa lupang
pagdurusa at kamatayn na malimit niyang tuntungan sapagkat
sa langit-langitang salapi siya kumakampay… lumilipad… at
nagpapakasasa sa kasiyahan, samantalang sa kaniyang ibaba
sa may mgataong halos gumagawa na ng kanilang mga
sariling hukay nang dahil sa hirap na kanilang pinapasan!

Namatay nga ang amo ni Browny, na ang tanging huling mga


tunog na narinig ay ang tahol ng kaniyang aso. Saying naman,
kung nauunawaan lamang sana niya ang mga tahol ng
kaniyang aso, buhay pa sana siya hanggang ngayon. Sa lugar
na kaniyang kinamatayan ay may balahibo na mistulang
nanggaling mula sa isang malaking ibon. Ang kulay nito’y
makintab na kulay itim. Wari’y nagsisilbing ala-ala ng nilalang
na kumitil sa kaniyang buhay.

Bukas ng gabi ay wala nang mangyayaring sabayang


pagbigkas ng mga aso…

Wala na ring “choral competition” ng mga kuliglig…


Wala na ring mga taong GISING pa…

Ang tanging malalabi ay ang himig ng nakababasag na ingay


ng katahimikan…

Sapagkat ang nilalang na nakikita ni Browny ay may


kakayahang mag-alis ng humigit kumulang na 100,000 hininga
sa loob ng 61.5 na segundo…

You might also like