You are on page 1of 2

GEHENNA

Sa dinami-rami ng mga bungong nag-uumpugan


Ay may nakalatay na marka ng ahas sa kaniyang noo
Hiniwa niya ito ng espada
At itinapon ang balat sa ilog…
Pinagpiyestahan ito ng mga patay
Sabay-sabay silang nag-rigor mortiz
Sumayaw sa tugtog ng “Macarena”
At kumanta ng “Hawak Kamay”

Nagyosi sila at saka tumungga


Ng markang demonyo at pulang kabayo
Sabay lamon sa “cholesterol” ng baboy
At pinapak ang mga utak ng mga buto
Niyanig ng mga ungol ng kasiyahan ang palasyo
Sapagkat nanalaytay ang libido sa kanilang mga dugo
Mabilis ang takbo hanggang sa sumabog
At ipinanganak na “caesarian” ang kasalanan

Wala na silang magawang masaya pa


Kaya naisipan nilang lumabas at pumunta ng mall
Nakita nila ang mga bolo ng KKK at
inagaw ito
Sakto namang tumugtog ang “Macarena” sa N93 ni Inday
At sumayaw ang mga nag-uumpugang bungo
Nagdarasal sa pagdanak ng dugo
Chop-chop ladies, stauros crucifixion, genocide, World War XXXIV
At walang katapusang artwork ng dugo sa high-way

Hanggang sa…
Tumahimik ang lahat at napatigil,
May batang anghel na pumasok sa eksena
Anim na puting pakpak ang bumuhat sa kaniya paitaas
At sa malakas at nakabibinging tinig,
Ay sinabi niya:

“SERVATIS A PERICULUM,
SERVATIS A MALEFICUM…”

Sabay-sabay na nagsiluhuran ang mga bungo,


At kanilang ibinulong:
“ILIGTAS MO NAWA KAMI SA KAPAHAMAKAN,
ILIGTAS MO NAWA KAMI SA KASAMAAN…”

At biglang nagsara ang palabas sa publiko!

You might also like