You are on page 1of 2

AKO SI PARALUMAN

Sa panulat ni: Danica D. Corum


BSN1-B

Ang buhay ay nababalot ng nga lihim na pinaka-iingatan. Kadalasan ay puno ito


ng lumbay at problema na pilit naming kinakaya. Kung saan pinatatakpan ng
masayang ngiti ng mga mamumunting mata, ng magandang imahe ng mala-
anghel na mukha at magandang postura ng katawan ang matinding kalungkutan
at pighati na dulot ng pagpasok mo sa aking buhay. Sa bawat sulyap kong ito’y
isang panibugho ang makikitang nagtatago sa likod ng nagdurugong puso’t
magulong isipan. Ako ba ang hihingan ng tawad o ang magbibigay at magbabalik
ng dati?

Mahirap isipin at napakalabong mapaniwalaan na ang bawat bagay kung ito’y


iisa-isahin mo pa. Nais kong sanang sa isang saglit lamang ito’y aking
maunawaan. Matanggap ito ng lubusan.

Hindi ko inakala na hahantung lamang ang lahat ditto, na magyayari ang ganito,
hindi ko inaasahan ang mga bagay na’to. Mga bagay na magdadala sa akin sa
kahihiyan. Kailanman di ko ninais na tayo’y magkalayo. Kahit ano pa ang isipan
ng iba, iyan ang totoo.

Kung ako ang magbibigay ng kapatawaran, para ko na ring hinayaan ang pag-
ibig kong inalay ay masayang. Itong pag-ibig ko’y karapat-dapat lamang na
maging pihikan ay iyong pinaasalamang. Ang pag-ibig ko’y buong nagtiwala sa
mga matatamis mong salita’t gawi. Ipinaglaban kita, iniwan ko sila at sinumbatan
para lang sumama sa iyo at mapagbigyan ang sarili na makapiling ka sa bawat
sandali at nang sa gayon ay maramdaman ko ang ligaya na tulad ng dalawang
taong nagmamahalan at nagsama upang maging isa. Ngunit sa tagal na nang
panahon na’yon, di ko naramdaman ang totoong pag-ibig, di ko nakita ang tunay
na ikaw. Naging masaya tayo, kasayahan na paara bang ni sinuman ay walang
makapapantay. Naging mabuti ako sa iyo, ipinakita ko kung sino at anong
klaseng tao ako. Hindi tulad mo na sa simula’t sa pol ay parang isang manikin na
walang pakiramdam, “ MANHID” wika nga.

Subalit kung dumating ang araw at nagpasya kang humingi ng tawad sa akin,
anong posibleng mangyari? Maaaring ika’y aking yakapin na para bang
nananabik upang ibalik ang dati at pagbigyan muli ang sarili. Hayaang mahalin
kita, tanggapin kita sa puso’t isip ko. Subalit dahil sa ginawa mo, sa tingin mo
katulad pa rin ba ako ng dati na nagging baliw sa pag-ibig para lang sa iyo, ako’y
nagging mistulang manikin na nakatayo na lamang sa isang pamilihan ng mga
pangkasal na kasuotan at higit pa sa nagbabagang baton g isang bulkan ang
matigas, mainit at mapusok kong puso. Maaaring isang malalim na bugtong-
hininga lamang ang maipanunumbas ko sa paghingi mo ng kapatawaran.
Kung ating sasariwain , nagging agresibo ang tulad nating kabataan at nagging
padalus-dalos sa mga bagay-bagay. Nagpadala tayo agad sa tukso n gating
emosyon kaya’t ang buhay natin ay nawalan ng direksyon. Bakit ba di natin
naisip ang mga pwedeng mangyar/ kuna ano ang magiging kalalabasan ng mga
di siguradong desisyon na ating pinagpasyahan? Hindi natin sinaalang-alang ang
mga sasabihin ng mga taong nasa paligid natin.

Sana’y nagging mahusay tayo sa pagpili ng mga hakbang na ating tinapakan


nang sa gayon ay di tayo naligaw at ngayon nagdurusa ant nasasaktan. Dahil sa
pagkakamali natin, tayo ay maghihiwalay at ako ngayon ang lubos na
nahihirapan sapagkay inalay ko ang lahat at nagging tapat . marahil sa’yo ay
nagging madali lang ang lahat sapagkat di ka nagging tunay at tapat sa iyong
pagmamahal.

Sana’y sa pagdating ng unang araw ng ating paglalayo ay maging maayos ang


lahat. Kahit na ang gabing darating ay magiging malamig na. Hangad ko pa rin
isang magandang ngiti ng umaga para sa ating dalawa sa magkaibang lugar
kung saan tayo ay nakatayo at naghihintay sa pinaniniwalaan nating tunay at
wagas na pag-iibigan.

You might also like