You are on page 1of 1

NOV.

9, 2011 DATE

NR # 2582B
REF. NO.

HRMO sa LGUs itatatag


Isang panukalang batas ang isinusulong sa Kamara para magtatag ng Human Resources Management Office (HRMO) sa ilalim ng Local Government Units (LGU) para itaguyod at madagdagan ang kasanayan ng empleyado na makapagbigay ng mahusay at epektibong paglilingkod sa publiko. Sa paghahain ng House Bill no. 5408, sinabi ni Rep. Andres Salvacion (3rd District, Leyte) layunin nito na mapagbuti ang human resources para makamit ang paglago ng lokal at pambansang hangarin. Inaatasan ng panukala ang HRMO na mag-design ng personnel program para sa recruitment, career development, rewards at incentives, performance management, discipline at welfare ng emplayado. Ang human resources development plan ay sasailalim sa pag-apruba ng gobernador o ng mayor, sabi ni Salvacion. Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng records ng personnel development gaya ng appointments, personal data sheets, service records, statement of assets and liabilities, leave credits at iba pang kailangan sa personnel records. Pamamahalaan ng Civil Service Commission ang pagtatalaga sa HRM officer base sa tatlong rekomendasyon ng gobernador at mayor at hindi na ito kailangan pang pagkasunduan sa Sanggunian. (30) eag

You might also like