You are on page 1of 1

NOV.

10, 2011 DATE

NR # 2583
REF. NO.

Panawagang dagdagan ang pondo para sa chalk allowance, dumarami


Dumarami ang nananawagan at kumikilos upang madagdagan ang pondo para sa chalk na gamit ng mga guro sa pampublikong paaralan. Ito ay makaraang gawing pormal ni Rep. Winston Castelo (3rd District, Quezon City) sa pamamagitan ng isang resolusyon, ang House Resolution 1736 na naglalayong gawing P2, 000 mula sa dating P700, ang taunang pondo para sa classroom supplies, na tinatanggap ng mga guro mula sa Department of Education (DepEd). Batay sa resolusyon, hinihiling ni Castelo sa House Committee on Appropriations na makipag-uganayan sa DepEd upang madagdagan ang pondo nito para sa taong 2012 partikular na ang pondo para sa suplay ng chalk at iba pang gamit sa loob ng silid-aralan na ginagamit ng mga guro. Ayon kay Castelo bawat guro ay mayroon lamang taunang badyet para sa chalk na nagkakahalaga ng P700 o P3.50 kada araw sa loob ng 203 school days. Hindi na makatotohanan ang ganitong badyet. Malaki na ang diperensiya ng presyo ng mga bilihin noon kumpara ngayon kahit na chalk lamang ito, ani Castelo. Ito ang dahilan, dagdag pa ni Castelo kaya siya nananawagan sa Kamara at sa DepEd na nadagdagan ang pondo para sa chalk allowance. Layunin din nito na maipakita sa mga guro na naiintindihan ng pamahalaan ang kalagayan ng mga guro na madalas ay sariling pera na ang ipinambibili ng chlak, may magamit lamang sa loob ng paaralan. Nauna rito, nagsumite si Rep. Antonio Tinio (Party-list, ACT Teachers) ng panukala, ang House Bill 4134, na naglalayong gawing P2, 000 ang dating P700 allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan para sa gamit sa silid-aralan kung saan kabilang na ditto ang chalk. Ang kakaunting halagang ibinibigay sa mga guro ay hindi na sumasapat sa mga suplay an kinakailangan ng mga guro natin. Sa araw-araw na mayroong klase, kailangan nila ng chalk at iba pang suplay tulad ng pambura, lapis, ballpen, kuwaderno, class records, Manila paper, cartolina, bond paper, art paper, at iba pang gamit upang matugunan ang pang-araw-araw na gawain, paliwanag pa ni Tinio.(30) sb

You might also like