You are on page 1of 2

NOV.

13, 2011 DATE

NR # 2586
REF. NO.

Kamara suportado ang anti-epal bill ng Senado


Dumarami ang sumusuporta sa Mababang Kapulungan panukalang naglalayong ipagbawal ang paglalagay ng pangalan at litrato ng mga pulitiko sa mga proyekto ng pamahalaan. Ang panukala o House Bill 2309 ay inihain sa Kamara nina Reps. Teddy Casio at Neri Colmenares (Party-list, Bayan Muna) na may titulong An Act Prohibiting The Naming Of Public Properties And Government Services After Incumbent Elected Public Officials, Their Kin, Spouses And Relatives Of Up To Fourth Civil Degree Of Consanguinity And Providing Penalties Thereof And For Other Purposes Ayon sa dalawang mambabatas ang panukalang ito ay isang magandang halimbawa at pagpapakita ng kaseryosohan ng gobyerno na tahakin ang daang matuwid na siyang adbokasiya ng pamahalaang Aquino. Nanawagan din si Casio sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na isama ito sa mga priority measures ng Kamara. Ngunit naniniwala rin naman ang mambabatas na nahaharap sa matinding laban ang pagsasabatas ng panukalang ito dahil sa katotohanang napakaraming political clans at dynasties sa Mababang Kapulungan. Umaasa pa rin naman si Casio na magkakaroon ng isang compromise measure upang maiwasan na ang paglalagay ng mga pangalan at mukha ng mga pulitikong siyang daan upang makapagpagawa ng ibat-ibang proyekto sa bansa. Aniya, layunin din ng panukala na matigil na ang pamamayagpag ng mga political dynasties sa bansa. Imoral ang pangalan mo at ariing sa iyo ang mga proyekto, programa at serrbisyo ng pamahalaan dahil ang mamamayan ang pinagmulan ng perang ginamit sa mga proyektong ito, dagdag pa ni Casio. Sa panig naman ni Rep. Raymond Palatino (Party-list, Kabataan), dapat patawan ng parusa ang mga pulitikong naglalagay ng malalaking tarpaulin kung saan nakabandera ang kanilang mukha at pangalan, lalo na sa mga lansangan at iaba pang daan. Nauna na ring nagsumite ng panukala si Palatino, ang House Bill 4112 o An Act Declaring As Unlawful Any Government Project To Be Named Or Identified After Government Officials And Other Persons Whose Name Or Identity May In Any Manner Be Associated With Said Officials.

NOV. 13, 2011 DATE

NR # 2586
REF. NO.

Hindi lang ito nagpapakita ng fake sense of accomplishment bagkus, pinapayagan pa na magsagawa na ng mas maagang pangangampanya sa mga pulitikong nagnanais o nangangarap na muling mahalal, paliwanag ni Palatino. Maging si Rep. Luzviminda Ilagan (Party-list, Gabriela) ay nagpahayag ng suporta sa agarang pagsasabatas ng panukalang inihain ni Sen. Miriam Santiago at ang dalawang panukalang nakahain din sa Mababang Kapulungan.(30) sb

You might also like