You are on page 1of 4

UNTITLED BIOGRAPHY

By: Abdullah S. Kamsa


Pagod na yata ako. Pagod na akong maghanap, pagod na akong
maghintay, pagod na ako sa kaiisip, pagod na ako sa lahat. Bakit ba
napakahirap sa akin ang makamit ang gusto kong abutin? May mali ba ako o
sa aking paligid? Akala siguro ng iba ay napakadali na sa akin ang lahat, na
akala ko rin noon ay ganun nga kasimple ang buhay. Ngunit lahat pala ng
akala ay may mali rin. Hindi puwedeng umasa pala sa agos lang. Baka ikaw
ay matangay lang sa liku-liko, baku-bako o mabatong daan na baka di mo
makayanan kung ano ay puwedeng maging kahihitnan ng lahat.

Bata pa ako, kinamulatan ko na ang gulo ng mundo na nagsimula sa


apat na sulok ng aming tahanan. Di ko nga siguro alam ang tinatawag na pag-
ibig. Ano nga ba ito? Pag-ibig, pagmamahal sa ibang katawagan. Sabi nila
kapag ikaw raw ay dinatnan nito ay kumukulay ang malabo mong buhay.
Ooops teka, hahaha, nagpapatawa yata kayo, di siguro totoo yan. Sa pelikula,
siguradong pwede. May artista, may magandang lugar at higit sa lahat ay may
direktor na nagmamando sa lahat upang ang kalabasan nito ay kawili-wili. Sa
tuwing ako'y nanonood sa mga pelikulang ganito, nagpapatangay ako sa daloy
ng istorya ngunit sa huli akin ding naaanalisa, isa lang itong guni-guni o
kathang isip lang ng malikot na pag-iisip ng manunulat.

Lumaki ako dala-dala sa isip na walang tunay na pag-ibig. Oo,


aminado ako, masaya ang pagsasama ng aking mga magulang. Marami nga
kaming magkakapatid, na sabi nga ng iba ay saksi ng pagmamahalan ang
bungang ito. Ngunit di pa rin ibig sabihin nito para sa akin ay wagas na pag-
ibig na ito. Pwede naman maging ganun di ba kahit wala nun.

Away, bulyawan, inggitan kung anu-ano pang dahilan para humantong


sa di pagkakasunduan ang umikot sa magulo kong kabataan. Oo, marami
akong kaibigan, masaya naman ngunit ni minsan wala akong naging tunay na
kaibigan. Pakikisama ang aking sandata upang ako'y makilala na palakaibigan
pero di ko natagpuan ang hinahanap kong totoong kaibigan. Di ko alam kung
sino ang mali, ako ba o sila? Basta ang alam ko, lahat naman siguro ng naging
parte sa aking buhay ay nagawa ko ang lahat upang maging masaya at
makabuluhan ang bawat araw na aming pinagsaluhan.

1
Hanggang dumating sa punto na pera ang aking naging sandigan upang
makisalamuha sa mga tao sa aking paligid. Kinakailangan kong magsikap
upang magkaroon nito at di ako pwedeng mawalan dahil nakatanim na sa
aking isipan na kapag wala ako nito ay di ako pwedeng lumitaw sa realidad ng
hamon ng buhay.

Meron ngang naging magandang kinalabasan ito tulad na lang ng


pagsisikap upang maabot ang pinapangarap, na lahat yata ng tao ay gustong
maabot ang tinatawag nating yaman at kapangyarihan. Kung meron ka nito ay
titingalain ka. Ngunit meron naman itong pangit na kinahinatnan, ang
pagiging sakim at di pagtitiwala sa sarili at inasa na lang ang lahat sa
kakayahan ng salapi pati pag-ibig ay nabili na ng letseng bagay na ito.

Galit, poot, tampo at paghihiganti ang naglalarawan sa akin sa tuwing


naaalala ko ang mga pangit na pinagdaanan ko sa mga taong umalipusta, di
nagtiwala sa akin, walang bilib sa kakayahan ko. Sa mga taong lumalapit lang
kapag may kailangan sa iyo, pagkatapos ng lahat ay wala na, balewala ka na
sa kanila. Mga taong walang iniisip kundi sarili lang nilang kapakanan. Di
man lang nila iniisip ang pilit hilahin ang mga taong nasa kanilang paanan
upang maging kapantay ang mga ito. Sakim, walang kabuluhan, mga ganid.
Gusto lang nilang sila lang ang manatili sa taas na kanilang kinalalagyan.
Pweee, may kalalagyan din sila! Buhay ay parang gulong, minsan nasa ibaba,
minsan naman ay nasa itaas. Darating din ang panahon, ang mga nasa itaas ay
bababa at ang mga nasa ibaba ay tataas.

Ito naman ang aking pinaka-kinatatakutan. Unti unti ng dumarating


ngunit ako'y di pa natuto sa bagay na ito. Papaasahin ko na lang ba habang
panahon. Papangakohan sa walang katotohanan. Ang tinutukoy ko ay ang
pag-ibig. Papaibigin, paparinggan ng matatamis na salita tapos sa huli ay
paluluhain lang. Di ko pa alam o naranasang umibig ng totoo sa buong buhay
ko. Ako'y naguguluhan na. Paano ko ba hahawakan ang sitwasyong ganito?
Saan ko ba isisi ang lahat? Sa namulatan kong karanasan o sa nakikita ko sa
aking paligid sa ngayon. Teka muna baka sa akin talaga ang mali. Duwag
lang siguro ako. Takot akong harapin ang responsibilidad. Responsibilidad na
kailangang pagtuunan ng pansin at di pwedeng ipagsawalang bahala. Akala
ko ba, ako ay handa sa lahat ng hamon ng buhay. Eto naman tayo sa puntong
paniniwala sa akala, akala, akala. Hay naku, hirap talaga pala ang pagsuong
sa realidad. Sana, tulad ng mga kwento sa Fairy Tales, may mga pagsubok
pero sa bandang huli ay happy ending din.

2
Tara naman sa kasalukuyan ko. May trabaho sa ngayon. May pera,
mga bagay na gustong kunin, napakadaling abutin. May espesyal na kaibigan,
na nagpapangiti kahit malayo, may mga kaibigang nagtitiwala at nagiging
sandigan sa mga bagay na di ko magawa. Walang responsibilidad na iniintindi
at marami pang iba. Hay, sarap yata ano? Nakakainggit ba? Ganito
tumatakbo ang aking araw araw. Pero tanong ko lang sa inyo, dapat ba talaga
kayong mainggit pag sinabi ko sa inyo na di pa rin ako masaya? May
kinalaman kaya ang kahapon ko sa kasalukuyan ngayon? May hinahanap
akong di ko pa nakikita na sana ay dumating na. Siguro katahimikan.

Poot ay nananatili pa rin sa aking dibdib. Galit na hanggang ngayon


ay sumiklab pa rin ang apoy na siguro kapag ito ay naapula, doon ko siguro
matatagpuan ang hinahanap kong katahimikan. Ngunit paano ko ba naman
makakamit ito kung sa kasalukuyan ko ngayon ay pilit pa ring tinatahi ng mga
tao sa aking paligid upang magdugtong ang nakalipas sa kasalukuyan. Hiling
ko lang sa inyo, tantanan nyo na ako. Wala naman akong kasalanan sa inyo.
Intindihin nyo na lang sarili nyong buhay at ako na ang bahala sa sarili kong
buhay.

Pagod na pagod na talaga ako. Kailan ko ba mararanasan ang tumawa,


humalakhak at magsisigaw sa tuwa na walang iniintinding problema
pagkatapos ng kasiyahan? Darating pa ba ang mga taong totoong kaibigan na
dadamay, magbibigay ng payo kapag ikaw ay nalilihis ng landas, kasama sa
saya maging sa kalungkutan man ay di ka iiwan? Sana akin ng mamasdan sa
aking paligid ang tunay na diwa ng pag-ibig o pagmamahalan ng sa ganun ay
matutunan ko ring umibig ng tunay upang maipadama ko rin sa mga taong
nagmamahal sa akin hindi lang bilang isang sukli kundi pati rin sa
katahimikan ng aking buhay.

Ang bukas kaya, ano ang naghihintay sa akin? Panibagong pagsubok


ba na susubok sa tibay at lakas ng aking dibdib upang harapin ang anumang
mga di kanais-nais na mangyayari o kaya'y panibagong guhit ng buhay na
may iba't ibang kulay na magpapangiti at magbibigay ng katahimikan ng loob
at kontento sa lahat ng bagay na wala ng hihilingin pang iba. Tulad ng isang
pintor, kapag siya'y gumuhit, sinisiguradong lahat ay nasa ayos upang ang
kalabasan ng kanyang likha ay maging kaaya-aya lalo na sa mga taong titingin
sa kanyang obra maestra.

3
Ngunit ang isang obra ng pintor ay kailangang ingatan sapagkat kapag
ito'y napunit, namantsahan o sabihin nating nasira, ito'y wala ng kabuluhan.
Di na pwedeng pakinabangan dahil hindi na ito magandang pagmasdan o
gawing dekorasyon. Samantalang tayo'y mapalad sapagkat kung tayo ay
nagkamali, nadapa o nalihis sa landas na tama, pwede nating ituwid ang lahat
at magpatuloy sa gustong kapalarang ninanais. Huwag lang tayong
magpaapekto o makinig sa mga taong wala ng ginawa kundi punain ang mali
ng iba at pilit na ibaon sa putik na kinasadlakan samantalang sarili namang
buhay ay di kayang ayusin. Hindi kayang linisin ang sariling bakuran kaya't
ang iba ang pilit na winawalis upang sa ganun ay matakasan ang sariling
problema. Mga taong nagmamalinis samantalang kayrumi-rumi naman ng
nasa loob. Hoy! Magpakatotoo naman kayo.

Minsan kapag ako'y nag-iisa, bumabalik sa aking alaala, lahat ng


mapapait kong pinagdaanan at unti unting nabubuo ang matagal ng pagtitimpi
na nananahan sa aking dibdib at gustong sumabog sa tagal ng aking
pagkimkim dito. Gusto kong sumigaw ng malakas na malakas at marinig ng
sanlibutan ang aking pagsusumamo ng sa ganun ay maibsan ang galit, poot at
lahat ng mga pangit na dumating sa buhay ko. Ayaw kong mag-isa. Gusto ko
ng karamay. Gusto kong may makinig. Gusto kong mabigyan ng atensyon.
Gusto ko ng masaya. Ayaw ko ng gulo. Kaya ako'y nagsusumamo. Ito ba ay
kahangalan? Hindi siguro. Kahangalan bang humingi ka ng mabuti para sa
iyo at sa lahat ng tao sa paligid mo? Di ba hindi.

Simpleng buhay lang ang pinapangarap ko. Magkaroon ng isang


pamilya na kumakain ng tatlong beses isang araw, masaya at pinagsasaluhan
ang tunay na kahulugan ng pagmamahalan. Malayo sa gulo at karahasan
sapagkat ako'y sawang-sawa na. Tama na. Purong pag-ibig naman sana ang
umikot sa mundo ko. Tunay na pag-ibig na lang sana ang umiral sa mundong
ito.

The writer is an OFW in Jeddah, K.S.A.

You might also like