You are on page 1of 1

NOV.

15, 2011 DATE

NR # 2588B
REF. NO.

Patuloy pa rin ang paglabag sa karapatang pantao


Bagamat nakalagda ang gobyerno sa multilateral treaties sa karapatang pantao gaya ng The International Covenant on Civil and Political Rights at The International Covenant on Economic, Social at Cultural Rights, patuloy pa rin ang paglabag sa karapatang pantao sa bansa. Ito ang nagbunsod sa paghahain ng House Bill no. 5379 ni Rep. Neri Colmenares (Party-list, Bayan Muna) para bigyan ng proteksyon ang karapatang pantao ng mga manggagawa at parusahan ang alinmang miyembro ng military, pulis at iba pang security forces na lalabag dito. Binanggit ni colmenares na sa 1,206 na biktima ng extrajudicial killings sa bansa, 476 dito ang human rights defenders (HRD). Sa 206 biktima ng enforced disappearance, 68 dito ay human rights workers. Kahit na miyembro ng pamilya at iba pang kamag-anak ng human rights defenders ay ginugulo at tinatakot ng mga security forces, wika ni Colmenares. Hinalimbawa ni Colmenares ang brutal na pagpatay sa mga human rights workers na sina Eden Marcellana, Leima Fortu, Benjaline Hernandez at Eddie Gumanoy. (30) eag

You might also like