You are on page 1of 1

NOV.

16, 2011 DATE

NR # 2589
REF. NO.

SETYEMBRE 3, ARAW NG TAGUMPAY


Hiniling sa Kamara ang mabilis na pag-apruba sa Bill no. 5068 para ideklarang piesta opisyal ang Setyembre 3 ng kada taon bilang National Victory and Liberation Day, isang makabuluhang kasaysayan sa Pilipinas. Marami tayong ipinagdiriwang, ang Fall of Bataan, Death of Rizal, Fall of Manila at marami pang selebrasyon ng pagkatalo, sa pag-asang magbibigay ng inspirasyon, pero meron tayong higit na ipagdiwang at alalahanin, ang ating tagumpay, sabi ni Rep. Salvador Escudero III (1st District, Sorsogon), ang chairman ng House Committee on Basic Education and Culture. Ayon kay Rep. Bernardo Vergara (Lone District, Baguio City) noong Setyembre 3, 1945 sumuko sina General Tomoyuki Yamashita at Vice Admiral Denhici Okochi, dalawang mataas na opisyal ng army at navy ng Hapon sa Pilipinas kay Maj. Edmond Leavey sa isang seremonya na ginawa sa United States High Commissioners Residence sa Camp John Hay sa Baguio. It is long overdue, pero ganun pa man, better late than never, sabi ni Vergara na siyang naghain ng panukala. Umaasa ako na magbibigay ito ng liwanag sa ating lahat at naway aprubahan ito ngayong 15th Congress. Nauna dito, nagpadala ng liham ang National Historical Commission of the Philippines Na kumikilala sa kahalagahan ng Seteymbre 3 na kasaysayan sa bansa. (30) eag

You might also like