You are on page 1of 1

NOV.

21, 2011 DATE

NR # 2594B
REF. NO.

Sex offenders bawal sa eskwelahan


Inihain sa Kamara de Representantes ang Sex Offenders School Access Prohibition Act para palakasin ang proteksyon ng mga bata mula sa sekswal na pang-aabuso sa gitna ng mga naiulat na kasong pang-aabuso sa pribado at pampubliong paralaan. Iminungkahi nina Reps. Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde (BUHAY, Partylist) ang House Bill no. 5439 na naglalayong ipagbawal ang sex offenders na pumasok sa bakuran ng eskwelahan. Binanggit nina Velarde at Tieng ang datos mula sa Philippine National Police Womens and Childrens Protection Desk, na may kabuuang 9,787 na kaso ng child abuse ang naiulat noong 2009, mas mataas sa 8,588 noong 2008. Ipagbabawal sa mga sex offenders na gumala sa paaralan sa layong 500 talampakan sa mismong gusali ng bakuran ng eskwelahan kapag may mga estudyante na nasa edad na 18 anyos. Bawal din sa sex offender na manirahan malapit sa eskwelahan. Inaatasan ang Bureau of Jail Management na magsumite sa Department of Education Division Superintendent ng listahan ng sexual offenders na pinalaya o binigyan ng parol para magkaroon ng kpya ang bawat DepEd Division Superintendent ng paaralan na kanyang nasasakupan. (30) eag

You might also like