You are on page 1of 1

NOV.

21, 2011 DATE

NR # 2594
REF. NO.

Labanan ang katiwalian


Ang pagkakaroon ng pulutong ng magmamatyag laban sa katiwalian sa gobyerno ang inihaing panukalang batas ni Rep. Raymond Palatino (Party-list, KABATAAN). Layunin ng House Bill no. 5417 na ituro sa elementary at high school students ang good governance, ethics at accountability sa publiko. Tatawagin itong Good Governance Education Act of 2011. Sa kanilang murang edad, kailangan hikayatin natin ang mga kabataan na matutunan ang makibahagi sa serbisyo publiko sa ikauunlad ng ating lipunan, sabi ni Palatino. Layunin din ng panukalang batas na maglikha ng model citizens at public servant, huwarang pagkamakabayan, hustisya, responsibilidad at integridad na mananagot at handang magsilbi sa taumbayan. (30) eag

You might also like