You are on page 1of 1

NOV.

21, 2011 DATE

NR # 2594C
REF. NO.

Pagtatatag ng Local Youth Development Councils sinusugan ng Kamara


Inaprubahan na ng House Committee on Youth and Sports ang pnukalang naglalayong magtatag ng Local Youth Development Councils (LYDC) sa buong bansa. Ayon kay Rep. Renato Unico Jr. (1st District, Camarines Norte), Chairman ng komite, agad na ring naipadala sa House Committee on Appropriation ang nabanggit na panukala upang mapag-usapan na ang pondong kakailanganin upang maipatupad ito. Ayon sa magkapatid na may akda ng House Bill 591 na sina Reps. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Party List, Abante Mindanao), ang pagtatatag ng LYDC ay magiging daan upang lumawak at mapalakas ang serbisyong ibinibigay ng mga ahensiyan ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan o LGUs at mga pribadong ahensiya sa mga kabataan. Since the Philippines is a very young country, with majority of the population belonging to the youth sector, it is imperative that government programs and policies should always take into account their impact on the youth, if only to guarantee their successful implementation, Rodriguez said. Ayon kay Rodriguez sa pamamagitan ng local councils, maipapaabot ng National Youth Commission (NYC) ang mga programa at polisiya para sa mga kabataan hanggang sa mga kanayunan o ahg tinatawag na grassroots level, kung saan malaki ang maitutulong upang maipaalam ng mga kabataan na nasa lalawigan ang kanilang mgapangangailangan at maisasali rin sila sa lahat ng public at civil activities. Kikilalanin ang panukalang ito bilang Local Youth Development Act, at magiging pangunahing tungkulin ng LYDC ang pagbubuo ng five-year youth development plan, na susuportahan naman ng isang ordinansa na ipapasa ng Sangguniang Panglungsod, Pambayan o Panlalawigan. Ang planong ito ang siyang magiging basehan ng lahat ng ipapatupad na programa at serbisyo, sa pakikipagtulungan ng lahat ng ahensiyang may kilamanan dito, para sa kabataan, dagdag pa ni Rodriguez. Ilan sa mga nais matugunan ng panukala ay ang pagbibigay ng scholarships, trainings at conferences, sports, livelihood developments, entrepreneurship, leadership, information technology, value formation, advocacy at youth cooperatives. (30) sb

You might also like