You are on page 1of 1

NOV.

24, 2011 DATE

NR # 2597B
REF. NO.

Libreng tawag at text kapag may kalamidad hiling ng mambabatas


Hiniling ngayon ng isang mambabatas sa mga telecommunications companies na magbigay ng libreng tawag at text sa mamamayan kapag may kalamidad at malawakang sakuna tulad ng natural disasters. Ang panawagan ay ginawa ni Rep. Winston Castelo (2nd District, Quezon City), sa pamamagitan ng House Resolution 1845, kung saan umaapela ang mambabatas sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), GLOBE Telecom, Digital Telecommunications Corporation (Digitel) at Bayan Telecommunications Corporation (Bayantel) na magbigay ng libreng tawag at text messaging sa mamamayang naapektuhan ng kalamidad. Ang maikling tawag at mensahe sa text ay malaki ang magagawa upang mabawasan ang malaking epekto ng krisis at kalamidad sa mamamayang naapektuhan. Malaki rin ang maitutulong nito sa pakikipag-ugnayan sa pagpapahatid ng tulong at pagliligtas ng mga apektadong mamamayan, at higit sa lahat ang maibsan ang sakit at bigat ng mga nawalan, nasaktan, namatayan maging ito man ay kagamitan, kabuhayan at higit sa lahat buhay ng tao, ani Castelo. Dagdag pa ni Castelo ang business community lalo na ang mga nasa pribadong sektor ay isang mahalagang bahagi ng national disaster risk reduction and management plan and program na ipinatutupad ng pamahalaan, lokal naman o nasyunal lalo na sa mga matitinding krisis, sakuna at kalamidad na napagdadaanan ng bansa. Ani Castelo ang serbisyo ng mga malalaki at maging ng maliliit na telecommunications firms ay napakaling halaga sa mga panahong may dinaranas na kalamidad ang bansa. Ang kadalasang nagiging problema ng mga nasa malalayong lugar kapag may kalamidad ay ang kawalan ng load kayat hindi nila nagagawang magkaroon ng komunikasyon sa mga nasa labas ng lugar kung saan maaaring makahingi ng tulong. Nararapat lamang na magbalik ng bahagi ng kanilang kinita ang mga telecommunications firms sa komunidad kung saan sila nagseserbisyo, ani Castelo.(30) sb

You might also like