You are on page 1of 1

NOV.

26, 2011 DATE

NR # 2599
REF. NO.

Braille educational system gagamitin upang makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga batang bulag
Nananawagan sa kanyang mga kasama sa Mababang Kaupulngan sina BUHAY Party-list Reps. Mariano Michael Velarde, Jr. at Irwin Tieng na agad aksiyunan ang panukalang naglalayong palakasin ang literacy program para sa mga batang hindi nakakakita. Sa House Bill 5438 na inihain ng dalawang mambabatas, layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang may 40,000 batang bulag na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ayon ka Tieng kikilalanin ang panukalang ito bilang Blind Persons Literacy Rights and Education Act of 2011 kung saan gagamitin ang Braille system sa pagbabasa at pagsusulat sa pamamagitan ng Standard English and Filipino Braille. Ang pangunahing dahilan lamang kung bakit sila hindi nakakapag-aral ay ang malaking kakulangan sa mga gurong may kasanayang magturo sa mga batang bulag, ani Tieng. Dagdag pa ni Tieng panahon na upang kumilos ang pamahalaan at bigyang pansin ang isyu na ito sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga polisiya at programa na makakatulong upang makapag-aral angt mga batang may kapansanan. Hindi man maituturing na exclusive literacy tool ang Braille, malaki naman ang potensiyal nito upang makatulong sa mga batang di nakakakita kayat hindi ito dapat maliitin, ani Velarde. Sa ilalim ng panukala, bawat batang bulag ay dapat na mabigyan ng special education program at dapat ay makikipatulungan ang mga magulang o kung sinuman ang nag-aalaga sa bata. Dadaan sa isang pagsusuri ang batang nagnanais makapag-aral upang malaman kung anong uri ng tulong ang kanyang kailangan at kung may pangangailangan sa Braille skills na idedesenyo ng Department of Education (DepEd). Makakatulong ito upang malaman kung ano ang mas makakatulong sa bata sa kanyang pag-aaral, paliwanag pa ni Velarde. Aatasan naman ang Department of Education (DepEd) na bumuo ng mga polisiya, plano, at programa para sa paghahanda ng mga instructional materials, at ebalwasyon ng mga programa para sa mga batang bulag na nasa ilalim ng blind students literacy education. (30) sb

You might also like